Kakapasok ko pa lang ng room ko ng tumunog ang phone ko.
1 message received..
From ???Bigla na lang akong kinabahan,para bang na-excite ako.Matagal na rin ng huli siyang magtxt sakin pero hanggang ngayon sa di ko maintindihang dahilan may impact talaga sakin ang sinumang sender nito.
"Please always take care of yourself.Be always fine!"
Ano bang meron ngayon?Bakit parang lahat ng tao sa paligid ko nag-aalala?Kahit si kuya kinamusta rin ako before siya tumuloy sa room niya.Pakiramdam ko may iba na hindi ko naman alam kung ano.
***Halos isang linggo na din,isang linggo na di ko alam kung bakit parang lahat ng tao sa paligid ko todo bantay sakin.I mean,sanay na naman akong kasama ko sila pero may iba talaga eh.
Si kuya hindi ako iniiwan sa bahay para pumasok hanggang masiguro niyang susunduin ako ni Luke,ganon tuwing uwian.Si Luke naman sobrang alaga at sweet na.Alam ko naman dati na siyang ganito pero this time,para bang nadoble at di ko alam kung bakit.Nakakapagtaka rin na madalas dumalaw sina Jordan at Gino sa klase ko na di naman nila ginagawa dati.
Pakiramdam ko may nangyayaring di ko alam kung ano.Tinuturing nila akong parang bata na ayaw nilang mawala.Di ko itatatnggi,masaya ako sa lahat ng atensyon na binibigau nila dahil malaki ang natutulong non para makalimutan ko siya..si Nate.
Kahit nga siya may iba din.Kung dati di ko siya nakikita sa paligid ko,this past few days madalas ko siyang matanaw sa malayo na para bang nakatingin sakin tuwing wala akong kasama.
Pero sa kabila ng mga nangyayari di ko na rin naisip na magtanong sa kanila.Di ko na rin sinabi pa sa kanila ang tungkol sa patay na dagang nakita ko sa locker ko dahil baka lalo lang silang mag-alala sakin.Parepareho pa naman kaming mga busy na rin sa mga activities and requirements sa school.
Di ako nagrereklamo sa klase ng atensyon na binibigay nila sakin..ngayon pa lang.Pakiramdam ko kasi nakakabigat na ako sa kanila.
"Ok nga lang kasi ako kuya!I can handle myself."di ko na naitago ang inis sa boses ko.Pinipilit kasi nilang ihahatid muna ako ni Luke saka siya susunod sa practice ng band nila.Ayaw ko namang makaabala ng ganito sa kahit na sino,lalo pa nga't kompleto na silang lima para magpractice.
"Yna,we're just concern about you."kung hindi lang siguro ako naiinis ngayon napangiti na ako ni Luke sa sweetness niya.
"Are you guys trying to make me feel irresponsible?That I cant take care of my own self?"naiinis na talaga ako.Di ko maiwasang mapasulyap sa kanya,tahimik lang siya habang nakatingin sa malayo..Nate!
"Ok fine."he took a deep sigh,"But let me at least get you a taxi."wala na rin akong nagawa ng pumara na siya ng taxi.Para bang kanina pa nakaabang ang taxi kaya agad na may huminto sa tapat namin.
"Txt me when you got home."pahabol pa ni kuya bago ako pagbuksan ng pinto.
"Sure,thanks kuya."bumeso ako sa kanya saka naupo sa back seat ng taxi.Lumapit si kuya sa side ng driver saka sinabi ang address namin,nakita ko pa siyang pinagmasdan ang gilid ng taxi ganon na rin ang harap.Ano kayang ginagawa niya?
"Take care Yna."ngumiti naman ako sa kanya ng isara niyang pintuan sa gilid ko.
"Thanks Luke,ingat din kayo!"kumaway na lang ako sa kanilang lahat ng umandar ng taxi,nahagip pa ng tingin ko si Nate na nakatingin pala sakin.Pinilit kong iwaksi ang kabang naramdaman ko ng magtama ang tingin namin.
Tahimik lang ako sa byahe habang nakatanaw sa labas ng bintana.Di ko alam kung bakit parang di ako mapakali kaya napatingin ako sa rare mirro,bahagya akong nakaramdam ng kaba ng makita kong nakatingin sakin ang driver.Hindi naman masama ang tingin niya pero di ko mapigilang ma-conscious dahil maya't maya niya na ata akong tinitignan.Binaling ko na lang ang pansin sa daan.
BINABASA MO ANG
Im in Love with my Brother's Best-friend
Teen Fiction"Call me kuya Nate."nakangiting sabi niya sa'kin habang inaayos ang bike ko. "How many times do I have to tell you,na ayaw kita maging kuya?"inis na inis kong sabi sa kanya habang pumapadyak pa ang paa. "Why?Ayaw mo ba maging kapatid ko?Ayaw mo ba s...