Chapter.51*Best Thing Doesn't Lasts Forever*

Start from the beginning
                                    

--

 

“Congratulations Graduates. I want to see you a successful individuals 10 years fom now” sabi ng principal. And that ends the graduation ceremony. Nagpalakpakan ang lahat. Nag group hug kami nila pinky at elise. Dumating nadin sila xander at spade galing sa side ng mga boys. Nandito din yung buong chikboys. Si jhake na umuwi pa talaga mula America nandito din.

“Congratulations” sabi ni jhake

“Thank you” sagot ko naman. Bigla nalang siyang may inabot sakin na pink box. I opened it and saw a very beautiful bracelet. Silver bracelet yun na may design na silver smileys at sa lock niya may maliit na palawit na “SMILE”

“para maalala mo ko lagi, at pag nakikita mo yan mapangiti kita. Hindi na din kasi ako makakabalik ditto. Baka tatapusin ko muna pag aaral ko dun tsaka na ko uuwi ulit ng pilipinas. Kaya pinilit ko talagang makabalik dito sa graduation niyo” sabi niya

“ganun ba, mag iingat ka palagi ha, wag kang makakalimot pag nagkita tayo ulit” nakangiting sabi ko.

“oo naman, ikaw pa ba ang kakalimutan ko?” nakangiting sabi niya and I hugged him

“ehem” naka rinig ako ng exaggerated cough. And I already know who that is. Lumingon ako at nakita ko si spade na mukhang kanina pa nakatingin at nag evesdrop pa ata haha.

Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa bewang sabay pout.

“You should hug me first before him, madaya” sabi niya

“Selos ka naman” asar ni jhake

Natawa nalang din kaming tatlo

“kailan ba balik mo?” tanong ni spade kay jhake

“I’ll be leaving nextweek, Friday” sabi ni jhake

“ayos tropa, aabot ka sa anniversary namin ni my labs. Balak kasi naming icelebrate kasama buong barkada bago tayo magkanya kanya” sabi naman ni kuya dion. Lahat naman sumang ayon.

--

Kila spade na din kami kumain kasi nag handa si tita Helen. Kami kami lang naman ng buong chikboys, kasama si pinky, elise at xander.

“oy ingat kayo” sabi ni spade. pauwi na kasi silang lahat

“sige, kita kita nalang sa bahay naming ha” sabi naman ni kuya dion.

Kami na lang ang naiwan ni spade.

“Misis, for you, graduation gift” tinignan ko yung hawak niyang rectangle box.

“mamaya mo na buksan ha, nakaka hiya eh” sabi niya habang nakakamot sa batok.

“haha ou na. pano yan wala akong regalo sayo?” tanong ko. Wala kasi talaga.

“ayos lang yun noh. Basta sa birth day ko make sure you’ll be there. Ipapakilala na kita sa lahat ng relatives ko. And I will tell you my greatest secret on that day” nakangiting sabi niya

“bakit di mo pa sabihin ngayon yang greatest secret mo?” tanong ko

“mas maiintindihan mo kung sa araw nay un mo malalaman. Basta promise me pupunta ka” paniniguro niya. I just nod. Ayoko nang magsalita, dahil ayokong magsinungaling.

“what if iwan kita?” bigla kong naitanong. Awtomatikong nawala yung ngiti niya

“hindi mo naman gagawin yun eh” sagot niya

“what if I do?” tanong ko ulit

“you wont. Hindi mo kaya” sabi pa niya

“pero kung iwan talaga kita?” pangungulit ko, dumilim ang mukha niya

“there’s no sense to answer that. Hindi mo naman ako iiwan eh” sabi niya tsaka tumalikod. Naiwan lang akong nakatayo dun. Humakbang na ko palabas ng bahay nila ng biglang may humila sakin at napasandal ako sa dibdib ni spade.

“hindi mo naman ako iiwan di ba?” tanong niya pero hindi ako sumagot. Naramdaman ko ang pag higit niya ng malalim na buntong hininga at nagsalita muli

“kung saka-sakali mang iwan mo ako, hindi kita hahanapin pero ito lang ang sigurado, I will kill the spade that exist because of you. At babalik ako sa dating ako” it sounds so hopeless? Kung tama man ang nararamdaman ko, and it makes me shiver. Natatakot ba ko? Pero ano ba yung dating spade bago ko siya nakilala?

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Where stories live. Discover now