Pwede Ba.. Akin Ka Na Lang!!!... ♡ (Chapter 4)

792 29 3
                                    

ZJ's POV

"Ahhhhhhhhhhh..." ang mala-Charice kong pagsigaw (sa ISIP ko lang) habang nakaupo dito sa kama, mulagang-mulaga ang mga mata at sinasabunutan ang mala-Rapunzel kong buhok.

Bakit kamo ako sumisigaw sa isip ko? Dalawa lang naman ang dahilan..

Una... Dahil baka magising ko mga natutulog naming kapitbahay masabihan pa ako ng "Hoy, Magpatulog ka naman" o di kaya nama'y magkagulo sa labas at magsisigaw sila ng "SUUUNNOG". At...

Pangalawa.. Dahil yun sa parang nababaliw na ako.

At bakit kamo ako parang nababaliw?

Well, kanina pa kasi akong paulit-ulit sa pagbibilang nitong mga pictures ni Enrique pero hindi pa rin ako uli dinadalaw ng antok.

Eh, ano nga bang oras na?

TIME CHECK...

2:30 AM

Kitamz... Sigurado ako pati kayo mababaliw lalo na kung may pasok pa kayo bukas.

Isa lang naman kasi ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Tama... ISA...

Isang mapanlinlang na EVIL CREATURE na hinahadlangan ang pagmamahalan namin ni Enrique My Love sa panaginip ko.

Isang EVIL CREATURE na sumulpot na lang bigla at nagpanggap na Enrique sa dream ko.

At Isang EVIL CREATURE na nahalikan ko sa dream ko. Tama kayo nahalikan ko sya sa Dream Ko.

Eto kasi yung mga nangyari sa Dream Ko...

[ My DREAM ]

STARRING:

(AUTHOR: Meganun Talaga)

ZJ Hernandez, Enrique Gil & The EVIL CREATURE (WITH Special Participation Of: Mga Babaeng Nagtitilian at 2 Body Guards ni Enrique Gil )

SETTING: Sa Park (Yung Park po sa Chapter 3)

Nakaupo ako ngayon dito sa park at hinihintay ang pagdating ni Mama.

Napapitlag naman ako sa kinauupuan ko dahil bigla na lang may mga nagtiliang mga babae.

Hinanap ng mga mata ko ang pinagmumulan ng tilian na 'yon.

May napansin akong isang magarang sasakyan na nakatigil sa isang tabi kung saan pinaliligiran ito nung mga nagtitiliang babae.

Hindi ko na lang ito initindi pa at ibinalik ang atensyin ko sa pagtingin sa paligid hanggang sa nakarinig ako ng isang sigaw na nakapag-patayo sa 'kin dito sa kinauupuan ko.

"Enrique... I Love You" sigaw ng isa sa mga babae.

Hindi na 'ko nagpatumpik-tumpik pa at tinakbo ko ng mabilis ang kinatatayuan nila.

Pagkadating ko dun ay hinablot ko ang mga buhok ng mga babaeng nakaharang sa harap ko para makita ang taong pinakamamahal ko, nakipagtulakan at nakipagsiksikan ako sa kanila.

HAAAA...

TUGSHA...

TABI -TABI...

WATTAAAA...

HAYAAAA...

[ Kayo na po ang bahalang mag-isip kung anong mga nangyari ]

Pagkadating na pagkadating ko sa unahan, matapos ang pakikipagbakbakan ko dun sa mga babaeng hindi rin naman nagpatalo sa 'kin, sakto namang may lumabas dun sa magarang sasakyan.

Pwede Ba.. Akin Ka Na Lang!!!... ♡Where stories live. Discover now