Chapter 3

704 17 1
                                    


Chapter 3

Mila Amaris Albarasin

Present Time:

Umalis ako sa kwarto dahil parang may tumutusok sa puso ko, I went to the sala and grab my phone to call Simon. Pero kung kelan ko siya kailangang kailangan ay 'tsaka naman siya hindi matawagan. I slouch at the sofa when I still can't reach Simon for the fourth time.

Why can't he remember me? Nagka-amnesia ba siya? O hindi ba siya ang Cato na nakilala ko noon? Ibang tao ba ang kaharap ko ngayon? Pero hindi ako pwedeng magkamali dahil siya lang ang kilala kong may ganong mata. Those sunset-colored eyes. But why can't he remember me? Dahil ba sa wala lang naman ako sa kanya noon? Besides, sinabi naman niya noon na may girlfriend siya, so baka wala nga lang.


Napahawak ako sa labi ko at pumikit. "Kung wala lang ako sa kanya, bakit niya ako hinalikan?"


February 5, 2012:

"Maraming tao, hindi mo rin ma-e-enjoy." Sabi niya after kong itanong sa kanya kung maganda ba sa Paris, lalo na sa may Eiffel tower. Maganda raw, kaso maraming tourist kaya hindi nakaka-enjoy mamasyal. "But when you reach the top, maganda ang view, despite the crowd, makikita mo kasi ang liwanag ng buong Paris."


Ala-sais na ng gabi at nandito kami sa music room dahil magpa-practice sana ako kaso bigla siyang dumating kaya nakipag-kwentuhan naman ako. Mukha namang bored na siya kaya kahit puro tanong ako sa kanya ay okay lang sa kanya. Simon left this morning, binilin niya muna sa akin si Cato -- sa akin niya binilin kasi sinusungitan niya si Ate Luisa, si Nanay naman ay masyadong busy para alagaan pa siya, tapos si Charles, dumating siya kagabi but he's busy sa pag-aayos ng nasirang bintana sa kwarto ko.


"Nandito ba ang music sheet?" He asked, nasa may cbainet siya kung nasaan ang mga sheet music. I nod. Binuksan niya ang glass cabinet at nag-scan doon. May kinuha siyang isang folder doon tapos ay naglakad papunta sa inuupuan niya kanina.


Nakaupo ako sa tapat ng piano habang iyong inuupuan niyang silya ay nasa tabi ko lang, he placed the sheet music sa may stand then he open the folder. Sa pinakataas na parte ng papel ay nakalagay doon ang title ng kanya. It was one of Beethoven's beautiful composition.


"Play it," utos niya sa akin then inalis niya ang takip ng piano.

"How did you know that I play?" Hinawakan niya ang kamay ko at nilapat sa mga keys.

"You have beautiful hands." Tumawa ako at umiling. I place my finger to the first key and started playing, my eyes are closed and I hear nothing but the music. The whole place turned to white, like nothing's inside the room, that's it's only just me and the beautiful music. I let the flow of the music take me and when I'm done with the last chord, I let a deep sigh and finally open my eyes. "Anong hindi mo kayang gawin?"

Ngumiti ako sa compliment ni Cato. "Math. I'm really not good in Math."

"Who is?" Parehas kaming tumawa, bigla naman siyang dumaing dahil sa sugat niya.

"Okay ka lang?" I asked, hinawakan ko siya sa balikat at inalalayang makaupo ng maayos.

"Yeah. Nabigla lang." Inangat niya ang shirt na suot niya at may dugo sa bandage niya.

"Palitan na natin. Wait ka lang diyan," bumaba ako para kumuha ng bandages at betadine tapos ay bumalik na sa music room, pero pagdating ko roon ay wala na si Cato. I went to my room and he was there, ang telepono niya ay nasa tenga niya tapos ay hawak niya iyong duffle bag niya. Naghintay lang ako sa pinto habang may kinakausap siya.

BHS#1: Better that we BreakWhere stories live. Discover now