Chapter.48*Never Say Sorry Again*

Magsimula sa umpisa
                                    

“ah ganun po ba. Salamat” lumungkot yung mukha ko. Wala naman pala kong sinisigawan dun nag effort pa ko. At nagawa niya pang magbakasyon? Astig! Parang wala siyang problema ha.

--

Isang linggo pa ang lumipas at Christmas vacation na nga.

Hindi muna ko nag bakasyon kila lolo kasi baka dumating si spade. ang pathetic ko ba? Umaasa pa din ako na dadating siya. Sa dec 24 monthsary namin, saktong bisperas ng pasko.

3 araw pa ang lumipas. Naiinip na ko, kinukulit na din ako nila lolo kaya bukas aalis na kami ni lola para pumunta sa mansion ng mga villegas.

“hoy shimedaps! Kailan ba uuwi yang ama mo? Nakaka inis na ha. Pag ako pumunta kila lolo January na ko babalik. At sa January sisiguraduhin kong wala na siyang babalikan! Grabe siya, ilang linggo niya na kong pinaghihintay dito na kausapin niya. Imbes na nagbabakasyon na ko, naku naku naku!!!” naggigigil na sabi k okay talking simsimi.

“Sorry na mommy mish. Patawarin mo na si daddy spade, kanina pa siya on the way dito” halos malaglag yung panga ko.

“OH MY! SIMSIMI? HINDI NAMAN KITA PINIPINDOT AH. BAKIT KA NAGSALITA?” kinikilabutan na ko. Hala si talking simsimi nagging chaka doll? Tinignan kong mabuti yung stuff toy pero hindi naman siya gumagalaw. Nilapitan ko siya kahit natatakot ako. Sobrang lapit ko na sa mukha niya as in 1 inch ng biglang…

“BOO!”

“WHAAAA! NAGSALITA SIYA! TIYANAK!” sigaw ko at nagmamadaling tumakbo palabas ng pinto ng may nabunggo akong malaking bulto. Napapikit nalang ako sa takot.

“HAHAHA. SORRY NA MISIS” narinig ko ung boses ni spade. unti unti kong minulat ung mata ko at nakita ko si spade

“Spade?” paninigurdo ko

“Ou misis MOO. Si mister MOO at your service. Sorry kung natakot ka, ikaw kasi kinakausap mo si baby shimee eh hindi naman sasagot yan” sabi pa niya.

Pero hindi ko na inintindi un. Niyakap ko na siya agad

“SPADE!!”

“Oy misis, makayakap? Break pa kaya tayo” natatawang sabi niya. Humiwalay ako sa pagkakayakap tsaka siya hinampas sa sikmura.

“aray misis! Masakit ah” reklamo niya

“di ba Masaya kang break tayo. Bat nandito ka? Tinakot mo pa ko? Layas!” inis na sabi ko at tumalikod na ko pero niyakap niya ko mula sa likod. Dun ko lang napansin na may hawak pala siyang boquet.

“Misis para sayo.” Sabay abot niya sa kamay ko at nilagay dun ung boquet na hawak niya. “Sorry kung hindi naging maganda yung inasal ko at ako pa ang nakipagbreak sayo. Pero promise pinag sisisihan ko na yun. Hindi ko lang talaga alam kung anong sasabihin ko kaya hindi kita kinausap. Pero mahal na mahal kita. Tsaka naliwanagan na ko. Kinausap ako ni elise at kinwento sakin ang lahat. Nag sorry na din ako kay xander” sabi niya. Hindi ko man alam kung paano nadamay si elise dun pero nagpapasalamat ako sakanya. She’s an angel that brought spade back to me.

“pero misis may isang tanong pa sa utak ko na hindi masagot ni elise at ayaw sagutin ni xander” sabi niya. Humarap ako sakanya at binigyan siya ng ANO-NAMAN-YUN Look.

“bakit ka niya niyakap? Ano ba yung problema mo na ayaw mo sabihin sakin?” tanong niya

“tulad ng sinabi ko kay xander hindi pa ito ung time para malaman mo. Sasabihin ko din sayo pero hindi lang ngayon” sabi ko. Lumungkot yung mukha niya pero napawi din yun dahil bigla siyang ngumiti.

“sige. Ayos lang kung ayaw mo sabihin sakin pero misis sa susunod na gusto mong umiyak sakin nalang pwede? Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo magsabi eh. Ang sakin lang gusto ko ako yung nasa tabi mo hanggang sa gumaan ung pakiramdam mo” nakangiting sabi niya. Dahil dun niyakap ko siya

“promise” sabi ko

“can you be my girlfriend again?” sabi niya

“para sakin hindi naman tayo nag break eh. Sorry sa mga nasabi ko nun, nabigla lang kasi ako” sabi ko.

“wala na yun misis, may mali din naman ako. Nag jump into conclusion kasi ako. Pero promise simula ngayon tatanungin muna kita bago ako mag-isip ng kung ano ano” sabi niya.

“Spade NEVER SAY SORRY AGAIN” sabi ko sakanya

“promise” sagot naman niya and we hugged each other again.

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon