Chapter One

6K 163 0
                                    

Chapter One
-

"... Gusto kong magkaanak." seryosong sabi ko sa mga kaibigan ko pero tinawanan lang nila ko. Abaaa.

"Hahahahahaha. Grabe Mamshie, alam mo namang di ka pwedeng mabuntis..  aga aga nagjojoke ka." natatawang sabi ni Buern at uminom ng kape niya.

"Seryoso ko noh. Gusto ko talagang magkaanak." sabi ko at napabuntong hininga. Tinignan naman nila ko na halatang nagulat.

"T-t-teka.. Teka. Nabibingi ba kami?" nagugulahang tanong ni Archie.

"Naglinis naman ako ng tenga kahapon." sabi ni Russ sa kanila habang nagtitinginan sila.

"Bakit ba ayaw niyong maniwala? Kaloka kayo." irita kong sabi sa kanila. Ayaw kasi maniwala eh.

"Wala na." singit ni Bernard kaya nakatanggap siya ng batok mula kay Buern.

"So, chuchurva ka ng merlat?" gulat na tanong ni Archie. Nabilaukan naman ako sa sinabi niya. Ako? Chuchurva ng babae? No way!

"Kabahan ka nga Arsenio! Never kong gagawin yan noh! As in NEVER!" pagtanggi ko sabay irap sa kanya.

"Eh? Paano? Mag-aampon ka?" tanong naman ni Buern.

"Hindi, gusto ko kasi dugo ko ang nananalantay sa katawan niya." seryoso kong sabi sa kanya.

"Edi chuchurva ka nga." patango tango pang sabi ni Russ.

"No. No. Ayoko ng natural way kung pwede naman sa ibang paraan..." sabi ko sa kanila.

"Ehh, anong paraan naman yan?" sabay sabay na tanong nila.

"Insemination."

-,-,-,-,-,-

".. Your Mom's body always rejects the therapy. We should do the operation as soon as possible, Ms. Tatlonghari." seryosong sabi ng Doctor sa akin.

"M-magkano naman po ang aabutin ng operasyon, Doc?" tanong ko sa kanya.

"I think, you should prepare atleast 80,000. Your mom really needs the operation before it gets worse." pagpapaliwanag ng doctor. 

"S-sige po, Doc. Salamat po." sabi ko nalang sa Doctor.

"Okay. I should go. Just call me if you need something." pagpapaalala ng doctor at tumango nalang ako. Pagkalabas ng Doctor ay naupo ako sa upuang katabi ng hospital bed ni Mama.

Saan ako kukuha ng napakalaking perang yun? Mahirap lang kami. Kulang yung kinikita ko sa Resto Bar para sa pambayad sa operasyon.

Hinawakan ko ang kamay ni Mama at di ko namalayang umiiyak na pala ko.

Bakit kasi siya pa? Pwede namang ako nalang ang nahihirapan. Stage 3 na ang Lung Cancer ni Mama. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Bruh?" pagtawag sakin ni Vhong. Napatingin naman ako sa kanya. Lumapit siya sakin at hinila ang isang bangko katabi ko.

"How's Tita Z?" tanong niya sakin.

"Hindi na tinatanggap ng katawan ni Mama yung mga tinuturok sa kanya... K-kailangan niya nang operahan para masalba ang buhay niya. K-kailangan ko maghanda ng 80,000... Kahit yata kumayod ako ng bente kwatro oras. Hindi ako makakaipon ng ganoong kalaking pera..." sagot ko sa kanya habang tuloy tuloy ang agos ng luha sa pisngi ko. Hinagod naman ni Vhong ang likod ko.

"Don't worry, papahiramin kita ng pera, Bruh.. Nandito lang kami ni Anne ha.." pagcomfort sakin ni Vhong.

"Salamat, Bruh."

-,-,-,-

"Sorry, Brad! Ngayon lang ako, pumunta pa kasi ako ng ospital." hinihingal na sabi ni Vhong kay Vice.

"Oh? Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Vice pabalik.

"Wala naman. Pinuntahan ko lang yung kaibigan ko." sagot ni Vhong dito at umupo sa single sofa. "Teka, bakit mo ba ko pinapunta dito?"

"Kailangan ko ng tulong.."

"Para saan?"

"Kailangan ko ng babaeng pwedeng maging nanay ng magiging anak ko." seryosong sabi ni Vice na ikinagulat ni Vhong.

"T-teka? Teka.. Brad.. Anong pinagsasasabi mo?" takang tanong ni Vhong dito.

"Gusto ko lang naman magkaanak."

"Ha? Pero diba, diring diri ka pa nga sa babae eh. Tapos may balak kang makipagse-----"

"Bunganga mo ang baboy Vhong! Hindi ko naman gagawin yun sa natural na paraan. Kaloka!"

"Pano naman aber?"

"May napanuod kasi akong Series sa TV. Meron naman palang Insemimation process."

"Anong magiging kapalit kapag may pumayag kung saka-sakali na maging nanay ng anak mo?"

"1 Million Pesos.." seryosong sagot ni Vice. "Ano? May kilala ka ba?"

"O-one Million?" gulat na tanong ni Vhong.

"Oo.. Ano? Tulungan mo naman ako. Gusto ko kasi yung magiging nanay at magdadala sa anak ko ay kahit man lang kakilala o kaclose mo. Alam mo namang wala akong kaibigang babae bukod kay Anne."

Napaisip naman si Vhong at naalala si Karylle na nangangailangan nga ng pera pangpaopera sa nanay niya.

"MERON! May kilala ako. Nangangailangan din siya ng pera ngayon kaya for sure, papayag yun!"

Wanted: Mother For The Gay's Baby ||VICERYLLE|| (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon