"Tsk.." pigilan nyo ko masasapak ko 'to! Feeling boss ang putek.

"Okay class group yourself into two. Magkakaroon tayo ng report project." sabi ni prof. sus wala lang sya maituro kaya nagpapareport.

"Fin tayo ang magka-parter." sabi ko.

"Sorry kaliwa parter na kami ni Jade. Si Veron at Gia naman ang nagka-partner." napa-make face ako. So iwanan? Langya ang mga 'to.

"Ms. Alfonso at Ms. Kyo kayo na ang magka-partner tutal kayo na lang ang walang partner." sabi ni prof. Ang malas nga naman, sa kanya pa ko nakapartner.

"Goodluck." bulong ni Fin. Langya sinadya nilang magka-partner kami nito. Masasapak ko sila mamaya.

"Now you can go to library to do your report." sabi ng prof at biglang lumabas ng classroom. Teka anong klaseng report naman ang gagawin namin?

"Anong report daw ipapagawa?" tanong ko kay Fin dahil kapag si Kris ang tatanungin ko ay hindi ako sasagutin.

"Bahala daw tayo. Letche yung matandang yon. Wala na naman maituturo tapos sasabihin nyang madaming babagsak sa kanya. Bwisit sya." natawa ako kay Fin, muntik na sya bumagsak last sem sa prof namin ngayon kaya banas na banas sya sa prof namin.

Ayoko man pero kailangan bumaling ako sa katabi ko na ngayon ay bakante. Saan ng punta yung babaeng yon?

"Nauna na ata, nakita kong lumabas." sabi ni Jade tila nabasa ang nasa isip ko. Tsk..kaya ayokong maging ka-partner yun eh tignan nyo iniwan ako basta basta.

Tumayo na ako at pumunta sa library baka nandon na yung babaeng yon. At hindi nga ako nagkamali nandon sya at kumukuha ng libro.

"Anong ire-report natin?" wala sa loob kong tanong. Tinignan nya ako at nag-smirk. Aba't! hays! Bakit sya pa ang naka-partner ko.

"Mag-search ka tungkol sa lgbt. Yun ang topic natin." sabi nya. Kumunot noo ko.

"Why lgbt?" nakitbitbalikat lang sya tapos pumunta sa ibang shelve. Hindi man lang in-explain kung bakit yun ang kinuhang topic. For sure yun agad ang itatanong ng prof namin.

Pumunta ako sa pinakadulong library dahil halos lahat ng shelve napuntahan ko na at wala akong nakita miski anong information ng lgbt. Si Kris nasa computer at doon nagse-search pero gusto nya pa din na maghanap ako sa libro. Pinapahirapan ako ng letcheng 'to eh.

Nagbuntong hininga ako nung wala na akong makitang libro tungkol sa lgbt. Sigurado naman na madami syang makikitang info tungkol sa lgbt. Tumalikod na ako at naglakad pabalik. Nahagip ng mata ko ang isang libro. Iba kasi sya sa mga libro na katabi nya kaya napansin ko. Kinuha ko yon at hindi ako makapaniwala na may ganitong libro dito or should I say manga.

Sa cover pa lang halatang lesbian story. Tinignan ko kung ano oras na. May kalhating oras pa bago matapos ang klase. Babasahin ko muna 'to baka magkaroon ako ng idea tungkol sa lgbt. Naupo ako at sinimulan na magbasa.

Ang title ng manga ay Ice Princess. Dito pa lang may naalala na akong isang tao. Sino pa ba? Edi si Kris. Hindi ko lang alam kung parehas sila ng ugali nito.

Busy ako sa pagbabasa nung may tumapik sa balikat ko. Inangat ko ang tingin ko.

"Time na." sabi nya at umalis. Tinignan ko kung ano oras na. Time na nga. Nabitin ako sa pagbabasa pero kailangan kong pumasok sa next subject. Tumayo na ako at lumabas ng library. Babasahin ko lang 'to mamaya.

P.E time at ngayon naghahanda kami sa paglaro ng dodgeball. Nahati ng section namin sa dalawa. Sa apat na gago kong bestfriend, si Jade at Veron ang kasama ko. Sa kabila na yung dalawa at si Kris.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon