Chapter 19: Denisse ✔

7.1K 316 1
                                    

[Edited: New version of Chapter 19]

°°°°°

Sandra's POV

Nadatnan ko si Heily sa main garden kaya minabuti kong kausapin na siya about kay Kaleel.

Nakita ko kasi sa vision ko n nagkita na sila ng mga magulang niya eh.

"Heily" tawag ko sa kanya saka naupo sa upuan sa harap niya.

"Oh? Hindi nga naka-tirintas yang buhok mo, bakit tinali mo na naman?" Hays. Buhok ko kaagad napansin niya.

"Wala lang. Mainit kasi sa umaga hanggang hapon nitong mga nakaraang araw eh" nangingiting sabi ko.

"Tssss... I know what are you trying to say" saad niya. Mainit naman talaga eh. Tapos dumagdag pa sa init ng ulo ko si Janice at Denisse. Lalo na yung Denisse na yun.

"Anyway, kumusta na yung pagkikita ni Kaleel at ng parents niya?" pag-iiba ko ng tanong.

"Ayun okay naman. Hindi man sabihin ni Kaleel, alam kong masayang-masaya siya na makita sila Auntie—yung magulang niya. Hays. Napakadaldal talaga. Aist"

"Masaya ako para sa kanya...." tanging nasabi ko na lang. Naalala ko yung kanina kaya dapat siguro sabihin ko sa kanya. "Nga pala. Kanina kasi.... pinuntahan ako ni Marcus" tukoy ko sa nakababata niyang kapatid.

"S-si Marcus?" gulat na sabi niya.

"Oo. Hinahanap ka niya. Alam na niya na nandito ko" saad ko.

"A-anong sabi niya?" tanong niya.

"Ayun nga. Hinahanap ka niya. Sabi ko nga bakit hindi na lang siya pumunta sa kwarto mo eh kesa sakin pa. Alam naman niya kung saan. Nahihiya daw siya...."

"Ako nga dapat ang mahiya kasi iniwan ko siya" putol niya sa sinasabi ko.

"Kung gusto mo daw siyang puntahan ipagtanong mo lang daw sa third floor ng dorm nila kung nasaan yung napaka-gwapong nilalang na nagngangalang Marcus. Tss. Nasa lahi nyo siguro talaga yung kahanginan ng mga lalaking miyembro ng pamilya nyo ano?" natatawang sabi ko. Para rin kasi siyang si Kaleel. Mas malala lang talaga sila ni Lance.

"Tss. Sinabi mo pa. Pero... parang hindi ko kayang humarap sa kanya ngayon eh..."

"It's okay. Take your time. Atsaka nga pala. May isa pa siyang sinabi. Kapag pumunta ka daw sa kwarto niya, dala ka ng foods"

Hays. Parang sila Kaleel talaga. Kailangang may dalang pagkain kapag pupunta sa kwarto nila. Tss.

"Aist. Kahit kailan talaga napaka-takaw ng kapatid kong yun..." Nagsasalita si Heily sa harap ko pero hindi ako sa kanya nakatingin kundi sa likuran niya. Sa hallway sa labas nitong main garden kung saan dumadaan ngayon si Kaleel.... kasama si Denisse.

Hays. Kahit kailan talaga napaka-linta ng Denisse na yan eh. Kani-kanina lang si Brylle yung hinahaliparot tapos ngayon si Kaleel naman. Hay! Manang-mana talaga sa kambal niyang haliparot din.

"Uy Sandra...."

Kuu! Ang bilis talagang kumulo ng dugo ko kapag nakikita ko yang babaeng yan eh.

"Sandraaaa??"

Idagdag pa na kapag nagkakasalubong kami lagi akong iniirapan. Tapos ngumingisi pa na talagang nang-aasar.

"Oy Sandra!!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Heily.

"H-ha??" baling ko sa kanya.

"Aba kanina pa kita tinatawag ah. Bakit ba tulala ka dyan?" tanong niya. Sumenyas ako na tumingin siya sa likuran niya at ginawa naman niya. "Hmm... Kaya pala. Nakakita ka pala ng malaking linta. Tss..."

S.A Academy - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon