“Yan din naman ang mangyayari eh! Magpapakasal tayo at lilipat sa sarili nating palasyo!”

“Hindi pa tayo magpapakasal ngayon! So let me go! I don't own you and you--..”

“I practically own you! Akin ka!”

Goodness! I really hate possessive guys! Nakakairita!

Hinarap ko si Manong. “Drive.” Mariin kong sabi.

“P-Pero princess--..”

“Drive, Manong. Wag kang matatakot sa kanya. I'm your boss, not him.”

“Don't you dare leave!” Sigaw ni Dasher.

Huminga ng malalim si Manong bago pinaandar muli ang makina at nagmaneho. Iniwasan niya si Chase para di niya mabunggo.

Liningon ko si Dasher at nakahinga ng maluwag nang nakitang hindi niya na ako hinabol.

****

“Goodness gracious, Alexandrite! Galit na galit si Prince Dasher!” Sermon ni Mom.

“Mother, hayaan mo na siya. Kinakailangan ko na ring umuwi.” I rolled my eyes.

Nandito na ako sa kwarto ko at nakaupo sa kama ko habang sinisermonan ako ni Mom.

“Ayos lang naman samin kung di ka pa umuwi ngayon eh! We don't mind!”

Napatayo ako sa inis. “You don't mind?! Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung gusto kong manatili muna don?! This is why I hate being a princess! Hindi niyo tinatanong kung anong gusto ko! Kung anong gusto niyo, yun ang nasusunod! Ni hindi niyo man lang ako tinanong kung sang-ayon ako sa marriage na to! Wala na akong freedom! I'm not free! I can never be myself! Sana hindi nalang ako naging prinsesa! I hate my life so much and you made it worse!” Pinunasan ko ang mga luha ko bago tumakbo palabas sa kwarto ko.

Nakasalubong ko si Kuya pero di ko siya pinansin.

“Alexandrite! Where are you going?!” Sigaw ni Kuya.

Tumakbo ako papunta kay Frost. Tatakas ako. I'll leave this place. Tatalikuran ko na ang pagiging prinsesa ko. I had enough.

I was a prisoner in this castle for many years at ngayon susuko na ako. Pagod na ako.

Gusto ko na ng freedom.

Buti nalang at flowy yung gown ko kaya hindi ako nahirapang tumakbo. Nang makarating ako kay Frost ay dali dali kong inayos ang saddle niya. Pinakain ko rin siya ng konte.

May nahagip akong mga damit sa gilid. Kumunot ang noo ko. Kanino namang mga damit to?

Nilapitan ko yun at nalamang pambabae yon. Wow, I'm really destined to leave the palace. Naghanap ako ng lugar kung san pwede magbihis. Buti at may empty stable kaya dun na ako nagbihis. Medyo malaki yung damit pero okay lang naman.

Huminga ako ng malalim bago sumakay kay Frost. Agad ko siyang pinatakbo papunta sa exit na nandun sa likod ng palace. Konte lang ang mga taong dumadaan dito kaya safe ako.

Nang makalabas na ako ay agad agad kong pinatakbo ng mabilis si Frost.

Pupunta ako sa town. I'll stay there. Mabuti at may shawl sa stable kaya ginamit ko yun na pantakip.

Di nagtagal ay nakarating na ako sa town. Natuwa ako dahil walang nakakakilala sakin.

Pinalakad ko lang si Frost, mamamasyal na muna ako.

Paikot ikot lang ako dito sa town, may ilang bumabati sakin at kumakaway, ako naman ay tumatango lang. Hindi kasi nila makikita ang ngiti ko eh. Mata ko lang yung hindi natatakpan. Mababait rin ang mga tao dito kaya kakawayan o babatiin ka talaga nila, lalo na kung bagong dayo ka.

Hmm, san kaya ako magsstay? Hindi naman ako pwedeng magcheck in sa hotel, makikilala nila ako. Konte lang din yung cash na dala ko.

Lumiwanag ang mukha ko nang may maalala ako.

Agad kong inikot si Frost at pinatakbo papunta sa isang bahay na malapit sa bakery. Nakangiti ako habang pumupunta ron. Yung mga memories ko dito ay unti unting bumabalik.

Nang makarating ako sa bahay na yon, bumaba ako kay Frost at tinali siya sa isang sanga.

Lumapit ako sa pinto at kumatok ng tatlong beses. Medyo luma na yung bahay pero kitang kita ko pa rin ang kagandahan nito.

Mayamaya ay bumukas na ang pinto.

Napangiti ako nang makita siya muli.

“Hello, ano pong kailangan nila?” She politely asked.

I giggled before removing my shawl. I smiled at her. Nanlaki ang mga mata niya at sisigaw na sana pero tinakpan ko ang bibig niya sabay tawa.

“Ssh! Malaman pa nilang nandito ako.” I giggled.

Tinanggal ko ang kamay ko sa bibig niya. Yung naka O niyang bibig ay unti unting napapalitan ng ngiti.

Agad niya akong yinakap ng mahigpit. “Alexandrite!! Omygosh, namiss kita!”

I hugged her back. “I missed you too, Daph! How are you?”

Kumalas siya sa yakap. “I'm good! Ikaw? Ay teka! Bat ka nandito at bat yan ang suot mo?”

“Pasok muna tayo, baka mamukhaan ako rito.” I grinned.

Tumawa siya. “Halika!”

Pagkapasok ko ay ginala ko ang mga mata ko. Wala mashadong nagbago sa bahay na to. Nakakamiss.

Daphne Charlotte Lee, childhood bestfriend ko. Nung mga bata pa kami, dito kami naglalaro, minsan sa palace. Nung nabubuhay pa ang kanyang ina, dun kami sa palasyo naglalaro. Dun kasi nagttrabaho ang nanay niya. Siya ang gumagawa ng gown namin. Nung pumanaw ang kanyang nanay dahil sa leukemia, hindi na kami nagkita ni Daphne. Lumipat siya sa bahay ng lola niya at dun na lumaki. Nung naging eighteen na siya, bumalik siya dito at tumira ng mag-isa. Her dad was a knight and he died during a war.

“Pwede mo na bang sabihin ang rason kung bat ka nandito?” Tanong niya bago ako inabutan ng lemonade.

Napangiti ako bago tinanggap ang baso. Lemonade was our favorite drink. Uminom ako bago nagkwento sa kanya. Kwinento ko ang lahat, si Dasher, ang kasal namin tsaka yung rason kung bat ako tumakas.

Agad niya akong sinermonan nang matapos ako.

“Mygosh, Alexandrite! Bat ka tumakas! Alam mo naman siguro na maari akong makulong nang dahil sayo?” Umirap siya.

“Kaya nga ako pumunta rito kasi akala ko maiintindihan mo ako. Yun pala sesermonan mo lang din pala ako.” I pouted.

“Of course I understand you pero alam mo namang delikado ka dito sa labas ng palasyo diba?”

I sighed. “I know, pero hindi ko na kasi kaya.”

“Pano yan? Babalik ka pa don?”

Huminga ako ng malalim. “Hindi na siguro.”

_______

Woahhhhhh, ito na ba ang katapusan ng DashDrite? Huahuahuahua.

Arisse De Santos as Daphne Charlotte Lee

My Dashing PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon