Chapter 21: Deceit ✔

7.5K 282 0
                                    

[Edited: New version of Chapter 21]

°°°°°

Apat na buwan pa bago ang tournament. Hm. Mahigit dalawang buwan na pala kami ni Kaleel dito. At sa mahigit dalawang buwan na yun, marami agad ang nangyari at nagbago. Tulad na lang ng nalaman ko na magpinsan kami ni Kaleel at makilala niya ang totoo niyang mga magulang. Masyadong marami para isa-isahin.

Sa pag-uusap namin ng kapatid ko kahapon, isang desisyon ang gusto kong gawin. Gusto ko nang umuwi samin.

Bahala na kung magalit si Papa sakin o ano pero... sa tingin ko naman hindi.

Nabanggit kasi sakin ng kapatid ko na mula nung umalis ako magpa-hanggang sa ngayon ay pinapahanap pa rin ako ni Papa. At hindi pa pala niya sinsabi na nandito ako. Ang totoo inaasahan ko na hindi na mag-aabala pa si Papa na hanapin ako pero.. maling-mali ako. Mahigit dalawang taon... mahigit dalawang tao na siyang nag-aaalala at naghihintay sa pag-uwi ko. Tama na siguro ang pagmamatigas ko.

Kailangan ko din talagang ibaba ang pride ko paminsan-minsan.

Sa ngayon... pagpa-planuhan ko muna kung kailan ako uuwi.

Umaga ngayon at naghahanda na ko sa pagpasok.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin then I sigh. Nakikita ko ang sarili ko nung bata pa ko, nung 10 years old ako, teen ager, hanggang sa bumalik sa dati. Ang laki na ng nagbago sakin.

Napatingin ako sa closet nang mapansin kong may nakasabit dun.

I smiled.

It was a keychain. Yung binili ko nung Freedom Festival. Actually dalawa 'to eh. Binigay ko kay Kaleel yung isa. Yun din yung araw na una kaming magkita nila Michael. Tss.

Binulsa ko na yung keychain saka lumabas ng kwarto ko. I feel the cold breeze of air this morning. Kinilabutan ako dun. Na para bang nagbibigay ng babala sakin yung hangin na may mangyayaring masama ngayong araw.

Habang naglalakad at nakakasalubong ang ibang estudyante, pansin ko ang masamang tingin ng ilan. Ang iba naman ay nag-iiwas ng tingin.

Hmp... I know. Chismis na naman tungkol sakin yan. Hm. Ano na naman kayang title ng chismis ngayon.

"Hey sister! Where are you na?"

Kung minsan talaga nakakagulat 'tong kapatid ko kapag gumagamit ng telepathy. Ang sakit kasi sa ulo.

"I'm heading to the hall" sagot ko through telepathy din.

"Aba bilisan mo! Kumpleto na sila, ikaw ba lang ang kulang!"

Aba't lokong 'to ah. Pakielam ko ba kung nandun na sila at wala pa ko? Sinabi ko bang hintayin nila ako?

"Whatever~ Tigilan mo nga yang telepathy mo. Ang sakit sa ulo"

"Okay. Basta bilisan mo ah"

Nawala na yung sakit ng ulo ko kaya I'm sure na tinigil na ni Marcus yung ability niya. Hay grabe. Mas gusto ko pa siyang kausap ng harap-harapan kesa yung ganyan.

S.A Academy - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon