"Hindi ako aalis dito," mahina ngunit mariin ang bawat salitang binitiwan nya.

Lumapit naman sa mga sandaling iyon si Major General Orlando Vera, a two-star military officer, along with his only daughter, Serafica. "I'll take him in, Minerva," pahayag nya na syang ikinagulat ng kausap. "I'll be his legal guardian here."

Matagal ng magkakakilala ang kanilang pamilya, kung tutuusin ay si Orlando Vera ang matalik na kaibigan ng ama ni Levi na si Lester Vincent Andromeda simula pagkabata.

Sumenyas si Minerva na mag-usap sila malayo sa mga bata kaya naman iniwan ni Orlando ang kanyang anak kasama si Levi na nanatiling nakatitig sa mga lapida.

"Orlando, paano mo maaalagaan ang dalawang menor de edad? Mag-isa ka na lang," nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Ngumiti naman ang kausap bago sumagot, "Serafica is my only daughter and she doesn't get along well with other kids. Lalo na noong namatay ang mommy nya two years ago from cardiac arrest, mas naging mailap ito sa mga kaklase nya," pagku-kwento nito.

Tumingin ito sa gawi ng dalawang bata na tila nag-uusap ng mga sandaling iyon at nakita iyon ni Minerva. Tila alam na nya ang nais sabihin ng kanyang kaibigan, "bata pa lamang ay sina Levi at Mavi ang bukod tanging nakakasundo ng anak ko," pagpapaliwanag nito. "If I need to adopt him to be his legal guardian, I'm willing to do so. I will take care of him like my own son."

Habang nag-uusap ang dalawang mayor de edad ay nag-usap rin ang dalawang mga bata sa mga sandaling iyon. Trese años lamang si Rafie ngunit hindi nito hilig magsuot ng mga bestida.

"Kuya, sa amin ka na lang tumira kung ayaw mong sumama kay tita Minerva," mungkahi ng batang si Rafie.

Nanatiling tahimik naman si Levi kaya mas lumapit ang batang babae sa kanya, "di ba sabi mo kapatid rin ang turing mo sa 'kin?"

Unti-unti syang nilingon ni Levi dahil sa narinig. Isang munting ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi at tinapik ang ulo nito. "Oo, kapatid rin ang turing ko sa 'yo."

Ngumiti ng malapad si Rafie ng mga sandaling iyon. Nag-iisang anak lamang sya at noon pa man ay ninais nyang magkaroon ng kapatid, ngunit sa kasamaang palad ay hindi na maaaring mabuntis ang kanyang ina noon dahil sa sakit nito sa puso.

Simula ng araw na iyon ay kapatid na ang naging turingan ng dalawa at ipinangako ni Levi na po-protektahan nya ang bago nyang kapatid sa kahit na anong kapahamakan.

───⊹⊱✫⊰⊹───

Inampon si Levi ng mga Vera ngunit hinayaan syang hindi palitan ang kanyang apelyido kaya Andromeda pa rin ang gamit nya hanggang sa mga sandaling ito.

Napapailing na lamang si Levi dahil sa tinuran ng dalaga. Matagal na rin simula ng makita nya itong tumatawa kaya naman hinayaan na lamang nya at iyon ang naabutang eksena ni Sky pagkapasok nya sa kanilang opisina.

"Wow, Ms. Rafie! Mas maganda ka nga talaga kapag tumatawa."

"May death wish ka ba?" tanong ng dalaga at ibinalik nito ang pagkaseryoso ng kanyang mukha. Si Levi naman ngayon ang tumatawa. Alam kasi nitong ayaw na ayaw ng dalagang sinasabihan syang maganda dahil para sa kanya, ang depinisyon ng maganda ay kakambal ng pagiging maarte.

Napakamot ng batok si Sky dahil sa tinuran ni Rafie. Nasasanay na rin ito sa ugali ng dalaga, "sya nga pala, may dumating para sa inyo," inilahad nya ang tatlong puting envelope na nakapangalan sa kanila - dalawa kay Rafie at isa naman ang kay Levi.

Tinanggap iyon ng dalawa. Napatitig si Levi sa orasan at nakitang lunch break na.

"An invitation to attend The Annual World Peace Treaty?" pagbabasa ni Rafie sa natanggap nya at naguguluhan nitong tinitigan si Levi habang ipinapakita ang pormal na imbitasyon mula sa kaharian ng Qarzech kung saan gaganapin iyon.

The RebelsWhere stories live. Discover now