Pwede Ba.. Akin Ka Na Lang!!!... ♡ (Chapter 8)

702 19 6
                                    

ZJ's POV

"No, no, no, no, no... This Can't Be Happening To Me..."

Gusto kong matunaw, magsisigaw, maglaho na parang bula, lamunin ng lupa o maging hapunan na lang ng Haring Aswang. Lahat ata ng dugo ko napunta na sa mukha ko dahil sa sobrang pula ko.

"I need to think of something para makaalis dito. ZJ, isip-isip" saad ko sa isip ko then..."

'TING'

Huminga muna ako ng malalim tas tumayo.

"Ok, this is it... I hope it works" saad ko sa isip ko. Tinignan ko sila tas ginawa ko na yung naisip kong way.

"KYAAAAAAA... Tignan nyo oh, si Enrique" sigaw ko tas itinuro ko yung direksyon kung nasaan si Enrique kahit wala naman talaga. Alam kong magkakagulo tas mawawala yung atensyong ibinibigay nila sa 'kin dahil sa ginawa ko at yun na yung time para makaalis ako dun. Nagtaka naman ako nung wala man lang nagsigawang mga kababaihan o kabadingan. Nilingon ko sila at dun na ako talagang sumabog sa kahihiyan. Bakit kamo? Well, hindi naman kasi nila inalis ang tingin nila sa 'kin at dinedma lang yung ginawa ko.

Napayuko ako sa kasyongaang ginawa ko at dali-dali akong nagtatakbo dun sa kinatatayuan ni Kuya Macky tas hinatak ko sya palabas ng court. Alam at ramdam ko ang pagpipigil ng tawa ni Kuya Macky. Gusto kong sumigaw kaya nung pagkarating namin ng kotse ni Mama ay pinalabas ko muna sya saglit at dun na ako nagwala. Sumigaw ako ng pagkalakas-lakas buti na lang at hindi nabasag yung bintana ng kotse namin. Nung mahulasan ako ay binuksan ko na yung kotse. Nabungaran ko naman agad si Mama at Kuya Macky na nagpupunas ng luha sa mata hindi dahil sa naluluha sila dahil sa nangyari sa 'kin kundi dahil sa naluha sila sa kakatawa.

"A-anak... Ano ayos ka na?" si Mama habang hawak ang tiyan at pinupunasan ang luha ng sobrang pagkagalak. Nag-nod naman ako sa kanya tas hinarap ko si Kuya Macky at inilahad ang kamay ko sa harap nya.

"Ano?" nagtataka at nakangiting tanong ni Kuya Macky.

"Damit... Penge" saad ko. Napailing muna sya saka pumunta dun sa likod tas binuksan yung maleta nya at naghanap ng damit para sa 'kin. Naisipan ko namang itext sila Chris at ipaalam sa kanila na babalik ako.

TO:

Gandang Chris ♡, Pammy... ♡, Lovely Brei.. ♡

Guys.. Babalik ako, magpalit lang ako ng damit...

Nung makakita si Kuya Macky ng damit ay kinuha ko ito agad at nagpalit sa loob ng kotse namin. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa sobrang haba at luwag ng damit na ibinigay ni Kuya. Naisipan ko namang lumabas ng kotse para tanungin si Kuya kung meron pa syang mas maikli at mas maliit na damit kesa sa ibinigay nya sa 'kin.

"Kuyaaa... Wala na bang iba? Para naman kasing nakadress pa rin ako dito sa damit na ibinigay mo.." reklamo ko sa kanya habang tinitignan ang sarili ko sa suot ko. Nagulat naman ako bigla dahil sa halip na sila Mama at Kuya ang mabungaran ko ay ang mga kaklase ko ang kaharap ko ngayon.

"KYAAAAAAAA" ang sigawan nila. Sila Chris naman hayun at nilamutak na naman ang mukha ko. Kanya-kanya naman na sila ng komento patungkol sa'kin. Ang ingay-ingay nila grabe. Lahat nagpapicture sa'kin. May solo, may group like puro boys muna then girls at kung anu-ano pa. Nang matapos yun ay hinatak na nila ako pabalik dun sa court. Pinilit kong makawala sa higpit ng hawak nila Bryan dahil nga hindi pa ako ayos at suot-suot ko pa rin yung wig pero wala akong nagawa. Makawala man ako sa higpit ng hawak nila Bryan may mga nagbabantay naman sa likuran ko para hindi ako makatakas. Pagdating namin sa court talagang lahat ng atensyon napunta sa'kin. Nakayuko akong nagtungo dun sa kinauupuan namin kasama ang mga kaklase ko.

"Huy... Pwede ba tanggalin ko na itong wig ko... Nakakailang kasi" saad ko sa mga kaibigan ko.

"Nope..." si Bryan.

Pwede Ba.. Akin Ka Na Lang!!!... ♡Where stories live. Discover now