Chapter 10 - The Moment of Truth

Start from the beginning
                                    

Maya maya pagkatapos nyang makipag usap sa phone nya. Nginitian nya ko. "Uwi nako, may kailangan pa kong puntahan Siana."


"Sige." Yan nalang nasabi ko atsaka nagpaalam na kami sa isa't isa. Lumabas na sya ng bahay. At maya maya , wala pang limang minuto, may kumatok na naman sa pinto at pumasok.


"Bespren!" Tawag ko dito nung makita ko sya agad ko syang nilapitan at niyakap sabay hampas sa balikat nya.


"Bat ka napadaan?"


"Dinaanan talaga kita dito siana. Samahan mo ko bumili ng Ingredients."


"Yun lang ba? GO NA GO AKO DYAN!" Masiglang sabi ko sakanya. Pero kumunot bigla noo nya.


"Oh baket? May nasabi ba kong mali?"


"Nagpapapasok ka ng ibang lalake sa bahay mo maliban saken?" Mukhang nagkasalubong sila ni Kuya logan kanina. Uh oh.



"Ah. Eh, ahehe. Anukaba! Kaibigan ko lang din si Kuya logan."


"Kaibigan lang naman lagi turing mo saken."


"Huh ano?" Hindi ko kasi narinig yung sinabi nya bigla.


"Wala! Sabi ko tara na! Nagugutom na ko! Ministop muna tayo!" Yaya nya saken atsaka hinatak na ko palabas ng bahay.


-


@ Ministop.


Nung nasa ministop na kami ni Bes, tig isang chillz lang kami at tig isang toppers.


Habang kumakain kaming dalawa dun, napatingin agad ako sa isang lalaking pamilyar saken na nasa labas ng ministop.


"Wait, si kuya logan ba yun?" Bulong ko bigla sa sarili ko. Nakalimutan kong kasama ko pala si bes.


"Ano sabi mo? May sinasabi ka ba siana?"


"Huh? Oo, sabi ko, ansaket ng tyan ko. NaCcr ako bes. Pwede alis muna ko? Hahanap ako ng Cr sa labas. Ahehe!" Palusot ko sakanya. Wala kasing cr sa ministop kaya lumabas nako nang payagan nya ko.


Di ako namamalikmata. Wala ako sa panaginip. Tama ang nakikita ko. Si kuya logan kasama si Fortin at si . . . Sino nga ba yung lalakeng may virus? Aha! Si Virus! Ahaha.


Dahan dahan kong sinusundan silang tatlo hanggang sa makita ko silang tatlo sa may likod ng isang kotse na nag uusap. Nakakapagtaka dahil bakit kilala ni kuya logan sila virus at fortin?


Ano ibig sabihin nun?


Kasali sya sa Villa's? Napatakip nalang ako sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano talaga ang dahilan kaya nakinig nalang ako sa usapan nilang tatlo.


"Fortin. Gusto ko malaman lahat ng details ni katchie and charles alfonso. Ngayon din." Teka? Baket details about sa magulang ko? Talaga bang hindi nya titigilan magulang ko? Loko tong si kuya logan.


Pero wait. Alam ko yung boses na yun. Yung boses kung pano makipag usap si kuya logan kela fortin at Virus? Iba yung boses nito kesa sa boses nito kung pano sya makipag usap saken.


"Wag na wag nyo syang sasaktan fortin ah. Or Else,"


"Oh eto, pagkain. Ibigay mo sakanya yan. Wag mong hahayaang magutom sya."


TAMA! Si Kuya Logan ang dahilan kung baket lagi kong safe sa puder ng mga Villa's pero baket nya ko pinoprotektahan? Tsaka ang ibig ba nun sabihin ay , Isa sya sa mga kalaban namen?


Omaygad! Bat ang tanga ko.?


"Pushek ka Logan ah! Inlab ka ba talaga dun kay Letisian kaya pati magulang nya pinapahanap mo? Haha" biro ni Virus dito pero agad syang tinutukan ng baril ni logan.


