Pwede Ba.. Akin Ka Na Lang!!!... ♡ (Chapter 9)

1.2K 45 27
                                    

ZJ's POV

"A-Ashley?"

"Ako nga... Bakit? May reklamo" mataray na tugon nito.

"Ah... Eh... W-wala naman" tugon ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo dito? Pwede ba umalis ka na" saad nito. Hindi naman ako sumagot bagkus ay hinila ko sya patayo tas hinatak ko.

"Teka san mo ba ako dadalhin ha... You Crazy Fag" ang reklamo nya pero hindi ko ito pinansin. Pinaupo ko sya dun sa kabilang swing ng pinagtatambayan ko. Nung una ayaw nya at nagpupumiglas pa sya pero hindi ko naman sya tinigilan hanggang sa sumuko sya at umupo na nga dun sa kabilang swing. Ako naman ay umupo na rin dun sa pinag-upuan ko kanina. Nabalot kami ng katahimikan kaya ako na yung unang bumasag nito.

"So... What happened? Bakit ka ba umiiyak dun sa sulok?" tanong ko.

"Anong bang pakialam mo? At bakit ko naman sasabihin sa'yo" mabilisang saad nito tas ibinaling ang atensyon sa ibang direksyon. Mag-o-ok na sana ako nung magsalita sya ulit.

"Break na kami ni Liam" bulalas nya saka umiyak. Nahulog naman ako sa kinauupuan ko at napatigil sya sa pag-iyak nya. Tumingin sa'kin ng nakataas ang kilay.

"Akala ko ba ayaw mong sabihin sa'kin" sabi ko. Napayuko naman sya tas pinahiran yung mukha nya. Bumalik ako sa pagkakaupo, tumingin sya sa'kin tas natawa naman ako bigla.

"Hahahahaha"

"Aba... Ang kapal naman ng pagmumukha mong pagtawanan ako, Hindi porket nakipagbreak na sa'kin si Liam ay pwede ka nang umasta ng ganyan... At---" hindi na naituloy pa ni

"H-hindi naman yun *Hahahahaha*, Kaya ako t-tumatawa kasi... Wait lang ah" sabi ko sabay kuha ng salamin sa mukha sa loob ng bag tas ibinigay ko sa kanya. Nagtaka man ay tinanggap nya yung ibinigay ko sa kanya.

"Tignan mo mukha mo dyan" pahabol ko. Tinignan naman nya agad yung mukha nya tas nanlaki yung mata nya. Tumingin sya sa'kin tas ibinalik nya uli yung tingin nya dun sa salamin tas tumingin uli sa'kin. Nung nagkatinginan kami dun na uli ako natawa pati sya. Ilang minuto rin yung tawanan namin bago kami mahulasan. Inayos nya yung sarili nya at naging komportable naman din sya agad sa'kin. Inilahad din nya yung buong pangyayari sa pagitan nila ni Liam nung itinanong ko. Sa'kin nya rin inilabas ang lahat ng hinanakit nya habang umiiyak.

"Alam mo ang wierd mo" si Ashley habang pinupunasan ang luha nya sa mata.

"Huh? Ako? Wierd?" tanong ko.

"Yup..."

"Paano naman ako naging wierd?"

"Kasi, sa dinami-rami ng mga masasamang salita na sinabi ko sa'yo, Heto ka ngayon sa tabi ko at pinakikinggan lahat ng mga pinagsasasabi ko"

"Sus... Wala yun... Tinuruan kasi ako ni Mama na wag magtatanim ng kahit na anong sama ng loob sa isang tao kahit na marami pa itong nagawang pagkakamali, saka hindi mo naman ako sinaktan... Aaminin ko, nung una uminit yung dugo ko sa'yo pero nawala rin naman agad, kaya nga dinededma ko na lang lahat ng mga sinasabi mo eh..." saad ko sabay ngiti.

"Ang wierd mo talaga... Anyway, salamat ha... Kahit papaano gumaan yung pakiramdam ko... and one last thing..." sabi nya tas tumayo sa kinauupuan nya. Tumayo sya sa harapan ko na ipinagtaka ko kaya napakunot ang kilay habang nakatingala at nakatingin sa kanya.

"Can we be, uhmm you know, friends?" nahihiyang tanong nito. Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Sure... That would be great" nakangiting sagot ko sa tanong nya.

"Then, let's start from the very beginning..." si Ashley tas nag-inhale at exhale muna sya saka uli nagsalita.

"Hi... I'm Ashley Delos Reyes... It's a pleasure to meet you" pagpapakilala nya sabay lahad ng kamay sa harapan ko.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Aug 27, 2013 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Pwede Ba.. Akin Ka Na Lang!!!... ♡Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin