Chapter 11

5.8K 196 4
                                    

*Flashback
4 years ago...
Nagmamadali akong pumasok sa bahay nila,para tawagin at ayain siyang pumunta sa'min.Bakit kasi unuuwi pa siya,nami-miss ko na agad siya 'pag wala siya samin eh.Nakasalubong ko naman ang isa sa mga katilulong nila.

"Ate Wilma si Nate po?"tanong matapos na makalapit sa kanya.

"Di ko pa siya nakikitang bumaba ineng,tignan mo na lang sa taas."sagot niya habang abala sa pag pagpag ng damit niya na mamutimuti pa.

"Ah sige po,salamat po."nagmamadali naman akong pumanhik sa itaas ng bahay nila.Una kong sinilip ang mini library nila na bahagya pang nakabukas ang pinto,inilibot kong paningin ko mula sa pagkakasilip sa pintuan.Ng walang makitang Nate sa loob ay natuon ang pansin ko sa verandang nasa dulo ng bahay nila.Agad akong lumapit dito,di pa man ako nakakalabas ng ganap sa pintuan ng mahagip siya ng mata ko.Payapa siyang nakapikit habang nakasandal ang ulo sa upuan.

Tulog kaya siya?Maingat akong lumapit sa kanya...kinakabahan ako sa bawat hakbang na ginagawa ko.Sinikap kong di gumawa ng ingay habang nauupo ako sa katapat niyang silya.Ang payapa ng muka niya,nasapo ko ang dibdib ko dahil sa pahbilis ng tibok ng puso ko na pakiramdam ko pwede sumabong kahit anong oras.Rinig na rinig kong tibok ng puso ko habang oinagmamasdan siya.

Mahaba ang pilik mata niya at matangos ang maliit na ilong.Kahit nakapikit siya di ko itatangging siya ang pinaka gwapong lalaking nakita.Nadako sa manipis at mapula niyang labi ang tingin ko ng bahagya itong kumibot.Agad akong napahawak sa bibig ko sa pag-aakalang magigising siya pero hindi siya nagmulat ng mata.

Maingat akong tumayo at dahan-dahang humakbang papalapit sa kanya.Sandali ko pang pinagmasdan ang muka niya partikular ng labi niya.Tila may nagsasabi saking halikan ko siya...lunok...halik?Kusang lumakas ang tibok ng puso ko sa huling naisip.Yumuko ako ukang itapat ang muka ko sa kanya,maa gwapo siya sa ganitong kalapit.Kusang pumikit ang mga mata ko,at ilang sigundo lang...naramdaman kong paglapat ng labi ko sa labi niya.
*End of Flashback

Napahawak ako sa labi ko habang nakahiga sa kama ko,di pa rin nagbabago ang saya sa puso ko sa tuwing naalala ko iyon.He's my first kiss...and my second!Tila nararamdaman ko pang labi niya sakin.

*Tol Tok Tok
Ilang katok sa pinto ang humila sakin sa malalim na pag-iisip

"Are you ready?"tanong ni kuya mula sa may pintuan na di na ginawang pumasok.Di ko siya nilingon bagkus ay nakatitig lang ako sa kisame.

"Baba na din ako kuya."tinatamad kong sagot saka siya walang kibong umalis na.

Ngayon ang 1st day of school namin.Ilang araw na mula ng mangyari ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay.Pamula ng gabing hinalikan ko siya di ko pa siya ulit nakikita dito sa bahay,kahit minsan sinisilip ko siya sa bintana niyang katapat ng sakin di ko siya nakikita man lang.Umiiwas ba siya sakin?Gising ba siya ng mangyari yun?Alam niya bang ginawa ko?...sigh...

Tinatamad akong bumangon sa pagkakahiga ko saka tumayo.Hinila ko munang sling bag ko na malapit lang sakin saka humakbang papalabas ng room ko.

Makita ko kaya siya sa unang araw ko sa university nila?
***

Kasalukuyan kaming nagba-byahe ni kuya papunta sa school,gladly pareho kami ng time of first and last class kaya sinabay niya na ako.Kuya and I have our own car but he insisted to give me ride,just for this day.

"Bunso..."basag niya sa katahimikan,mula sa bintana ay nilipat kong tingin ko sa kanya,"...di mo kami madalas makikita inside the university dahil nga magkaiba tayo ng year.But if you need anything just let me know,you have my schedule right?"malambing niyang sabi sakin,kuya ko talaga sobrang protective.Napaka swerte ng babaeng mamahin niya.

Im in Love with my Brother's Best-friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon