Chapter.46*When Jealousy Attacks*

En başından başla
                                    

“sige iyak ka lang. wag mong isipin na nandito ako, iiyak mo lang lahat ng bigat na nararamdaman mo. Basta pag alis natin dito, promise mo na nakangiti ka na ah” sabi niya

“promise” sagot ko at di ko na napigilang bumuhos ang luha ko. Iyak lang ako ng iyak habang inaalo niya ko sa pagtapik sakin ng mahina sa likod.

Nang pakiramdam ko wala na kong mailuha, nagpaalam na k okay xander. Pero nang tumayo kami niyakap niya ko.

“ayokong nakikita kang umiiyak. Kahit na di ko alam yung problema mo, salamat. Salamat kasi ako ung taong napili mong iyakan. It simply means that you trust me again. Thank you, mish”. Pagkasabi niya nun humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at hinawakan yung mukha ko

“smile ka na ha. Wag mong isipin ang problema, dadating ang solusyon jan. hintayin mo lang” sabi niya kaya ngumiti ako bago umalis. Pinauna na ko umalis ni xander. Magpapahangin pa daw siya kaya mamaya na siya pupuntang class room.

--

[Xander’s POV]

Nasasaktan pa din ako. Bakit kaya umiyak si mish? Anong dinadamdam niya.

Hay! Mahal ko pa nga talaga siya.

Tumingin ako sa relo ko. 10 minutes nalang magbe-bell na. tumayo na ko pero ilang hakbng palang ako nakita ko na agad si elise na papunta sakin

“bakit?” tanong ko. Ang sama kasi ng tingin niya.

“nakita ko lahat” sabi niya. Kumunot noo naman ako.

“alin?” tanong ko

“nakita kong mag kasama kayo ni mish. Ano ba yan xander! Ang tanga mo naman eh! Sinasaktan mo lang yung sarili mo. Alam mo naming Masaya na siya kay spade di ba?” sabi ni elise

Nakaramdam ako ng konting inis kaya lumakad na ko at nilampasan ko siya. Sumunod naman siya sakin

“hoy xander! Ano bang gusto mo? Masokista ka na ngayon? Yan na trip mo? Saktan ang sarili mo? Masaya na siya kay spade. Tigilan mo na siya” sabi naman ni elise. Nilingon ko na siya.

“ano bang paki elam mo? Buhay ko toh. Hindi kita ka ano ano kaya wag mo kong pangunahan sa mga ginagawa ko. Tsaka isa pa wag ka ngang umasta na parang girlfriend kita. Kung magalit ka akala mo may relasyon tayo. Ipapaalala ko lang sayo elise, Oo alam kong may gusto ka sakin. Pero nilinaw ko naman sayo di ba na kaibigan lang ang tingin ko sayo at hanggang dun lang yun” sabi ko. Tumalikod na ko. Alam kong nasaktan ko siya pero nasasaktan din ako sa mga sinasabi niya eh.

“mahal mo pa din ba siya?” tanong niya

“Oo. Mahal ko pa din siya, at hindi pa din nagbabago ung pagmamahal ko sakanya. Nananahimik lang ako kasi alam kong Masaya na siya, at Masaya ako para sakanya. Pero kanina, kanina alam ko may dinaramdam siya at gusto kong maramdaman niyang lagi lang ako sa tabi niya. Dahil mahal ko siya” yun lang at umalis na ko.

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin