Chapter 1

114 6 5
                                    

"Akala ko siya na talaga pero ginago lang niya ako!"

Asa kasi ng asa kaya nasasaktan eh!

Yan ang problema sa mga babae. Madali silang maniwala sa mga salitang binibitiwan ng mga lalaki. Kaya sa huli, nag muka na nga silang tanga, nasaktan pa sila.

"Wag ka ngang ngumawa diyan. Para kang batang umiiyak dahil hindi binili yung gusto niyang laruan!"

Tiningnan niya ako ng masama at nag patuloy siya sa pag ngawa.

"Okay lang yan. Makakahanap ka pa ng iba. Ang dami dami diyan oh"

"Aanhin ko sila kung si Gelo naman ang gusto ko"

Damn. Kung hindi ko lang to kaibigan nabatukan ko nato at baka sakaling matauhan.

"Frina hayaan mo na. Nasaktan lang tong kaibigan natin kaya siya nag d-drama"

"What? Wala naman akong ginagawa"

"Nako! Humanda talaga sakin yang Gelo nayan! I'm gonna slap him hanggang hindi namumula yung pisngi niya!"

"Joan hindi ikaw ang ginago so hayaan na nating si Michelle ang gumawa niyan"

"But Frina!"

"No buts"

Umirap siya at pinatahan si Chelle. Masyadong maraming luha na ang sinayang niya.

She's just wasting her tears for a jerk! Bakit niya kailangan umiyak? She can just simply forget that guy and move on.

"Tumahan kana. Hindi ka na non babalikan kahit umiyak ka pa ng dugo diyan!"

"Frina!"

"It's okay Joan. Tama naman si Frina. Ang tanga tanga ko naman kasi! Nag pa uto ako sakanya"

"Buti naman at alam mo?"

"Frina pwede bang isantabi mo muna yang pagiging maldita mo?"

"Whatever. May klase pako. Chelle stop crying okay?"

Tumalikod nako.

Sa tutuo lang. Ayoko lang talagang nakikitang nasasaktan ang kaibigan ko dahil sa lalaki.

Hindi ako yung klase ng kaibigan that will give soothing words just to please you at alam nila yon. Kabisado na nila ako but it doesn't mean na wala akong pake sakanila.

"Frina Lopez"

"Present"

Pag kayaring mag check ng attendance ni Miss Diaz ay tumayo nako para umalis.

"Umiiyak daw si Michelle. Grabe ka Gelo ang sama mo talaga bro."

Narinig ko ang bidahan ng mga nasa likuran ko.

Hindi ko napigilang lumingon sa kanila. Apat silang lalaki.

Pero hindi yon naging dahilan para hindi ko sila lapitan!

I just can't stand boys! Mga manloloko! Ano bang napapala nila sa pang gagago ng babae? Akala ba nila ikakagwapo nila ang pag papaiyak ng mga babae?!

"Gelo right?"

"Bakit miss anong kailangan mo sakin?"

"Anong karapatan mong mang gago ng babae?"

Nakita kong nabigla siya sa sinabi ko.

"So you're Michelle's friend huh? Hindi ko siya ginago. Hindi ko kasalanang madali siyang umasa"

Seryoso ngunit may nag lalarong ngiti sa kanyang labi ng sinabi niya iyon. This guy has the looks! But still he's a jerk!

"Well that's because pinaasa mo siya! Alam mo bang galit na galit ako sayo nung nalaman ko ang ginawa mo sa kaibigan ko? Sinabi ko pa sa sarili kong sisiguraduhin kong manghihiram ka ng muka sa aso."

Nakita ko ang lito sa muka niya. I smirked.

"Pero hindi na pala kailangan dahil muka ka ng aso."

And I left.

Served him right!

Ano akala niya? Sobrang gwapo niya kaya mang gagago siya? No way.

Nag punta ako sa pinaka malapit na kainan ng school. Kailangan kong kumain dahil na s-stress ako sa mga tao sa paligid ko.

Eto lang ang kailangan ko. Eto lang ang bagay na hindi ako bibiguin. Foods.

Pumunta agad ako sa counter para mag bayad ng napili kong pag kain.

"Frina! I heard what you did! Kaya kita kaibigan nag mana ka sakin!"

Napairap ako sa kawalan. May pakpak talaga ang balita. Napaka bilis kumalat. Thanks to those students who were there on the crime scene. Seriously.

"Where's Chelle?"

Kumagat ako sa pizza na aking binili.

"She wanted to be alone so I left her.Madali naman akong kausap"

"What?! Bakit mo iniwan. Baka kung ano ang gawin non sa sarili niya!"

Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"Did I say something funny?"

"Sorry na! Ang oa mo rin kasi minsan Frin. Matino pa naman mag isip ang kaibigan natin so I doubt na mag pakamatay yon"

Paliwanag niya pero natatawa parin siya.

Hindi niyo ako masisisi. Ibang usapan ang pag ibig. Kahit anong bagay kaya mong gawin kapag in love ka. Good or bad.

"Pero still gusto kong matikman ng palad ko ang pisngi niya!"

"Gago siya pero hayaan na natin yon. Wag na tayong mag aksaya ng oras para sa lalaking yon"

Nag paalam siya sakin at pumunta na sa susunod niyang klase.

Kaya ayokong magmahal. Nakakabaliw lang.

Hindi ko naman kailangan ng lalaki para maging masaya.

Ayokong masaktan dahil sa lalaki at hinding hindi ako iiyak ng dahil lang sa lalaki!

At isa pa, wala namang forever.

ForeverWhere stories live. Discover now