Chapter 49

3.4K 119 6
                                    

Posible nga bang magustuhan ko agad siya ng ganon kabilis?Pero sigurado ako sa nararamdaman kong mahal ko pa rin si Nate.

Hinayaan ko lang siyang magpahinga sa balikat ko,di niya pa rin bininmbitawan ang kamay ko.Sa bawat araw na lumilipas na kasama ko si Luke mas lalo akong nagiging komportable sa kanya.Wala kaming dull moments dahil lagi siyang masaya at magaan kasama.

Napalingon ako sa kanya ng gumalaw ang ulo niya.Nakangiti siyang tumingin sakin,nakakatunaw ang tingin niya.

"Thanks Yna."kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"For what?"

"Lets eat."di niya na ako sinagot bagkus ay tumayo na siya saka inabot ang kamay sakin.Tinulungan niya akong tumayo saka kinuha ang mga gamit na dala ko.Nakakatuwa talaga siyang kasama,siguro kung siya lang ang mahal ko wala ng dahilan para masaktan pa ako.

Dumiretso na kami sa canteen saka naupo sa paborito nilang pwesto ng barkada.Wala naman sila doon.Nagpaalam siyang oorder ng pagkain namin saka ako iniwan sa upuan.Pinagmamasdan ko lang siya habang nasa pila siya ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

Agad akong tumayo saka lumapit sa kanya para magpaalam.Dumiretso na ako sa CR saka ginawa ang pakay ko,lalabas na sana ako ng cubicle ng makarinig ako ng tinig mula sa labas.

"Really?Babalik na talaga siya?"

"Oo girl,confirm.Babalik daw si Bianca to have Nathaniel again."kusa akong natigilan sa narinig ko.Si Nate bang pinag-uusapan nila?Pero sino sino si Bianca?

"She's still a bitch as always."

"But admit it,bagay na bagay sila ni Nathaniel."

"Kung di siguro umalis si Bianca papuntang US sila pa rin until now."kinakabahan ako sa naririnig ko,di ako sigurado pero parang malakas ang kutob ko na si Nate ang pinag-uusapan nila.

Napako lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa marinig ko silang naglakad papalabas ng CR.Agad akong lumabas ng cubicle saka tumingin sa sariling reflection sa salamin.Lutang lang ang isip ko.Sino si Bianca?Never kong narinig ang name niya mula kina kuya o kahit kay Nate.Baka ibang Nathaniel ang tinutukoy nila,siguro nga.

Inayos kong sarili ko saka bumalik sa pwesto namin ni Luke;nakaupos na siya doon at handa na rin ang pagkain.Nakangiti akong naupo sa tapat niya.

"What took you so long?"bahagya akong natigilan ng magtagpo ang mata namin,agad na lang din ako nag-iwas.

"Ah kasi,madaming tao sa CR.Lets eat."pag-iiba ko nng topic.

Masaya naman kaming kumain.Nakalimutan ko na rin yung narinig ko sa CR dahil mga nakakatawa niyang kwento habang kumakain kami.Ayaw niya magpaawat sa pagpapatawa.Pinagtitinginan na rin kami ngn mga estudyante,but I just don't gave them damn care.

Kung makikita mo si Luke,di mo aakalaing mahilig pala siya magpatawa.Na kaya niya palang tumawa ng ganito kalakas na para bang wala siyang pakialam sa ibang tao sa paligid niya.

"Ang saya mo ngayon ha."singit ko ng makabawi ako sa pagtawa ko.

"I am always when Im with you."napatitig ako dahil sa sinabi niya habang may kaba akong naramdaman,nakayuko na siya habang abala sa pagkain.Di ko alam pero kusa akong napangiti.

"Ako din Luke."kita kong natigilan siya sa pagkain saka tumingin sakin na para bang may mali sa sinabi ko.Ngumiti naman ako sa kanya.

"Im more than happy to know na masaya ka palanh kasama ako."nakangiti siya ng sabihin niya iyon.

"Masaya ka naman kasi talagang kasama.Im really enjoying your company."

"Next time,love ko naman ang mae-enjoy mo!"naramdaman kong pag-init ng pisnge ko ng ngumiti siya habang nakatingin sa mga mata ko.

Im in Love with my Brother's Best-friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon