Chapter 35

3.7K 144 17
                                    

Nasapo kong sarili kong bibig dahil sa kagustuhan kong sumigaw.Di ko magawang alisin ang tingin sa kanilang dalawa,at gaya ko tila napako rin sila sa pwesto nila.Kita kong matinding pagkagulat sa muka niya.Hindi ko alam kung paano gagalaw,kung paano aalis.

Pakiramdam ko ilang sandali na lang di na kakayanin ng mga tuhod ko.Sobrang sakit,sakit na halos di na ako makahinga.

Sinikak kong ipunin lahat ng natitirang lakas ko ng makita ko siyang gumalaw.Mabilis siyang lumayo sa babaeng kasama na mukang wala namang pakialam sa nangyayari.Bago pa man siya makababa ng kama niya,mabilis akong tumalikod at lumayo doon.

Di ko alam kung paano ko pa nagawang maglakad sa nararamdaman ko.Isang kamay ang pumigil sa paghakbang ko,gustuhin ko mang kumawala di ko rin magawa.

"Yna..."lalong lumakas ang pagdaloy ng luha ko ng marinig kong tawagin niyang pangalan ko.Di ko siya magawang lingunin,di ko siya kayang kausapin.

"Yna,Im so---"I cut him off.

"I just...I just come here...to ask you...something!"pinilit kong sabihin iyon kahit na nahihirapan na akong huminga dahil na rin sa pag-iyak.Di ko siya nililingon,di niya pa rin pinakakawalan ang kamay ko.

I took a deep sigh and try to calm myself first bago muling nagsalita.Ramdam kong lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"I just want to ask you if it is ok with you that Luke will court me."sinikap kong bawiin ang sariling sa pagkakahawak niya,di naman ako nahirapan dahil kusa ring lumuwag ang kapit niya sakin matapos ko magsalita.

"But you gave me a very obvious answers!"mabilis akong tumakbo palabas ng bahay at bakuran nila.

Hindi ko rin alam kung paano pa ako nakarating dito sa sarili kong kwarto.Binagsak kong sariling katawan sa higaan at doon ibinuhos lahat ng sakit at luhang di ko na kinakaya.Wala na akong pakialam kung magmuka akong batang naagawan ng candy sa lakas ng hagulgol ko.

Ang sakit,sobrang sakit.Bakit kailangan niyang gawin yun?Bakit kailangan ko pang makita iyon?Hindi na lang sana ako nagpunta sa kanila para tanungin pa siya.Sana,di ko hinayaan ang sarili kong maniwala sa lahat ng pinaramdam niya sakin.

Matagal bago napagod ang sarili kong mga mata sa pag-iyak,kaya't pinikit ko lang ang sariling mga mata.
***

*Tok Tok Tok
Ilang mahihinang katok ang gumising sakin,nakatulog na pala ako.Napakabigat ng mga mata ko.

"Bunso...."

Narinig kong boses ni kuya mula sa labas ngunit wala akong lakas para sagutin siya.Inulit niya pang pagkatok sa pintuan ko.

"Bunso papasok ako ha."awtomatiko namang bumuka ang sarili kong bibig sa narinig ko.

"Please don't kuya,I want to rest!"sinikap kong marinig niya iyon,di na naman siya nangulit pa.

Hindi na lang sana ako kinatok ni kuya,hindi sana ako nagising.Mas gugustuhin ko pang matulog dahil di ko nararamdaman ang sakit,kahit sandali lang nawawala lahat ng ito.Kung pwede nga lang na di na ako muli pang gumising.

Di ko napigilan ang muling pagpatak ng luha ko dahil sa naiisip.I've inly love a man,why do I need to feel this kind of pain?Mali bang magmahal?

Muli kong pinikit ang sariling mga mata.Pinilit kong bumalik sa pagtulog,gusto kong makalimutan lahat ng nararamdaman ko ngayon.Alam kong sa pagtulog ko di na mararamdam ang sakit.
***

Nagising ako sa pagtama ng sikat ng araw sa muka ko,mabibigat ang mga mata kong bumangon.Wala akong lakas para pumasok ngayon,wala akong lakas para muli siyang makita.

Im in Love with my Brother's Best-friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon