Chapter 23

4.3K 176 3
                                    

Wala kaming klase pero dahil maaga pa para sa lunch marami pa ring students dito sa room.Tinatamad rin akong lumabas,naiinip naman ako.Magbabasa na lang siguro ako.Inilabas kong isang libro sa bag ko,isa siyang kilalang story sa watt pat na na-published kamakailan.Mahilig rin ako magbasa kung wala akong ginagawa,naiisip ko kasi,buti pa sa kwento may happy ending!

Sinimulan kong magbuklat at magbasa,di nagtagal nawala ang ingay at tao sa paligid ko dahil natuon ng lahat ng pansin ko sa pagbabasa.Abala na ako sa ginagawa ko ng...isang kamay buhat sa kanang likod ko ang humawak ng librong binabasa ko.

Ipinatong niyang ulo niya sa kaliwang balikat ko.He makes me stiff.Di ko man siya lingunin dahil sa nakadikit ng pisnge niya sakin,di ako pwede magkamali.Isang tao lang ang nakakapagparamdam sakin ng ganito.Ganitong klase ng kaba at excitement.

Kapwa kami di kumikilos sa loob ng ilang minuto at nanatili lang sa ganoong posisyon.

"What are you reading?"malambing niyang tanong,na lalong ikinaurong ng dila ko.

Ramdam kong katawan niya sa likuran ko,di nalalayo sa back hug ang ginagawa niya.

"Hey,are you mad at me?"untag niya ng di ako kumibo.Nanatili akong tahimik saka binitawan ang librong ngayo'y hawak niya pa rin.

Binawi niyang kamay niya sabay ng pagbawi sa ulong nasa balikat ko.Magsisisi pa sana ako sa inakto ng maramdaman kong pagpihit niya sa upuan ko paharap sa kanya.

Yumuko lang ako ng magkaharap na kami.Maingat niyang hinawakan ang baba ko saka itinaas yun.

"Im sorry!"mahina at puno ng paglalambing na sabi niya,sinalubong niyang mga tingin ko.

"Nate..."hinawakan niyang isang kamay ko ng di binibitawan ang baba ko.

"Sorry for being so stupid!"naiiyak ako,pakiramdam ko tutulo ng mga luha ko anumang oras.

"That picture...its not---"he cut me off.

"I know.Charles told me,and Im very sorry for acting so stubborn."hinaplos niyang pisnge ko sabay ng bahagyang pagpisil sa isang kamay ko.

Wala akong nagawa kundi ang tumango sa kanya ng bigyan niya ako ng isang ngiti,ngiti na bubura sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"So,wanna eat?"aya niya matapos bitawan ang baba ko.Tumango na lamang ako sa kanya at nagpatianod ng hilahin niya na ako patayo at palabas ng room.
***

"Ba-bakit mo ko nilapitan?"mahinang tanong ko sa kanya.

Dito kami sa cafeteria,naisipan niyang kumain kami dahil daw di pa siya nabe-breakfast.Pero mukang ako ata balak niya busugin sa dami ng binili niya.Medyo marami na ring tao dito.

"Bakit?Ayaw mo ba?"nagulat ako sa naging sagot niya,tinignan ko siyang seryosong kumakain lang.

"Hindi naman,diba---"

"Mas gusto mo ba kasama si Gino?"di siya tumitigil sa pagkain,seryoso ang tinig niya.

"Ha-ha?Si Gino?"

"I saw you with him."di ko alam pero kusa akong napangiti sa naisip ko.

"Are you jealous?"pang-aasar ko sa kanya,halos mataranta naman siya sa pag-inom ng tubig ng mabulunan siya.

Ilang beses pang pag-inom ang ginawa niya saka tumingin sa malayo.

"Ako,magseselos?"tanggi niya na lalo kong kinangiti.

"Bakit,hindi ba?"pang-aasar ko pa.Halos di naman matigil sa pag-iling ang ginawa niya bilang sagot.

Di sinasadyang napatingin ako sa piligid,and I saw him.Sandali kong sinulyapan ang kasama ko at ngumiti,saka bumaling sa lalaking nakita ko.

Im in Love with my Brother's Best-friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon