Part One

18 0 0
                                    

"Pero 'di ako bitter sa sinabi mong forever....
...Dahil better kung wala ka na"

Nakikisabay ako sa kantang "The Bitter Song".

Nabi'bwesit ako sa kantang 'yan.

Umiiyak ako, oo dahil nasasaktan ako.

***
From: Babe
Sorry but we're done.
***

Paulit-ulit kong binabasa ang text ni Carl sakin.

"Gago ka Carl! Kung di mo sana binuntis yung bruhang 'yun!"

Tanga niya rin no!
Syempre we're done!
Alang naman tayo pa eh, sinunggab mo na yung babaeng 'yun !

"Letche ka Carl! Ibibigay ko naman sayo tong pinakakaingatan ko! Bat sa kanya pa?!"

It's been 1 month ng iwan ako ni Carl dahil sa babaeng 'yun.

At one month na rin tong message na to'ng paulit'ulit kong binabasa.

Ganito na ba ako ka malas?

Lahat na lang ng mahal ko, iniiwan ako?

May saysay pa ba to'ng buhay ko?

Bumangon ako sa kakahiga at kinuha ko ang box na nasa ilalim ng kama ko.
Andito lahat ng memories namin ni Carl.

Bumaba ako at pumuntang likod ng bahay namin.

Sinunog ko.

Sinunog ko lahat ng anong meron ako kay Carl.

Ito na naman, ang sakit sakit.

Bumalik ako sa room ko at nag'ayos ng gamit ng malaglag ang I.D ko.

Kaijoan N. Delara
17 years old.

Ang ganda ko dito ah.
Kaylan kaya mababalik ang ngiti ko'ng 'to?

10 years na 'nung iniwan kami ng mama ko at 6 months ng patay ang dad ko.

Patay na siya. Heart Attack.

Minsan nga, naisip ko. Maglaslas nalang kaya ako?

Pero hindi pwede eh, may mga pangarap pa ako.

Pangarap namin ni Daddy.

"Dad? San kana ngayon? Ang daya mo naman! Bat mo ko iniwan?"
At di ko na mapigila'ng umiyak.

At di ko rin namalayang nakatulog na ako.

- - -

"Hoy, bat ka naman umiiyak? Ang panget mo, alam mo 'yun?"

Ha?
Lumingon ako sa gilid ko at nakita ang isang anghel.

Oo, anghel talaga.
Napakaamo ng mukha.
Ang sarap ng ngiti, nakakahawa.
At - at basta... May something sa aura niya na mahirap tanggihan?

"Sino ka naman?"
Alam kong panaginip lang 'to at hindi to totoo.

Paano ko nalaman?

Haler! Blur kaya yung mukha niya at saka, nasa sala kami eh.
Nasa kwarto kaya ako kanina.

So ano? Nagteleport ako? Ganun?

"Ako nga pala si Carlo"
Nakangiti niyang sagot sakin.

Wow ha. Carl din?

"Oh, eh anong ginagawa mo dito sa bahay ko?"
Trespassing to ah.

"Ah, ano kasi. Narinig kasi kitang umiiyak. Bat ka ba umiiyak?" Hindi ba sumasakit ang panga nito kakangiti?

"Ah, ano kasi namatay yung- - yung pusa ko."
Takte, chismoso to ah.

"Grabe naman. Talagang mahal na mahal mo yung pusa mo."
I just smirked.

"Kaya ka iniwan."
Napatingin ako sa kanya.

Kaya iniiwan kasi sobrang mahal mo?
Grabe kalokohan ah.

Nagaalanganin akong sabihin ngunit sinabe ko pa rin sa kanya.

Wala namang mawawala.
Isa pa, panaginip lang naman to.

At pangalawa pa, I feel comfortable kasama siya.

"So, ikaw nalang mag'isa dito sa bahay niyo?"
Tanong niya sakin habang nilibot niyang tingnan ang bahay namin.

"Ganun na nga."

"Pero, alam mo asdfghjklzxcvbnnm

Unti unti siyang nawawala sa paningin ko habang minumulat ko ang mata ko.

I blinked

I blink again.

"Carlo."
And I smiled.

SweetdreamsWhere stories live. Discover now