Pwede Ba.. Akin Ka Na Lang!!!... ♡ (Chapter 5)

696 28 1
                                    

ZJ's POV

"Hala! Anong meron!?" saad ko sa aking sarili.

Ganun pa rin sila nakanganga at nakatingin sa 'kin.

Napayuko na lang ako sa kinauupuan ko hanggang sa marinig ko ang hiyawan ng mga kaibigan at kaklase ko dahilan para iangat kong muli ang ulo ko sa pagkakayuko.

"Cutie... Iba ka talaga!" si Pam.

"Magsabi ka nga ng totoo? Tao ka ba o Anghel? Nai-inlove na talaga ako sa 'yo" si Bryan.

Ilan lang yan sa mga komento ng mga kaibigan at kaklase ko sa 'kin.

Hindi ko na sasabihin pa yung iba at baka matapos ang chapter na 'to na puro komento lang nila ang mababasa nyo.

"MY! UMAY... Kaya naman lalong nai-inlove sa 'yo yung dalawang yun, Oh" malakas na pagkakasabi ni Chris sabay turo sa kinatatayuan nila Cole at Jasper.

Nagsi 'AYIIIEEE' naman ang mga harot kong kaklase dahilan para magsimulang uminit ang mukha ko.

Nilingon ko yung kinatatayuan ng dalawa.

At ayun nagkatitigan uli kaming tatlo.

Sila yung unang kumalas sa pagtititigan at parehong itinuon yung atensyon sa unahan na parang hindi narinig yung sinabi ni Chris.

Kitang-kita naman yung pamumula ng kanilang mga tenga.

Tuloy pa rin sila sa pang-aasar dun sa dalawa. Napansin ko namang parang nawalan ata kami ng teacher. Hinanap ng mga mata ko si Mrs. Sanchez.

Nakita ko syang nakangiti ng pagkalaki-laki at nakatingin lang sa'kin.

"Class... Tama na yan" pagpapatigil ni Mrs. Sanchez sa mga kaklase ko.

Tumahimik naman sila at bumalik sa kani-kanilang pwesto.

"As I've said kani-kanina lang. I have an announcement to make... So.. Listen, I need at least 3 representatives sa section nyo. Well, you Mr. Henandez..." si Mrs. Sanchez sabay turo sa direksyon ko.

"...are one of the three. That's why I only need two more.. Kailangan ko yung marunong magsayaw.. So.. any volunteers?" si Mrs. Sanchez.

Hindi naman ako nakapag-salita agad sa mga sinabi ni Mrs. Sanchez.

"Ma'am, tinatanong pa ba yan? Yun Oh" sabat ni Marian ang class treasurer namin sabay turo sa kinauupuan nila Cole at Jasper.

"Oh, that's right.. Nakalimutan ko.. Well, it's still their decision to make.. So... Are you two In?" tanong ni Mrs. Sanchez dun sa dalawa.

"Yes Ma'am" sabay na pagkakasabi nung dalawa.

Sumabat naman bigla si Bryan.

"Hala! Agad-agad.. Dati naman lagi kayong umaayaw sa mga ganito ah.. Hindi rin naman kayo excited na makasama itong si Cutie no!" si Bryan.

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko sa sinabi nya.

Yung dalawa naman hayun namula kaya inasar na naman ng mga kaklase namin.

Nagsalita uli si Mrs. Sanchez at natigil yung pang-aasar sa dalawa.

"I guess that settles it. May isa pa nga pala akong announcement... Pinapupunta ang lahat ng students from every section sa Court dahil may importanteng sasabihin si Ms. Castillo ang Head ng M.A.P.E.H. Department and because of that wala kayong klase sa buong maghapon" si Mrs. Sanchez sabay tayo at ligpit ng mga gamit nya sa lamesa.

Nagdiwang naman ang lahat sa mga sinabi nila. Lahat naghiyawan at nagtatalon.

"WOOOHOOO" sigaw ng mga lalaki kong classmates.

Pwede Ba.. Akin Ka Na Lang!!!... ♡Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz