Magfa-five fifteen nang umalis kami sa hotel. Madilim pa ang daan at sobrang lamig kaya sinarado na lang namin ang bintana ng sasakyan.Kinalikot ko ang polaroid, I took a picture of him while driving natatawa na lang siya sa ginawa ko. Lumabas ang litrato and he look so handsome.

"Ang gwapo mo," I commented while staring at his photo. "Kaso panira ang scar sa pisngi mo."

May mahabang pilat kasi siya sa pisngi pababa sa leeg niya. Hindi naman talaga panira, it actually gave him a more edge, he looked scarier -- but not that scary... Hindi ko ma-explain. The scar gave him more charisma... Right. It gave him more charisma.

"Saan mo ba nakuha 'yan?" I asked. "Saan mo nakuha ang mga scars mo?" Napakarami niya kasing sugat. Noong ginagamot namin siya ni Simon, I saw many scars.
"My job..." He smirked.
"Are you a soldier?"
"Something like that," makahulugan ang tono ng boses, like he has some joke na siya siya lang ang nakakaintindi.
"So doon mo nakilala si Simon? He's a soldier kasi before siya naging personal bodyguard."
"We're comrades." Tumango ako.
"Then soldier ka nga?" Tinawanan na lang niya ako.

Naramdaman ko na tumigil na ang sasakyan, at naaninag ko sa labas ang isang malaking puno at iilang sasakyan na nakapark malapit doon. Nauna akong bumaba ng sasakyan kesa kay Cato dahil excited ako, hindi ko naman inaasahan na sobrang lamig pala kaya bumalik din ako kaagad sa loob, tinawanan ako ni Cato at bumaba na. May kinuha siya sa likod ng sasakyan, umikot siya papunta sa pinto ko at binuksan iyon, inabot niya sa akin ang kulay light blue na jacket.

"Thanks," sabay namin sinuot ang jacket, ang sa kanya ay kulay itim na jacket. Inalalayan niya ako pababa then he closed the door, pinatunog niya ang sasakyan at inakbayan ako -- na okay lang naman dahil sa sobrang lamig talaga. "Nasaan tayo?"
"Camping ground. You want some hot chocolate?" Tumango ako.

Naglakad kami patungo sa may isnag store na nagbebenta ng something they call bibingka, may hot chocolate din daw doon. Si Cato ang bumili ng hot chocolate habang ako ay nakaupo sa isang bench at pinapanood ang ilang taong dumadating sa lugar, some are couple while are with their families. I wish na soon, I can come here with Mom and Dad.

"Hey," inabot sa akin ni Cato ang maliit na cup. Kinuha ko naman iyon and it felt relaxing dahil sa warmth na nagmumula dito. "Let's go. Malapit nang sumikat ang araw."

Nagsimula na kaming maglakad, ang dami naming kasabay, they're probably going to the same spot na pagdadalhan sa akin ni Cato. Malayo 'yung place, but it's fine, I like walking, at isa pa, ang sarap ng simoy ng hangin kaya masarap maglakad. Tinuro ni Cato ang lugar kung saan may magandang view ng taal. Isa iyong malaking gazebo na nasa edge ng lugar na ito. The place is crowded kaya inalalayan ako ni Cato para makapunta kami sa may bandang railings. When we got there ay hindi pa ganong kita ang Taal, nababalot pa kasi siya ng fog and it's still so dark.

"Ten minutes na lang," he said after looking at his watch. Tahimik na tinignan ko ang madilim na lugar, habang si Cato ay nakasandal lang sa railing at iniinom ang kape niya.
"after nito, where will we go? May iba pa bang papasyalan dito?"
"Mag-zi-zip line lang tayo then we'll go to Manila, pupunta na tayong Star City." Mukhang pin-lano na niya ang lahat. "Hindi ka ba matatakot sa zip line?"
"Nope! I've seen it in youtube, mukha namang masaya." Nanlaki ang mata ko nang unti unting lumiwanag ang langit at ang kulay kahel na nagmumula sa araw ang siyang nagbibigay buhay sa buong langit. "Cato!" Tinapik ko ang braso niya, humarap naman siya sa view.

Ang rays of sun are perfectly aligned sa likod ng taal, it acts like the little mountain's halo. It looked so divine. Katulad na katulad ng mga nasa litrato sa internet. Nakangiting nilingon ko si Cato, I immediately look at his eyes... The light from the sunrise reflected in his eyes at ang kulay nito ay sobrang nakakabighani. They said that sunrise and sunset can never meet... But right now I can see them meeting each other for the first time and it was something I have never seen before... It was perfect.

BHS#1: Better that we BreakWhere stories live. Discover now