Chapter 12: Crush ✔

7.9K 331 2
                                    

Ang bilis talaga ng panahon.. Lalo na kapag pina-fastforward yung story.

Oh well. Paulit-ulit lang din yung schedule ko everyday, with a sometimes different events. Nagpatuloy lang yung training namin.

I think, almost a month na rin ang nakakalipas. One month na halos. Lalo kaming naging close nila Brylle, Sandra at Lance with Kaleel.

Si Merliyah? As usual, ganun pa rin. Feeling uncomfortable with me. Irritated look pa rin hanggang ngayon. At mas lalong napipikon sa tuwing inaasar siya ni Kaleel.

Si Michael naman? Ewan ko kung anong nakain dahil medyo bumabait na sakin. Medyo lang ah! But as usual din, pikon pa rin sa pang-aasar ko at panghahamon ko ng asaran.

Parang... parang... nangyari yun simula nung nag-duel kami at gamutin sa clinic.

So far, nag-iimprove yung abilities ng mga kasama ko. Sinusubukan na rin nilang mag-level up.

We still have five months bago yung tournament.

"Guys, babalik daw sila Janice" sabi ni Brylle.

Nandito kaming lahat sa Hall para mag-lunch.

At sino naman kaya si Janice. Mula sa pheriperal vision ko, pansin ko ang pagbabago ng expression ni Michael. Mas lalo siyang naging seryoso nung marinig yung name ni Janice.

Base on what I've seen.. di kaya may past sila ni Micheal?

Oy hindi ako nagseselos ah. Atsaka never akong magkakagusto sa hinayupak na Micheal na 'to no.

And I know na hindi niyo naman tinatanong. Pinapangunahan ko lang kayo.

"Kailan daw?" tanong ni Lance na mukhang interested.

Lahat naman ng bagay, parang interesado siya eh. Lalo na kapag may naiisip siyang kung anong kalokohan.

"By next week. Maybe eight days from now" sagot naman ni Brylle.

Tanong lang ah.. Bakit ba ang daming nasasagap na balita ni Brylle? May sa reporter ba siya? O sadyang chismoso lang talaga.

"Sino si Janice?" tanong ni Kaleel.

"Ah siya ba. Former member ng grupo natin. Pati yung kambal niyang si Denisse" sagot ni Brylle.

Tumayo na si Michael at umalis. Hindi niya yata gusto yung topic.

"Anong nangyari? Bakit wala siya?" ako naman ang nagtanong.

"Physical and emotional problem. Bakasyon kasi nun at nasangkot siya sa isang aksidente. Car accident. But I think, sadya yun eh. Ayun, nagamot naman siya eh. Kaya nga lang, dahil sa aksidente... ahm.. sabihin na lang natin na humina yung reflexes niya at hindi na siya pwedeng makasali sa tournament dahil baka kung mapano siya" paliwanag ni Lance.

Gusto ko sanang itanong kay Lance kung anong kinalaman ni Michael kay Janice at bakit ganun na lang yung expression niya nung marinig yung pangalan ni Janice. Kaso tinamaan ako ng takot dahil baka kapag nalaman ni Michael, tsismosa ako or worst, isipin niya na pakielamera ako at may gusto sa kanya.

Duh! Masyado siyang assuming kung ganun. Pati pala ako assuming. Okay na din n ramdam kong may something sa kanila.

Gwapo naman si Michael eh. Sobra! Kaya nga lang, medyo nakakatakot siya. Lalo na kapag tumitig yung nakakatakot na titig niya.

But I'm curious, kung anong talagang nangyari kay Janice.  And who is she in Michael's life?

Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa mga klase namin. Hay... nakakainis dahil recently hindi ko na nakaka-kwentuhan si Kaleel ng matagal. Kung magkaka-kwentuhan man kami, breakfast, lunch, sa training, dinner at kapag gumagala kami sa gabi. At lahat ng yun, kung hindi isang oras, thirty minutes lang. Tapos madalas na hindi pa kami nagkakausap dahil hindi kami nagkakapansinan.

S.A Academy - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon