Maaga kaming pumasok ni Kaleel sa nag-iisang public school dito sa Xinfrilla. Actually, mas gusto ko dito sa public school kasi friendly ang mga tao saka may teamwork. Oo merong nagkakainisan dito pero wala namang nag-aaway. Alam naman kasi naming lahat na pare-parehas lang kami dito ng sitwasyon sa buhay. Ang totoo nga nyan, halos lahat dito kilala namin ni Kaleel saka ka-close din. Halos lahat lang kasi yung iba naman pare-parehas ng pangalan kaya nakakalito din.
Saka sa public school kasi, libre ang pag-aaral. Mga projects lang ang ginagastusan pero nagpapaka-creative na lang kami ni Kaleel para menos gastos.
"Hi Heily! Kaleel!" bati nung grupong nakasalubong namin.
"Magandang umaga Heily!"
"Good Morning Kaleel!" bati naman nung grupo ng mga babaeng nakatambay sa lilim ng puno. Kinikilig pa sila nung binati nila si Kaleel. Saka gwapo naman kasi 'tong lalaking 'to eh kahit medyo shunga minsan.
"Tsk! Gwapo ko talaga" proud na sabi ni Kaleel sabay hikab. Psh! Inaantok pa nga tapos nagagawa pang magyabang. Asus!
"Sabi mo lang yan kasi ikaw lang ang nakakapansin" natatawang sabi ko saka medyo lumayo sa kanya ng konti.
"Ano? Ano?". Bago pa man niya ko mahawakan, kumaripas na ko ng takbo. Ay tanga. Maaabutan din pala niya ko.
So ayun na nga, bago pa man ako makapasok sa room namin, nakatanggap na ko ng batok mula kay Kaleel. Tsk!
"Masakit yun ah!" angal ko saka binatukan ko din siya. Inirapan niya lang ako saka siya dumiretso sa pwesto niya at dumukdok. Pfft. Antok na antok talaga ang siraulo. Kundi ba naman kasi isa't kalahating tanga eh. Magpuyat daw ba.
Pumunta na rin ako sa pwesto ko saka patagilid na umupo. Actually medyo inaantok din ako eh kaya inihiga ko ang ulo ko sa likuran ni Kaleel. Wala akong pakielam kung mangawit siya. Parang kabayaran na rin kasi tinulugan niya ko. Wala tuloy akong kausap. Papikit pa lang ako nung lumapit sakin yung iba kong kaklase. At sure akong tsismis yan.
"Uy Heily. Nabalitaan namin yung nangyari sa Ilashira nung nakaraang araw ah. Totoo bang nakaaway nyo si Michael? Yung leader ng team ng S.A na lalahok sa tournament?" tanong ni Charice. So. Yung Michael na yun pala ang leader ng team ng S.A na sasali sa tournament. Isa pala siya sa representative ng S.A para sa tournament. Pff. So what.
"Kung di ba naman kasi saksakan ng sama ng ugali eh. Aba! Asarin ba naman ako saka pinagsalitaan pa ko ng masama eh nag-sorry naman ako nung magka-bangga kami. Saka kung tutuusin siya nga dapat ang mag-sorry dahil halata namang sinadya niya yung pagkaka-bangga sakin eh. Oh diba? Kapal lang ng mukha porke leader siya at nag-aaral sa S.A" walang prenong sabi ko. Teka, medyo nawala ang antok ko ah.
"Di kaya rumesbak yun? Kawawa ka kung nagkataon" saad naman ni Viel.
"Kuu! Alam nyo namang ayoko nang ginaganun ako eh. Saka dapat nga sasapakin ko pa yun kung hindi ko lang talaga naalala si Kaleel— I mean yung lagay ni Kaleel baka nadagdagan pa yung pangugulpi ko sa Michael na yun eh. Sama talaga ng ugali!"
"Wow! Sa wari eh pinagtanggol mo pa pala ako. Grabe ka Heily" saad ni Kaleel na gising na pala. Kailan pa gising yan?
"Eh ikaw eh. Imbis na ikaw ang tumulong sakin. Ako pa 'tong tumulong sayo. Grabe ka uy. Ikaw lalaki eh" saad ko naman.
"Tulad nga ng sinabi ko kahapon, at nung nakaraang araw, nabigla lang ako!" sigaw pa niya. May sinabi ba siyang ganun kahapon? Parang wala naman. Loko-loko 'tong gagong 'to ah.
Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating yung teacher namin. Bale teacher siya sa S.A. Parang exchange teacher ganun. Lagi naman kasing ganun eh. Every year nagpapalit-palit ng dalawang teacher ang private and public school dito sa Xinfrilla. Di ko alam ang trip nila kung bakit ganun. Pero siguro... experience lang din. Atsaka naisip ko lang. Siguro ano... naaalibadbaran yung teacher ng S.A kapag nandito sa public school. Pero kumpara naman sa private school, mas maganda dito sa public. Siguro nga hindi kami nagte-training pero sanay naman kami dahil parang ang training ground namin ay ang pamumuhay dito sa Bayan. Ang dami kayang ganap dito.
YOU ARE READING
S.A Academy - EDITING
FantasySpecial Ability Academy Note: Under construction. Kamsa~!
