Pwede Ba.. Akin Ka Na Lang!!!... ♡ (Chapter 3)

929 28 3
                                    

ZJ's POV

Nang matapos ang klase ay naglakad na kami nila Bryan at Pam papunta sa sakayan ng Jeep.

Kung nagtataka naman kayo kung bakit sa sakayan ng Jeep ang diretso ko ngayon, iyon ay dahil naisipan kong hindi muna magpasundo kay Mama kasi gusto kong maranasan kung paano mag-commute.

Pero hindi sya pumayag na hindi nya ako masusundo, kaya sinabi ko nalang na duon na lang nya ako sunduin sa may park na nadaanan namin kanina gamit ang sasakyan nya.

Si Chris naman ay sinundo na ng driver nya samantalang sina Jasper at Cole ay may pupuntahan kaya hindi sila nakasabay sa'min sa pag-uwi.

Tamang kulitan at kwentuhan lang ang ginagawa naming tatlo habang naglalakad sa daan.

Bigla naman sumagi sa isip ko yung nangyari kanina dahilan para mapasimangot ako at mawalan ng gana sa pakikipag kulitan sa dalawang kasama ko.

Ano nga bang nangyari kanina...

[ FLASH BACK ]

.

.

SHOOT...

Isang maka basag-eardrums na sigawan ang bumalot sa loob ng court.

Lahat ng tao maging yung mga napapadaan lang ay namangha sa nasaksihan nila.

Maging si Sir. hindi makapaniwala sa nakita nya.Yung mga kaklase at kaibigan ko naman hayun dinaig pa ang speaker sa lakas ng hiyawan nila.

Nilingon ko yung mga kaklase ni Liam, maging sila hindi makapaniwala sa ipinamalas ko. Lahat sila nganga at nakatingin lang sa'kin.

Maging si Liam ganun din yung naging reaksyon.

Tinaasan ko lang sila ng kilay with matching 'Kaya-Nyo-Ba-Yun' look. Ilang minuto pa at tumigil na rin ang malakas na hiyawan.

Bumalik na rin sa katinuan si Sir. at mga tiga 'Section Spade' pati na rin si Liam. Tumakbo naman si Sir. papunta sa kinatatayuan ko.

"H-how did you do that?" tanong ni Sir. matapos makarating sa kinatatayuan ko.

Binigyan ko na lamang sya ng isang ngiti since hindi ko rin naman masasabi sa kanya kung paano ko nagawa yun.

Nalaman ko naman mismo sa kanya na ito palang kinatatayuan ko ay yung place kung saan nagsu - shoot para makakuha ng 3 points.

Ipinagpatuloy na namin yung game at turn naman na ni Liam.

Kinuha nya sa'kin yung bola pero bago sya tumungo sa pwesto nya inilapit nya ang bibig nya sa tenga ko.

Napa-atras naman ako ng bahagya, nanlamig ang buo kong katawan at bumilis yung pagtibok ng puso ko...

♡♥ (DUG, DUG)..

♡♥ (DUG, DUG)..

♡♥ (DUG, DUG)..

♡♥ (DUG, DUG)..

"Hala.. anong nangyayari sa'kin.. Huy.. Heart ko ang bilis mo naman atang tumibok.. Ghost ba 'tong si Liam at ganyan ka kung mag-tugudug" tanong ko kay heart.

Kung nagtataka kaya kung bakit 'Ghost' yung naitawag ko kay Liam kasi ganito yung nangyayari sa'kin kapag nakakapanood ako ng 'Ghost Film'.

Manlalamig yung buo kong katawan at bibilis ang tibok ng puso ko sa takot. Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na yun. Hanggang sa bumulong sya sa tenga ko...

"Hey, kung inaakala mong hindi ko nakita kung ano yung ginawa mo bago ka tumira pwes nagkakamali ka... Kitang-kita ng dalawa kong mata yung nangyari... so ngayon pa lang, sumurrender ka na kung ayaw mong malaman nila.." mahinang bulong ni Liam saka ito bumalik sa pwesto nya.

Pwede Ba.. Akin Ka Na Lang!!!... ♡Where stories live. Discover now