Good morning din bubwit,” simpleng tugon ko naman. Hindi na siya sumisimangot kapag tinatawag ko siyang bubwit. In fact, mukhang nagustuhan nga niya. Feel na feel niya eh. Maging ang tatlong musketero ay 'yon na rin ang tawag sa kanya. Konti na lang at ang buong school namin ay tatawag na rin sa kanya ng gano'n. Magiging sikat na bubwit na siya.

Una na'ko sa school ah? Kitakits na lang,” paalam naman niya sa akin pagkatapos. Tumango na lang ako sa kanya at dumiretso na siya sa sala, palabas ng bahay. Lumapit ako sa pintuan at nakita ko nga si Denver sa kotse niya. Nang makita niya ako ay sumaludo lang siya sa akin. Umalis na rin sila pagkatapos.

Napabuntong hininga na lang ako.

Hay. Solo flight ako pagpasok ngayon ah. Sabi ng boses sa isip ko.

Shrugging, I entered the kitchen to grab something to eat. Kumain lang ako roon without really chewing the food at tsaka umakyat muli sa kwarto ko upang maligo. Nang makapaghanda na ako matapos ang ilang minuto, dali dali naman akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot iyon papuntang school.

Maaga pa naman. Hindi pa naman ako late sa first class ko. Nakarating akong parking lot ng school fifteen minutes later. Magpapark na ako nang makita ko na ang kotse ng tatlong musketero. Nakita ko na rin si Charlie at Miguel sa isang sulok, nag-uusap. Pagkatapos noon ay si Denver naman ang nakita ko. Katabi niya si Leslie at may kausap silang babae. Base sa features noong babae, alam kong hindi 'yon si Ate Jamie. Mas matangkad kasi ang nasabing babae kumpara kay Ate Jamie. Mas maputi rin. Kitang kita tuloy ang weirdong kulay na buhok niya. Pink sa kanan at orange naman sa kabila. Kilala ninyo si Hayley Williams ng Paramore? Alam ninyo 'yong kanta nilang Still Into You? Panoorin ninyo ang video noon at makikita ninyo, magkaparehas lang ng kulay ng buhok si Hayley na ultimate crush ko at ang nasabing babae sa parking lot.

Actually, ma-d-detect ko nga ang similarities ni Hayley sa babae except sa height. 'Yon lang talaga. Kaya siguro parang magnet na na-attract ako patungo do'n sa babae. Parang... gusto ko siyang makilala dahil sa kulay ng buhok niya.

Bumaba na ako ng kotse ko at lumapit kina Denver at Leslie. Nakatalikod kasi sa akin 'yong babae eh. And I swear, noong tumagilid siya? Pinanuyuan ako ng lalamunan.

S-samantha?” pagtawag ko sa babaeng dalawa ang kulay ng buhok.

Nanahimik sila. Biglang natuon ang pansin nila sa aming dalawa ng babae. Bigla rin akong nanigas sa kinatatayuan ko ng mga panahong 'yon. Seeing her—after two years—hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko dapat.

Unti-unting lumingon sa akin ang babae. Natigilan agad siya. Nagkatitigan kaming dalawa at pakiramdam ko, minamagnet niya ako para hindi ako mag-iwas ng tingin ko. Siya ang nagbawi ng tingin niya at agad na ngumiti ng malawak sabay yakap sa akin.

Drew! I've missed you!” Yep, Drew. She gave me that fucking nickname two years ago. Sobrang asar na asar ako sa kanya no'n.

Natawa siya sa sariling biro niya. Pero ako? Wala. Wala akong pakialam kung tumawa man siya. Buti nakakatawa pa siya ano? “Oh, that rhymed!”

Napabuntong hininga na lang ako.

Charlene Samantha Mercado-Salvacion. Remember when I wrote your name with my surname as your surname sa puno ng narra two years ago? Remember when you said that it'll be for forever?

Sandali akong pumikit para alalahanin ang mga nangyari two years ago. When I opened my eyes, ang nakangiting Samantha pa rin ang nabungaran ko. I took her arm and gently shook her. Nawala naman ang ngiti sa mga labi niya noon.

Samantha,” may diing sambit ko sa pangalan niya. Nagseryoso siya hanggang sa maging expressionless ang mga mata niya.

Drew,”

Nagbuga ako ng hangin.

Bakit ka nandito?”

Tumawa siya ng mapakla. “Bakit? Bawal?”

May sinabi?” ganito naman siya eh. Ang hilig niyang barahin ako palagi. Before I find it cute. But now, I find it too irritating and childish.

Mmm,” tumango tango na lang siya. We fell silent after that. Pero 'yong puso ko, sobrang lakas ng kabog. Shit. Ito ang unang beses na matititigan ko ulit siya sa mga mata niya after two years. Dalawang taon na ang nakakaraan pero ganoon pa rin. It's like, bumalik lahat ng sakit ng nakaraan. Ang saklap lang.

Don't be too proud of yourself. I didn't come back here for you. Actually, nakalimutan na nga kita eh. Kung hindi mo lang ako tinawag ngayon, malamang lang na hindi kita mapansin.”

Humigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya dahilan upang matigilan siya sa pagsasalita. Napatitig na lang siya sa akin pagkatapos.

Mmm. You didn't change a bit, Drew, did you?” nang-uuyam sa tanong niya sa akin pagkatapos.

Don't talk to me like it's me who's at fault. At bakit ganyan ka? Parang ako pa itong nanakit sa'yo ah? Wala ka ba talagang puso Sam? Wala ba talaga akong halaga sa'yo kahit kaunti lang?” puno ng hinanakit na tanong ko sa kanya. She left without a single word. Ano sa tingin ninyong mararamdaman ko roon? Ni hindi man lang siya nag-hello sa akin a day before. Wala ba talaga akong halaga sa kanya para balewalain niya lang ako ng ganito? I waited for her. But I guess, I waited for nothing.

She didn't say a word after. Nagkatitigan lang kami. Dahil pakiramdam ko ay wala na siyang balak magsalita, I let go of her arm.

Forget it,” sabi ko at tumalikod na sa kanya. Iniwan ko na siya sa parking lot at dumiretso na sa first class ko.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz