Chapter 7: Meeting ✔

9.9K 372 8
                                    

FIFTEEN minutes na kami dito sa meeting room pero wala pa rin 'yong lalaking masama ang ugali na arogante, snobber, mr. sungit, hinayupak, hindi man lang rumerespeto sa babae!

Marami pa kong pwedeng i-describe sa kanya kaya lang tinatamad na 'kong sabihin pang lahat.

Aba! Kahit na nag-sorry siya kahapon, mali pa rin 'yong ginawa niya. Tsk.

Nakaka-bored na! Buti pa nga 'yong iba, marami pang energy.
Si Sandra daldal ng daldal, si Lance at Brylle, ayun naglolokohan. Parang mga baliw.
Si Merliyah, ayun walang pakielam sa paligid niya. But I know, naiinip at naiinis na rin siya tulad ko. At si Kaleel, nakatulog na ang mokong. Ten minutes pa lang kami dito ah.

Ako? Heto at nakikinig ng walang katupasang kwento ni Sandra. Masarap naman siyang kausap eh, kaya nga lang, hindi maiiwasan na ma-bored. Lalo na kung siya lang 'yong nagsasalita.

Ugh! Hindi ko na talaga kaya. Sobrang bored na ko!

"Hindi pa ba magsisimula? Nasaan na ba 'yong hinayupak na yun?" inis na tanong ko.

Napatingin silang lahat sakin pati si Ms. Jem na nagulat sa sinabi ko. Pwera lang kay Kaleel kasi tulog pa rin.

"As a leader, kailangan nandito siya bago tayo magsimula. Kailangan kumpleto kayo" sabi ni Ms. Jem nang makabawi na sa pagkakatitig sakin.

"Sa lahat ng estudyante dito, ikaw lang yung nag-tangkang patulan 'yang si Michael. Alam mo bang takot sa kanya ang lahat dito" sabi ni Brylle.

"I don't care. And besides, may mas nakakatakot pa kong kakilala kaysa sa kanya. Sa sobrang nakakatakot, ayoko ng alalahanin" sabi ko naman.

Want to know kung sino 'yong tinutukoy ko?
Abangan niyo na lang sa susunod. Bwahahahaha!

"Ibang klase ka. Kami nga lang kahit top kami, mainis o mapikon lang 'yon lumalayo na kami eh. Pero ikaw, nagawa mo pang ipahiya" sabat ni Lance.

"Bakit naman? Saka, ano bang ability niya?" naitanong ko.

Pero natahimik na lang silang bigla dahil do'n. Para bang sinasabi nila na hindi ko na gugustuhing malaman pa kung ano 'yon. Eh di wag! Pakielam ko naman do'n ano?

"S-some..thing d-dark.." nauutal na bulong sakin ni Sandra.

Dark?
Dark and light.. Kaya pala hindi kami magkasundo ng lalaking 'yon eh. He is in the dark side, and I am in the light side.

Napabuntong-hininga na lang ako. No choice but to wait. Kahit na asar na asar na ko, hindi naman-pwede pala, tutal sila din naman 'yong nag-alok na pumasok kami dito at mag-training para sa tournament eh. So it means, sila ang may kailangan sa amin kaya okay lang naman siguro na gawin ko ang gusto ko. At gusto kong... asar-asarin at pikonin lagi yung hinayupak na Michael na yun. *devil smile*

After pa ng five minutes nang dumating si Mr. Craig. Kasunod nito si Michael.

And finally, the meeting has been started.

"So you all know na kaya kayo nagsama-sama ay para lumahok sa gaganaping Olympian Tournament bilang representative ng school na to" simula ni Mr. Craig.

Yeah I know that. Kung hindi ba naman kami sinasama nila Mama at Papa sa tournament na yun noong bata pa kami ng kapatid ko eh.

Olympian Tournament is a school contest between their representative students. Magsisimula yun six months from now.

Since napanood ko na yun dati, I will say na mahirap yun. Sa kalagitnaan pa nga lang konting members ng bawat school na lang yung natitira eh. Pa'no pa kaya kapag nasa Battle part na, which is the last level.
Patayan kung kinakailangan para lang manalo. Hindi naman literal na mamamatay. May mga system doon. May ilalagay na kung ewan sayo sa batok, parang chip yata. Nakalimutan ko nga lang kung para saan.

S.A Academy - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon