Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at muling binasa 'yung huling text ni Abigail sa akin kanina.

I love you! :P

It made me smile in an instant. Kahit ilang segundo lang. At least...

Pagbalik ko, si Calix na lang ang nandoon at naka upo sa may tapat ng emergency room.

"Asan sila Tito?" tanong ko.

"Kinausap sila ng doctor. Ililipat na raw si Abigail sa private room." anito.

"Ano ang sabi? Kamusta daw si Abigail?" alalang tanong ko. I really hope she's okay.

Umiling lang si Calix.

"Wala pa ring sinasabi."

Nag antay kami ng ilan pang mga oras, hanggang sa nailipat na si Abigail sa private room.

Sina Tita at Tito ang unang iginiya roon sa kwarto, kaya naman pagpasok namin ni Calix ay nandoon na sila.

Agad akong lumapit sa gilid ni Abigail.

Hindi pa rin siya nagigising. Shit. Bakit hindi pa din siya nagigising?!!

Nakita kong may mga naka kabit na sa kanya.

I don't get it. Yung mga nahihimatay, nagigising din sila agad agad... bakit ganito?

I held her hand softly. Kahit na may nakakabit pa roon.

"Tita, may sinabi na po ba 'yung mga doctor? Ano daw ba ang lagay ni Abigail? Is she okay?" sunod sunod kong tanong.

Bago pa maka sagot si Tita ay biglang may pumasok na na Doctor.

"Kayo po ba si Mr. and Mrs. Fernandez?" tanong nung Doktora kela Tita.

Agad naman silang tumango.

"Do you want to talk privately or it is okay to talk here?" tanong nito.

"It's alright, Doc." sagot naman ni Tito.

Huminga ng malalim si Doktora kaya naman kinabahan na lang ako bigla. Sa totoo lang kanina pa ako kinakabahan, mas trumiple lang ngayon.

"It was not a simple faint, Mr. and Mrs. Gonzalez. We had run several tests and we found out that your daughter is diagnosed with Dilated Cardiomyopathy."

Bigla na lang akong napatigil doon.

"What? We don't understand, Doc." ani Tito.

Hindi ko alam pero nag lalaro sa isip ko iyong sinabi ni Doktora. Para kasing narinig ko na 'yon dati.

"It is a heart desease-"

Pinutol ko si Doc.

"Doc, pwede po bang paki ulit? Ano nga po ulit 'yung sinasabi niyong desease?" tanong ko.

"Dilated Cardiomyopathy."

Nang marinig ko iyon, agad agad akong tumakbo palabas.

I heard Calix shouting my name, but I didn't bother.

Sumakay na ako sa kotse ko at minaneho iyon ng mabilis na mabilis.

Pagkadating ko sa bahay, I hurriedly ran into my room and rummaged on my things.

"Nasaan na ba yon?!!" bulyaw ko sa sarili ko.

Kinuha ko iyong maleta ko sa ilalim ng kama. Inilabas ko na ang lahat ng gamit ko na nakalagay doon pero wala.

Nasaan na ba kasi?!

Patuloy akong nag haluglog. Sa drawer, sa cabinet... sa lahat!

Nang makita ko iyong folder ko, agad kong ikinalat ang lahat ng laman noon. Dito ko inilalagay lahat ng mga importanteng papeles ko.

Nandito lang iyon, e. Nandito lang dapat iyon!

Inisa isa ko na ang mga papeles. Halos mapunit ko na nga iyong iba dahil sa marahas kong paghahanap.

Pagkatapos ng ilang mga folder na nabulalat ko, sa wakas ay nakita ko na rin ang aking hinahanap.

Agad ko itong binuksan at binasa.

"Di... Dilated Cardiomyopathy." banggit ko sabay ang pang hihina ng tuhod ko.

For a moment, my world completely shut down.

Dilated Cardiomyopathy ang sakit na nakalagay doon sa resulta ng health test ko sa PringeWood.

The reason I go out of the country and leave Abigail behind is because of this bullshit paper.

It is because of this disease I thought I have.

"Hindi. Hindi." sabi ko habang umiiling.

Imposibleng nagkapalit kami ni Abigail ng resulta. Hindi pwede iyon. Fuck!

Destined with the Bad BoyWhere stories live. Discover now