[62] - Almost

17.4K 133 7
                                    

CHAPTER 62

Almost

I left the condo early around 9. As usual, gaya ng sinabi ni Luis na 9am nya ako susunduin. On time masyado ang taong ito. Pagkatingin ko sa likod na upuan, ang dami nyang dala. Ito yata ang gagamitin sa photoshoot. 

Tahimik lang ako sa biyahe namin. Pero binasag nya ang katahimikan na iyon nung nagtanong siya. 

"Kumain ka na?" 

"Hindi pa." sagot ko.

"Bakit naman? Gusto mo muna magbreakfast?" how thoughtful of him. Pero wala akong gana. Bilang sagot, umiling-iling lang ako. 

Hindi na nagsalita si Luis. Hindi na rin naman ako nagsalita. Wala ata ako sa mood para sa pictorial na to. Nakakahiya sa kanya. 

"Ria, are you ok?" No, I am not OK. Pero ayoko lang ipahalata sa kanya.

"Yah. Excited nga ako eh." sagot kong nakangiti. Saka ibinaling ulit ang tingin ko sa labas. 

RJ didn't text me nor call me. Panay tingin pa rin ako sa phone ko hanggang ngayon. Pero wala talaga. No sign of RJ in my inbox. He's mad at me or maybe not. He's hurt because of what I said. How can I make it u to him? Gusto ko syang itext o tawagan, pero wala akong lakas ng loob. Shit, what should I do?

--o--

We arrived at the shooting place na sinabi ni Luis. Isa syang malaking bahay. Is this their home? It's huge. Luis is a rich kid. Wow, amazing. Sinundan ko lang sya kung saan pupunta.

"Welcome to our home, Ria." sabi na eh. Bahay nila ito. 

Pagpasok sa bahay nila, may mga maids na sumalubong at binati sya.

May isa pa nga na niyakap talaga sya ng sobra. May katandaan na si manang. Pinakilala pa ako ni Luis sa kanya. Pagkakitang-pagkakita sa akin, hinaplos ang mukha ko. Ang ganda ko daw. Tinanong pa nga nya ako kung may lahing spanish ako. Sabi ko naman, oo. Kaya daw pala ang ganda ko. Si manang talaga. Nagthank you na lang ako. 

Dinala ako ni Luis sa living room nila. Sa malayo pa lang, natanaw ko ng may tao. 

"Rebecca!" tawag nya sa babae. Aw, parang  nakakita ako ng Diyosa. Ang ganda ng Rebecca na ito. Matangkad at balingkinitan ang katawan. 

"Luis!" hinalikan sya nito sa pisngi. At niyakap pa nya si Luis sa baywang. Girlfriend nya? Wala syang nababanggit sa akin na may girlfriend sya. Bakit parang ang close at sweet nila? Nililihim ba nila Luis ang relasyon nila? This is so weird. Nagulat ako. 

CRY OF THE CASANOVA [Ms.Fearless VS Mr. Casanova, #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon