Pwede Ba.. Akin Ka Na Lang!!!... ♡ (Chapter 2)

1K 35 4
                                    

ZJ's POV

Iniangat ko ang ulo ko at tinignan kung ano ba ang nabunggo ko. Hindi pala Ano...? Sino...?

Nakatayo at nakatitig lang naman sa harapan ko si Liam ang 'Hearthrob' ng school na 'to. Kasama nya si Ashley na parang isang linta kung makalingkis sa braso nito pati na rin ang dalawa pa nyang kasama.

Sinubukan ko nalang tumayo kahit masakit pa rin ang puwitan ko dahil sa pagkakabagsak.

"Argh.. Ang sakit.. Mukhang napalakas ata ng sobra ang pagkakabagsak ko.." daing ko. Inalalayan naman akong makatayo ni Pam at tinanong nya kung ayos lang ba ako.

"Cutie.. Ayos ka lang?" pag-aalalang tanong sa'kin ni Pam.

"Ahh.. Oo.. Ayos lang ako" tugon ko sa tanong nya.

Ibinaling ko namang muli ang atensyon ko dun sa nakabunggo ko at humingi ng tawad dito.

"Ahh.. Ehh.. I'm sorry" paghingi ko ng tawad sabay yuko ( yung pang-japanese style ).

"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaan mo, daldalan kasi kayo ng daldalan" galit nitong turan sa'kin.

"I'm sorry talaga" paghingi ko pa rin ng tawad sa kanya.

Hindi na ako nakarinig pa ng kung anong response galing sa kanya dahil niyaya na sila ni Ashley.

"Guys... tara na. Let's go na Babe" pag-aya ni Ashley kay Liam at dalawa pa nitong kasama.

Naramdaman ko na lang ang pag-alis nila sa harapan ko. Inangat ko na lang ang ulo ko mula sa pagkakayuko at inayos ang sarili.

"Grrr.. Ang yabang naman ng taong yun, Kung makapagsalita akala mo kung sinong gwapo... Pero gwapo naman talaga sya... Urgh... Bura-bura.. Ano bang iniisip mo ZJ?..." napailing na lang ako sa mga naiisip ko.

Hindi pa sila gaanong nakakalayo kaya narinig ko pa ang mga sinabi ni Ashley patungkol sa 'kin.

"Haayy.. Hayaan mo na lang yung Baklang yun Babe. Alam mo naman ang mga katulad nila, gagawin ang lahat mapansin mo lang sila. What A Loser" sabi nito sa mga kasama nya.

Kahit nagpantig ang tenga ko sa narinig ko ay hindi ko na lang ito initindi pa.

Maging si Pam ay hindi rin magawa ang hindi magalit kay Ashley sa narinig nyang sinabi nito.

Sinabi ko na lang sa kanya na kalimutan na lang yung nangyari kanina at inaya ko na syang magpunta sa court kung saan naghihintay sina Bryan at ang iba pa.

Nagku-kwentuhan lang kami ni Pam habang naglalakad at pareho naman naming nakalimutan ang mga pangyayari kanina.

Buti nalang at hindi nya napapansin yung palihim kong paghimas sa masakit kong puwitan.

Malapit na kami sa court at na-spot namin kung saan naka-upo ang tropa. Tinungo namin ito at saka umupo sa bakanteng upuan na sinave nila para saming dalawa ni Pam.

Hindi naman ako makaupo ng ayos dahil na rin sa masakit pa rin yung puwitan ko. Napansin naman ito ni Bryan at nagtanong kung ok lang ba ako.

"Uy.. My Cutie ayos ka lang?" tanong ni Bryan. Nag-nod na lang ako sa kanya at umupo na kahit masakit pa rin yung puwitan ko.

Pagkaupong pagkaupo namin ni Pam ay nirat-rat na kami agad ng tropa ng sunod-sunod na tanong.

"Ang tagal nyo naman ata? Anyare?" pambungad na tanong ni Bryan.

"May nakita ba kayong cute na boys kaya natagalan kayo?" ang tanong naman ni Chris.

"May nakasalubong kasi kaming mga taong hindi kanais-nais ang ugali kaya ayun natagalan kami" pagsagot ni Pam sa mga tanong nila.

Pwede Ba.. Akin Ka Na Lang!!!... ♡Où les histoires vivent. Découvrez maintenant