Chapter 4

61 3 0
                                    

"Ang kapal ng muka ng pinsan mo Frina!"

Kanina pa siya ganyan. Nag kita kasi sila ni Ronne kanina nang ihatid niya ako sa school.

Hindi ko alam kung bakit naging makapal ang muka ni Ronne dahil tinanong lang naman siya nito kung kamusta na siya.

"Kumalma ka Joan. You're overreacting!"

"Bakit ba kasi kailangan pang kausapin niya ako?! Hindi ba pwedeng mag panggap siyang hindi ako nakikita?"

"Kung umasta ka para namang naging kayo." napailing ako ng tingnan niya ako ng masama.

What? Im just telling the truth.

"Mag pinsan nga kayo! Pareho kayong walang pakielam sa feelings ko!"

Nag walk out siya. Wala naman akong sinabing mali.

Hindi ko nalang siya pinansin. I know her, she's not mad. Minsan oa lang talaga.

"Miss Lopez, pwede mo bang puntahan si Mr. Berde sa faculty at ibigay ito sakanya?"

"Yes Ma'am"

Umalis na ako upang pumunta ng faculty.

Bakit naman sa dami daming pwedeng utusan ako pa ang napili ni Ma'am?

Kumatok ako at binuksan ang pintuan.

"Pwede po ba kay Mr. Berde?" tanong ko sa babaeng naka suot ng uniform ng I.T. Siguro ay nag d-duty lang siya dito.

Sandaling tumayo ang babae at pag dating niya ay kasama na niya si Mr. Berde.

"Good Afternoon Sir. Pinapabigay po ni Mrs. Tiamzon"

Kinuha lang niya ang folder at nag pasalamat at umalis na.

Tiningnan ko ang relo ko. Alas dos na ng hapon at may pasok pa ako sa Accounting.

Kahit na tamad na tamad akong pumasok ay hindi pwede. Kailangan kong pumasa para hindi mapalitan ang kursong kinukuha ko. Kahit sobrang hirap ng Accountancy ay ayoko naman itong isuko.

Binilisan ko nalang ang lakad ko dahil siguradong late na ako.

Ang layo ng faculty sa room namin. Hindi ko naman pwedeng tanggihan si Mrs. Tiamzon.

Nang makarating ako sa room ay hindi na ako nag dalawang isip na buksan agad ang pinto.

Hihingi na sana ako ng paumanhin ng bumungad sakin ang isang walang lamang classroom.

"Walang klase?"

Pumasok ako sa loob ng classroom at nakita ang isang papel na nakadikit sa pisara na may nakasulat na walang pasok ngayon.

Ano naman kaya ang gagawin ko? Mamayang alas singko pa ng hapon ang susunod kong klase.

Siguro aayain ko nalang kumain si Chelle. Hindi ko siya masyadong nakakasama nitong mga nakaraang araw. Palagi siyang MIA.

Ano naman kaya ang pinag kakaabalahan ng babae nayon?

I searched for my phone. I was about to ask Chelle kung asan ba siya ng biglang tumawag si mama sakin.

Ano naman kaya ang kailangan niya?

"Ma, bakit?"

"Where the hell are you Frina Lopez?!"

"Ma bakit ba nakasigaw ka? Nasa school ako."

"Your brother needs you! Puntahan mo siya sa school niya ngayon din!"

Bago pako makaalma at makapag tanong kung bakit ay binabaan na niya ako.

She's always like that. It's kinda irritating but what can I do? She's my mom.

ForeverWhere stories live. Discover now