Chapter 1: Heily ✔

21.7K 576 25
                                    

Two years later...

Heily's POV

I sigh everytime na naaalala ko yung nakaraan ko. It's been 2 years simula nung umalis ako sa amin. Naglayas, rather. Pero ganun pa man, wala akong nararamdamang pagsisisi sa ginawa ko. Although nako-konsensya ako dahil iniwanan ko yung kapatid ko. Miss ko na nga siya eh. Simula din ng umalis ako samin, wala na kong balita sa pamilya ko.

Ang layo din naman kasi ng narating ko sa paglalayas eh. Sa Malyea (read as Mal-ya) pa kasi yung bahay namin. Lugar yun dito sa Xinfrilla-sa dulong parte kung saan tanaw na tanaw ang dagat. At yung buong Malyea, pagmamay-ari ng pamilya namin. And then, ang lugar kung nasaan ako ngayon ay ang capital ng Xinfrilla- ang Zermian. Isang araw ang kailangan bago makarating dito mula Malyea. Well, sumakay naman ako ng tren kaya nakarating agad ako dito.

Hindi tulad sa Malyea na naglalakihan ang mga bahay at establishments, payak lang ang pamumuhay dito sa Zermian. Simple lang. Pero kailangan mong magtrabaho para kumita at may makain sa araw-araw.

Hays. Nakakapagod magtrabaho pero masaya. Mas gusto ko yung busy ako dahil marami akong ginagawa. Kesa sa bahay noon na nakatanga lang ako at naghihintay sa mga susunod na mangyayari. At kung doon, nakukuha ko kaagad ang gusto ko, dito hindi. Kailangan ko talagang magtrabaho para mabili ko ang gusto ko. At masarap sa pakiramdam na galing mismo sa pinagtrabahuhan mo ang perang ginagamit mo.

"Delivery!" sigaw ng isang lalaki pagkapasok sa bakery kung saan ako nagta-trabaho ng part time. Bata pa lang ako mahilig na kong mag-bake dahil din sa tinuruan ako ni Mama. Hays. Si Mama. Sana masaya siya kung saan man siya naroroon. Anyway, dahil mahilig akong mag-bake, ako ang taga-bake dito. As in ako lang talaga.

At yung sumigaw ng delivery na yun ay bestfriend kong si Kaleel. Nagta-trabaho siya sa pabrika ng harina kaya sa kanya nagpapa-deliver ng rasyon dito. Kaya lagi din kaming nagkikita dito sa bayan. Although magkapit-bahay lang naman kami.

"Hi bespren! Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong niya pagkalapit sakin. Natawa ako ng makita ko ang itsura niya. Punong-puno kasi ng harina yung mukha at katawan niya.

"Ngayon hindi mo na kailangang gumamit ng sabon para pumuti. Hahahaha!" saad ko sa kanya.

"Ay ganun ah" sabi niya at dumakot ng harina saka sinaboy sakin.

"Ngayon parehas na tayo. Hahahaha!"

Tss. Parang bata. Napailing na lang ako saka pinasok sa malaking oven yung mga cupcakes.

"Nga pala, may gagawin ka bukas?" tanong niya.

Limitado ang oras ng pagta-trabaho ng mga kabataan dito sa mundo namin. Kung hindi 4, 5pm ang maximum ng trabaho.

"Hm... Wala naman, bakit?" naitanong ko.

"Wala lang. Gusto ko kasing pumunta sa Ilashira Park" malungkot na sabi niya.

Masiyahin si Kaleel. Lagi akong pinapatawa sa tuwing malungkot ako. Lagi akong pinapangiti sa tuwing nakasimangot ako. But behind those smiles and laughs.... is a very sad story of his childhood.

Kasagsagan ng Freedom Festival... sa Ilashira Park. He's only seven years old that time nung mahiwalay siya sa Mama niya. Na hindi na niya nakita. At yung kinikilala niyang magulang ngayon ay hiram lang. I mean, hindi niya totoong magulang.

Bukas na ang Freedom Festival- ang ikasampung taon na hindi niya kasama ang totoo niyang magulang.

"Tulad ng lagi kong sinasabi, sasamahan kita palagi" nakangiting sabi ko at muli siyang sinabuyan ng harina sa mukha.

"Aist! Nakakadalawa ka na ah" napapangiti niyang sabi.

Magsasalita pa sana ako nung sumigaw na yung kasama niya.

S.A Academy - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon