Chapter 31 : Hindi kita iiwan

Start from the beginning
                                    

"Yup, siguro yung una niyang mission, hindi niya nagawa ng tama. Nung pangalawang beses na. Ayun nagtama na kaya nakauwi na siya." 

Hindi ko alam kung bakit siya biglang tumahimik. Kinabahan din ako sa pagiging tahimik niya. Alam kong may malalim siyang iniisip. Kinabahan na din ako nung naisip ko kung ano ang iniisip niya. Iniisip niya ako!

"So, ikaw?" bigla siyang nagsalita. Kumabog ang dibdib ko nung nagtama ang mata namin. "-di ba ang mission mo ay umiikot sa akin? Kaya ka nga nandito. Nandito sa buhay ko." sumakit ang dibdib ko nung napapikit siya sa huli niyang sinabi.

 "Ginagawa mo pa rin ba mission mo? Paano na kung matapos mo na? Iiwanan mo na rin ba ako?" 

Ngayon na lang ulit ako kinabahan ng ganito. Naramdaman ko ito nung nalaman ko ang nangyari sa Ama ko. Hindi ko sukat akalain na mararamdaman ko ito. Tama ba ito, Fyglia? Bago ka pumasok sa relasyon mo sa isang tao. Hindi mo man lang naisip ang patutunguhan nito. Tama siya pag natapos ko na ang mission ay makakabalik na ako sa aming mundo. Hindi na ulit ako makakabalik dito. Dahil hindi ako nararapat sa mundong ito. Konting konti na lang din ay matatapos na ang mission. Bumalik na si Karina Cajucom eh. 

Siguro ang nararapat na gawin ay itigil na namin ito. Dahil alam ko naman ang patutunguhan. Mas mabuting maagap pa ay matapos na.

Nawala ang pag-iisip ko nung hawakan niya ang magkabila kong kamay.

"Fyglia, di ba maninirahan ka na dito ng normal? Hindi mo na gagawin ang mission mo? Kasi gusto mo ako..hindi mo ako iiwan di ba? Dito ka lang di ba?" punong puno ng pagsusumamo ang mata niyang na nakatingin sa akin. Lumambot pa lalo ang puso ko nung kumislap ang mga mata niya. Iniwas niya ang tingin niya pero nakahawak pa rin siya sa kamay ko. 

"Hindi kita iiwan." ang tanging nasambit ko. 

Siguro sa susunod na araw na lang ako makikipag hiwalay. Gusto ko din pag-isipin ito ng mabuti. Hinalikan niya ako sa noo bago siya umalis. At nag-iwan pa ng salita.

"Pero masama pa rin ang loob ko sa'yo. Nakikipag communicate ka pa rin pala kay Isaiah ah." punong puno ng pagseselos ang bawat kataga niya bago ako tinalikuran. 

 Pagkaalis niya humiga na lang ulit ako sa kama at inisip ang mga posibleng mangyari. Binuksan ko ang radyo para makinig ng kanta. Napapikit ako pagkatapos kong marinig ang lyrics nung kanta.

Hindi kita iiwan
Hindi pababayan
Sa akin ay hindi ka iiyak na kahit minsan
Hindi kita iiwan
Hindi pababayaan
Hinding hindi ka sasaktan
O' akin ka nalang
Hindi kita iiwan  

Ang sinungaling ko. Dahil kahit anong mangyari ay iiwanan ko naman talaga siya. 

Hindi ako pumasok sa trabaho nung gabing iyon sinabi ko na lang na may sakit ako. Hindi rin matigil ang pag tunog ng cellphone ni Krissy na nasa kabilang kwarto. Marahil ang hinahanap siya ng mga katrabaho at kaibigan niya. May mga ngilan ngilan din akong natatanggap na mensahe at hinahanap siya. Pero wala akong sinasagot ni isa sa mga iyon. 

Alas nuwebe na ng gabi. Para lang tanga. Inubos ko ang oras kong magdamag na nakahiga sa kama at nakikinig lang sa radyo ng kung ano-ano. Bumangon ako at nag-ayos. Pupuntahan ko si Caloy. Tatapusin ko na ito.

Sumakay ako sa taxi. Pagkarating ko doon natamaan ko sa malayo na nag-uusap sa tapat ng gate si Karina at Lyn. Nagtago ako sa isang poste. At dahil may lakas ako ngayon ay naririnig ko kahit malayo ang kanilang pinag-uusapan.

"Lyn, pakiusapan mo naman ang kuya mo na pakinggan ako. Ikaw lang ang tanging pag-asa ni Mama." pagmamakaawa ni Karina sa anak niya

"Ma, baka mabugbog ako ni kuya pag nalaman niya na tinatanggap na kita. Punong puno siya ng galit sa inyong dalawa ni Papa. Pati Ma, kunin mo ito. Hindi ko matatanggap ito. Nangako ako sa kuya ko na hindi ako tatanggap kahit kanino man ng pera. Sa kanya lang daw ako hihingi. Pati kaya na rin naman ako ni kuyang buhayin. Nakakaluwag luwag na si Kuya."

Fyglia's EnchantmentWhere stories live. Discover now