Chapter 4 - His stare

Start from the beginning
                                    

Gumayak naman kami at sabi niya kanina dadalhin niya ako sa isang restaurant. Pero nagulat ako dahil napansin kong palabas na ng siyudad ang binabaybay namin. Ang dami niyang dahilan porque't hindi raw masarap ang pagkain sa lugar nila.

Nagulat ako nang lumabas kami sa intersection na pinasukan ko noong nagda-drive akong mag-isa papunta sa Secret City. May bigla kasing parang kuminang na ewan. Iyon bang parang nakalabas kami sa isang portal. Parang ganoon.

"Huwag sana tayong pupunta ng Manila."

"Hindi. Pero bakit ayaw mo doon?"

"Basta."

Hindi rin nagtagal tinigil niya ang sasakyan sa isang restaurant. Nag-suot muna siya ng shades at saka lumabas ng kotse. Pinatungan niya ng leather jacket ang kanyang three-fourth shirt. Hindi ba siya naiinitan sa porma niya?

Akala ko sasaluhan niya akong kumain pero ako lang ang pina-order niya. Kumain na raw. Naiilang ako sa kanya dahil pinanuod niya lang ako habang kumakain. Feeling ko tuloy binibilang niya ang bawat subo ko.

Malapit na akong matapod kumain nang maisipan kong magtanong sa kanya.

"I'm curious. Ano ba'ng pangalan ng City n'yo? Secret City ba talaga tawag doon? 'Yon kasi nakalagay sa internet, eh."

"Secret City nga," matipid niyang sagot.

"Eh, bakit secret?"

"Kasi nga, hindi puwedeng malaman."

"Bakit kasi?"

"Ang kulit mo!"

"Okay."

Natahimik ako at pinagpatuloy ang pagkain. Para siyang babaeng laging may period. Ang sungit-sungit.

"Paano ka napadpad sa amin?"

Tiningnan ko siya. "Sa internet nga. 'Yong mapa n'yo kasi nakakaintriga."

Kumunot naman ang noo niya. "Mapa?"

"Yeah."

"Paano magkakamapa ang lugar namin sa internet? Eh, wala ngang nakakaalam na..." he trail off and his face turned grim. "Unless."

"Unless what?"

"Never mind. I suggest na bumalik ka na kung saan ka man nanggaling."

Napasimangot naman ako. "No!"

"Why?!"

"Because I said so!"

Umandar na naman ang pagkatigas ng ulo ko. One thing na ayaw sa akin nina Daddy ay ang pagiging hard-headed ko.

"I'll make a deal with you," he said.

"Ano?"

"Hindi ka aalis sa city namin in one condition."

"And what is that?"

"Titira ka sa penthouse ko," simple niyang sabi.

"Are you crazy? Close ba tayo? Ano na lang sasabihin ng mga nakakakilala sa'yo na nagpatira ka ng isang estranghero? Isipin pa nila nagli-live-in tayo."

"My people don't think that way. They're not like you." Seryoso niyang sabi. Hindi ko maintindihan 'yong sinabi niya. My people? They're not like me? What does he mean by that?

"Enlighten me," nakahalukipkip kong sabi.

"I don't want you to think that I want to take advantage on you. I just want to help you." Natahimik naman ako. "And besides, masyadong malaki ang penthouse ko. We can devide the space. And if it hurts your pride, you can pay me every month."

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryWhere stories live. Discover now