Chapter 2

51 2 0
                                    

"Ate!!!"

Naingit ako sa lakas ng sigaw ng kapatid ko kasabay ng kanyang pag katok. Hindi pala katok dahil halos gibain na niya ang pintuan ko.

"Shervin pwede ba?! Sabado ngayon hayaan mo akong matulog pa!"

Sumigaw ako pabalik pero hindi parin niya ako tinigilan.

"Ano?!"

"Ate pwede mo ba akong samahan sa mall ngayon?"

"Mall?! May bukas na bang mall ng ganito ka aga?!!"

"Hindi ko naman sinabing ngayon ate. Mamaya syempre"

Napa irap ako. Mamaya pa naman pero sinira niya ang tulog ko! Bakit bako napapaligiran ng mga taong ganito.

"Ate wag kang masyadong high blood! Ikaw din bahala ka baka pumanget ka!"

Sigaw niya habang tumatawa.

"Ate bakit hindi nalang ikaw ang mag drive kaya mo naman ah?"

"Wala ako sa mood"

Hindi na siya sumagot at naglaro nalang ulit sa kanyang cellphone.

Bakit ba ako nag karoon ng makulit na kapatid?

Sana namana nalang niya sakin ang pagiging tahimik.

"Ate you're free na. You can leave me here."

"What?! No way!"

"Bu-"

"No buts."

Daig pa niya babae sa pag irap na ginawa niya.

Maybe ginamit lang niya ako para payagan siyang pumunta ng mall. And I won't leave him here alone! He's just 12.

Sinundan ko lang kung san siya pumunta at hindi na ako nagulat kung saan.

Ofc, he came here to play.

Nahirapan pa akong humanap ng mauupuan dahil masyadong madaming tao.

Tumingin tingin ako sa paligid. Karamihan ng mga nandito ngayon ay mga lalaki.

Nagtagal ang paningin ko sa lalaking nasa basketball area. Well hindi ko alam kung anong tawag don because hindi naman talaga ako pumupunta sa mga ganitong lugar ng mall.

I noticed everyone was watching him.

Walang pumapalya sa mga shoot niya. Damn he's a good shooter!

I was waiting for him to turn around. I didn't know why but I felt that I needed to see his face!

What the hell is happening to me?!

Napasinghap ako ng humarap siya.

Ang gwapo niya!

Napansin kong parang kinikilig ang mga babae sa gilid ko. Well hindi ko sila masisi! He is so damn handsome... and hot!

Narinig ko ang pagkagulat ng mga babae sa aking tabi ng lumapit ang lalaki sa isang babae nakaupo hindi kalayuan sakin.

He kissed the girl in her hair! Sweet!

Tumingin ako sa mga babaeng kaninang kinikilig sa kanya. Lugi! Lugi ang nakapinta sa mga muka nila.

Nakaramdam din ako ng konting panghihinayang.

"Ang ganda nung babae!"

"Hindi naman maputi lang!"

"Maganda kaya! Bitter ka lang hmp!"

Napangiti nalang ako sa bulungan ng mga nasa tabi ko.

I looked at the girl. She's pretty but im prettier!

Natawa nalang ako sa naisip ko. Kelan pa ako naging mayabang or should I say mahangin?

"Ate muka kang tanga"

Napatigil ako sa pag iisip ng kung ano ano dahil sa biglang pag sulpot ng kapatid ko.

Panandaliang nawala ang atensyon ko sa kaninang magkasintahan kaya agad agad kong binalik ang tingin sakanila ngunit wala na akong nakita.

Syempre umalis na sila.

"Ate okay ka lang ba?

"Huh? Oo naman. Bilisan mo nalang mag laro. I wanna go home"

Hindi ko alam pero naisip ko na sana malaman ko ang kahit na pangalan niya lang.

Pero syempre nababaliw na ako. Hindi ko malalaman at baka nga hindi ko na sila makita ulit.

At kung makikita ko sila siguradong hindi na sila.

What?! Muka akong bitter! Kelan pako naging manghuhula?

Hinihiling ko lang sa lahat ng bituin na sana pag nag tagpo ang landas namin ay hiwalay na sila.

Kung nababasa lang nila ang iniisip ko. Baka sabihin nila na ang sama ko. O kaya na nababaliw nako.

"Ate uwi na tayo"

Finally. Gustong gusto ko ng matulog. Sinisigurado kong hindi na mauulit ang ganito pero still im thankful. Kung hindi lang dahil sa kapatid ko ay baka hindi ako nag karoon ng pagkakataon na makita yung lalaki kanina.

"Ate!!!!!!"

Naalimpungatan ako sa katok ni Shervin.

Ano na naman ba?!! Sabado ba ulit ngayon at aayain na naman niya ako mag mall?!

"Ate bahala ka ma l-late ka"

Napaupo ako agad sa kama.

Sht! Monday na naman nga pala! Bakit ba ang bilis bilis ng panahon!

"O bat nakasimangot ka ang aga aga?"

Tanong ni Chelle pag karating ko sa classroom. English ang subj namin ngayon and classmate ko siya rito.

"O bat hindi ka na umiiyak ngayon?"

Inirapan niya lang ako. Alam kong naramdaman niya ang pagka sarcastic ko.

"You're so mean!"

"No I'm not!"

"Yeah right!"

"So what happened? Moved on na? That was fast ha!"

"Hindi naman kasi pwedeng umiyak ako forever. Diba sabi mo walang forever?"

Natawa pa siya sa sinabi niya.

"Oo nga. Pero forever tanga meron"

"Ano? Hindi naman ako tanga bwisit ka Frina!"

"What? Wala naman akong sinabing ikaw ah"

"Im not that stupid!"

Ako naman ang natawa sa sinabi niya.

Masaya naman ako dahil hindi na siya mukang wasted. Hindi naman din kasi worth it yung iniyakan niya. Nasayang lang luha niya sa lalaking walang kwenta.

"Where's Joan?"

Pag iiba ko ng usapan.

"Mamaya pa ang klase niya"

Nakalimutan ko na naman! Makakalimutin talaga ako.

"Ay oo nga pala. Nakalimutan ko"

"Lagi naman. Wala ng bago dun uy"

Sasagot na sana ako pero nahagip ng mata ko yung lalaki sa mall kahapon!

Hindi ako pwedeng mag kamali! Siya yon!

Paanong dito siya nag aaral? Bakit ngayon ko lang siya nakita dito sa school?!

Kailangan ko siya ulit makita!

Hindi ko inaasahan na makikita ko siya agad.

Damn! Hindi na yata maalis ang ngiti ko hanggang mamaya!

ForeverWhere stories live. Discover now