Chapter 5

43 3 0
                                    

"Wait, someone's calling."

Lumayo ang babaeng baliw para sagutin ang tumatawag sakanya.

"Excuse me miss, ano ba talaga ang nangyari?"

Nilapitan ako ng girlfriend niya. I had the chance to see her face clearer.

She is perfect. I think this girl has no flaws. Her eyes will make you like her.

"Piningot niya ang kapatid ko dahil natapunan siya ng iniinom niya. Sa tutuo lang wala namang kasalanan ang kapatid ko. Nagdala dala kasi siya ng inumin sa loob ng timezone." Pinilit kong mag salita ng normal at medyo iritado pa sa nangyari. Pero ang tutuo ay pinag papawisan na ang kamay ko sa sobrang kaba.

I know he's looking at me. Ofc. San pa nga ba siya titingin eh nag kukwento ako.

"Im really sorry. Ako na ang humihingi ng paumanhin sa kapatid ko. She's a spoiled brat." mahinahon niyang sabi.

Her voice is sweet. Para bang hindi niya kaya sumigaw at magalit. She's a complete opposite of me.

"It's okay. Nagalit lang naman ako kase she hurt my brother na kahit akong kapatid niyang inis na inis sakanya ay hindi ko nagawa."

"Im really sorry. Nasaktan ka ba?" tanong niya kay Shervin.

Even Shervin was hypnotized by her. Nakangiti na siya ngayon.

"Hindi po ate. It's okay." she smiled at my brother. Damn even her smile is sweet.

Now I know why the man beside her fell for her.

"Im Kloe Martinez by the way and this is my boyfriend Justin."

"Hi." nagulat ako sa biglang pag salita niya.

Nilipat ko ang tingin sa kanya. Wala siyang reaksyon. Parang normal lang sakanya ang lahat.

"Im Frina Lopez and this is Shervin."

"So dahil gusto kong bumawi sa inyo can I invite you for meryenda?" she smiled.

I looked at my baby g to see it was already 3:30 in the afternoon.

Meron pa naman akong oras pero ayoko! That would be so awkward, right?

"Nako hi-" hindi na natapos ang sasabihin ko ng nag salita ulit siya.

"Please?" damn. Pano ko naman siya matatanggihan?

"Okay." ngumiti siya at biglang pumalakpak.

Nagulat ako sa inasal niya. Para siyang isip bata pa. Sino namang matured mag isip ang papalakpak. She can just simply say great.

"Hon where can we eat?" kinuha pa niya ang braso ni Justin.

Sht. Ngayon ko lang naalala na alam ko na pala ang pangalan niya. Justin...

Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti hanggang ngayon.

Bakit parang masyado naman siyang seryoso? Nai-intimidate ba siya sa beauty ko?

Napangiti ako. Kung ano ano na namang kalokohan ang naiisip ko.

Naglalakad na kami. Nasa likod nila kami ni Shervin. I don't have any idea kung saan man kami kakain.

"Hm Kloe how about your sister?" biglang tanong ko.

Napahinto siya sa paglalakad.

"Oh! Muntik ko ng makalimutan."

Kinuha niya ang cellphone niya at inumpisahang tawagan ang kapatid niya.

"Claudine where are you?" so Claudine pala ang pangalan niya.

ForeverWhere stories live. Discover now