Chapter 4

852 17 3
                                    

Chapter 4
Mila Amaris Albarasin

February 5, 2012:

Nagising ako na may mahinang tumatapik sa akin balikat, unti-unti kong minulat ang aking mata at nasilayan si Cato na nakangisi sa akin habang nakatitig. I immediately sat straight and wipe my mouth, checking if I drool while I'm sleeping. Buti na lang at wala.


"Nasan na tayo?" I asked. Kinuha ko ang pulbo sa body bag ko at naglagay sa kamay bago iyon pinahid sa aking mukha. I turn on the light inside the car Cato rented and make sure na walang buo buong pulbo sa mukha ko.

"SM. Gutom na ako," he answered. Pinatay na niya ang makina ng sasakyan at naunang bumaba para pagbuksan naman ako ng pinto. I looked at my watch, fifteen past eight pa lang. Marami pa ring sasakyan sa parking lot at puno pa ng liwanag ang buong lugar. Tinignan ko ang mall, sa tuktok nito ay may nakalagay na kulay asul na SM Dasmariñas. "Let's go."


Naunang naglakad sa akin si Cato. Pagpasok namin sa mall ay nagulat ako dahil napakarami pa ring tao kaya bigla akong kumapit ng mahigpit sa braso ni Cato, that he laughed at.


"Relax. No one's going to hurt you here." He assured me tapos ay mahinang pinisil ang kamay ko. Nagpunta kami sa isang fast food. Naghanap muna kami ng upuan before he left me para makapag-order na siya. Nasa malapit kami sa may glass window nakapwesto kaya kitang kita ko ang mga tao na nasa labas.


Eleven years noong huling beses akong nakapunta ng mall, and the mall that we go to before is not this big and not this crowded. Dumating si Cato na may dalang chicken at spaghetti, may isa ring malaking fries at dalawang coke. He eats like he's really starving samantalang ako ay dahan dahan lang ang pagkain kahit gutom na gutom na. Nauna siyang natapos sa akin habang ako ay pinapapak pa ang chicken habang nakatingin sa labas.


"Where do we go next?" I asked Cato when I'm done.

"We'll go to Tagaytay. Pero hindi mo pa makkita ang taal, mag-che-check-in muna tayo sa isang hotel. Gabi na masyado." Tumango ako sa sinabi niya. Umalis na kami ng fast food at pumunta sa may Watsons para bumili raw ng panlinis ng sugat niya, then after that ay ma pinuntahan kaming electronic shop -- iyong may mga phones, camera and laptops. May kinausap siyang saleslady habang inaabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga gadgets.

"Anong binili mo?" Tanong ko nang balikan na niya ako. May hawak siyang plastic, nilabas niya mula doon iyong binili niya. Isang box iyon, pinahawak niya sa akin iyong plastic then nilabas niya mula sa box ang binili niya. It is a black polaroid camera.

"Para may souvenir ka."


Nilagyan niya ng fil iyong camera tapos ay bigla akong hinatak at inakbayan, he raised his right arm and told me to smile -- so I did, I heard the camera shutter and few seconds later the film came out. Kinuha niya iyon at hinintay naming makita na ang kinalabasan. The photo showed, it was really cute.


"You look beautiful," he commented.


February 6, 2012:

Katatapos ko lang mag-blower ng buhok ko when someone knocked on my door. It must be Cato kaya binuksan ko kaagad ang pinto, and it really is him. May dala siyang paper bag na may logo ng kinainan namin kagabi. "Breakfast?"

Tumawa ako. "Hindi mo naman favorite 'yan, no?"

"Hindi naman masyado." Pumasok na siya sa loob at hinanda sa lamesa ang pagkain. Sinabi niyang bilisan namin ang pagkain dhail gusto niyang maabutan namin ang sunrise. Kaninang mga bandang three-thirty AM kasi ay tumawag siya sa phone ko at sinabing mag-ready na ako dahil gusto niya raw maabutan namin ang sunrise. Ayon kasi sa report, 5:47 AM ang sunrise.


BHS#1: Better that we BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon