Chapter 6

46 2 1
                                    

"Destiny!!!" sigaw ng dalawa.

Alam ko na agad na ganito ang magiging reaksyon nila kapag kinuwento ko na sa kanila ang mga nangyari... at hindi nga ako nag kamali.

"Justin is so simple. Akala ko pa naman ang pangalan niya ay yung mga tipo na mahirap bigkasin." sambit ni Joan.

"Ang malas mo naman. Bakit kaya hindi sinabi ng girlfriend ang buong pangalan?" hinimas pa ni Chelle ang kanyang baba na para bang nag iisip talaga.

"Baka kasi natunugan ni Kloe na you like her boyfriend!" tawa ni Joan.

Inirapan ko nalang silang dalawa. Puro kalokohan lang yata ang nasa isip nila.

"Ang iingay ninyo. Bakit hindi niyo nalang kaya ako tulungang alamin ang aplido niya." supladang sabi ko sa kanila.

Ayoko sanang humingi ng tulong. I don't want to look so desperate pero they are my friends. Bakit kailangang mag lihim pako sakanila, right?

"Alam ko na kung pano malalaman!" sigaw ni Chelle.

"How?" sabay pa naming tanong ni Joan.

"Ano ulit ang apelyido niya?"

"Martinez. Kloe Martinez. Why?"

"Wait and you'll see."

"Make sure you'll find it or else im gonna kill you!" saad ni Joan ng patawa.

Hindi na ako nag salita. Kinuha niya ang kanyang telepono.

Pag kayari ng isang minuto ay nag angat siya ng tingin.

"I found him!" she smiled.

"What?! Paano?! Hindi mo nga alam kung ano itsura!" tanong ni Joan.

"Hinanap ko siya kay Kloe. Ang talino ko diba?" she smirked.

"Yabang! Patingin!" inunahan pa ako ni Joan tumingin. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

WTH?! Bakit naman ako kinakabahan?!

"OMG. His surname is Suarez. Dapat ay simulan mo na siyang i-stalk." tawa ni Joan.

"What?! I just wanted to know his surname not to stalk him!" umirap ako.

"Lokohin mo lelang mo!" sabi ni Joan at inirapan din ako. Kung may makakasabay sa pagiging maldita ako ay si Joan nayon.

"Mom texted me. Pinapauwi nako." singit ni Chelle.

"What? Why?"

"Hindi ko alam. Mauna na ako sayo Joan. Frin, galingan mo ang pag stalk ha?" ngumiti pa siya.

"Whatever Chelle."

"Wait, sabay nako sayo Chelle. Bye Frin, kaya mo yan! Pindutin ang Add! Wag ng ma pride!" tumawa ng malakas si Joan.

Pati si Chelle ay nakitawa na. Tumawa nalang din ako at umalis na sila.

Kanina pa sila andito sa bahay namin. Pag kayari ko kasi silang i-text na nameet ko na si Justin ay bigla bigla nalang silang lumitaw sa bahay ko.

Dumaan ang sabado't linggo na wala akong ginawa kundi ang mag aral. Hindi ko parin tinitingnan ang facebook ni Justin dahil ayokong mag karoon ng abala sa pag aaral kahit na kating kati na akong tingnan ito. Siguro ay mamaya nalang dahil maaga namang matatapos ang exam ko. Dalawang subject lang kasi ang it-take ko ngayong araw.

I am still waiting for Ronne to text me. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit hindi parin siya nag t-text. Naisip kong baka galit siya o nag tatampo pero hindi ako naniniwala. Hindi pa yata siya nagalit sakin o nag tampo kahit kailan. So I doubt na galit yon sakin. At isa pa bakit naman siya magagalit? Wala naman akong ginawa. Baka busy lang talaga siya.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Apr 26, 2016 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

ForeverOnde histórias criam vida. Descubra agora