"Sorna. Sorna. Eto naman, Oo na. Alam ko namang di tayo close. Kayo lang naman ni fortin laging nagkakasundo e" tapos nag pout pa si virus. Haha! Ang loko nag mukhang aso. XD


"Pero teka nga, mabalik tayo sa usapan logan. Baket mo kailangan ng details tungkol sa magulang ni siana?" Tanong ulit ni virus.



"Tsk! Its none of your business. Kailangan ko lang ng Ebidensya para malaman kong hindi talaga nila anak si Siana."


Tsk! Baket kuya logan? Ano bang gusto mo sa mga magulang ko at parang gusto mong sirain ang pamilya namen?!


"I know na, from the first place pa lang, Ampon lang si Siana." Masaket yung sinabing yun ni kuya logan. Sobrang saket. Ikaw ba naman sabihang ampon kalang?! Di ka ba masasaktan nun?


Tsk! Naiinis ako kay kuya logan pero may part saken na wag akong mainis. Di ko alam. Naguguluhan nako.


Diana's PoV.


This is it. This is the day kung san mamamatay na siya. Sino pa ba? Edi si Letisiana. Tsk!


6pm palang nasa loob na ko ng bahay ng Letisianang yun! Ang tangang yon, hindi nagsasara ng pinto ng bahay o kahit bintana. Kaya madali ako nakapasok.


Nakasilip ako sa bintana sa labas nung may makita akong dalawang taong papasok ng bahay. Wait? Si Letisiana na yun. May kasama syang lalake?


Tsk! Landi talaga. Nakita kong hinatid lang sya pauwi nung lalake tapos nag paalam na silang dalawa sa isa't isa.


Haaay, eto na. Ramdam kong nasa loob na sya ng bahay nya. This is the time kung san papatayin ko na sya with my own hands.


Dahil sakanya kaya ako nawawalan ng papel sa isang storya. Dahil din sakanya kung baket namatay si Nia at si Eliza. Halata naman na e?


Simula nung dumating sya sunod sunod na nagkakaroon ng patay samen?! Sigurado akong kakampi to ng Villa's at Spy sya samen. Kaya panahon na para tapusin sya. (With deviloush smile)


Bumaba ako dahan dahan at nakita ko sya sa kusina at nakasilip sa ref nya. Tsk! Kawawang Letisiana. Walang kamalay malay na mamamatay na sya.


Habang nakatalikod ito at nagsasalin ng tubig sa baso. Iniangat ko na ang baril kong may silencer at agad na tinutok kay letisiana.


"good bye letisiana alfonso." *with devil smile* in my lips, bulong ko yun na ako lang makakadinig habang si letisiana ay nakatalikod padin at walang alam. kakalibitin ko na sana ang gatilyo ng baril ko nang may maramdaman akong may tumutok ng baril sa ulo ko dahilan para bigla akong nanlambot at kabahan.


Nagsimulang manginig ang mga tuhod ko nang maramdaman ko ang isang tao sa likuran ko at nakatutok padin ang baril nito sa ulo ko.


Nagtaasan ang balahibo ko nang maramdaman kong bumulong ito sa tenga ko.


"mamamatay ka muna, bago mamatay ang kapatid ko." Bulong ng lalakeng nagtutok saken ng baril sa ulo sa likuran ko. Pero teka?


Anong sinabi nya?


Kapatid?



May kapatid si Letisiana?



Paglingon ko sakanya. Nakasmirk saken ito habang nakatutok padin ang baril nito sa ulo ko.


Si Logan Martinez ?


" good bye to you. " huling sinabi nito saken then something went black.


To be Continued . . .

A/N: HAPPY 100 FOLLOWERS TO AUTHORRRR!! ANSAYA KO NA NETO. HAHAHAHA xD SHAMALATTTT!! ^_______________________^

The Innocent MafiaWhere stories live. Discover now