Chapter 7.2.4

Magsimula sa umpisa
                                    

          Nagkunwari akong galit at agad ko siyang sinampal.  “Bastos!

            Hinaplos lang niya ang pisnging nasampal ko at mataman lang akong tinitigan.

            “Bumaba ka na.  Hihintayin kita or else you want it some other way again.”  Seryosong sabi pa niya sabay talikod.

            Bumaba na siya sa unang palapag ng bahay nila at naiwan akong tulala.  Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay mabilis na nanghina ang tuhod ko at napaupo na lang ako sa sahig.  Ang bilis ng tibok ng puso ko at ngayon lang ako nakaramdam nang ganito.  Hinawakan ko ang labi ko at muling nagbalik ang alaala.  He really kissed me and I am not even mad.

            “Are you gonna sit there all day, huh?”  Oh shit!  Si Ricky na noo'y nakasilip na naman pala sa may hagdan.

          “I-I’m coming!”  Wari ay sumimangot ako at agad na tumayo.

            “Good decision!”  Noon na ulit siya naglaho at ayaw pa ring kumalma ang puso ko.  He's my first kiss.

            This is really weird, am I beginning to like him?  Pero that’s impossible.  I hate him!  Or do I? 

            Since I am expecting na ibibilad niya ako sa araw ay humiram ako ng camisa chino long sleeve sa nanay niya.  Akala niya maiisahan niya ako ha! 

            Kaya paglabas ko at nang makita niya ako ay umiling lang siya pero wala namang sinabi.  Nagpatiuna siya sa paglakad at sumunod naman ako papunta sa likod bahay.  He’s also wearing a camisa chino but he looks adorably hot in it.  Jeez, I never thought he has muscles. 

            “Ito 'yung seeds,”  Iniabot niya sa akin ang buto ng mga pechay at binigyan ako ng instructions kung paano ko ilalagay sa maliliit na butas ng lupa 'yung mga buto.  Itinuro rin niya kung gaano lang karami at kung kailan dapat tamnan at diligan.  The way I see it, sobrang knowledgeable niya sa pagtatanim.  And he’s got passion habang sinasabi niya sa akin ang mga do’s and don’ts.  “Lahat ng mga cellophane, 'yun ang lalagyan natin ng seeds.” 

            Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lawak na aming tataniman.  He must be kidding me?!

            “A-ang laki niyan a.”  Napalunok ako at ngayon pa lang ay gusto ko na himatayin.  Malawak!  As in malawak ang pagtataniman namin!

            “Alam ko.”  Umismid pa siya.  “So, work hard.”  Tinapik lang niya ako sa balikat at naglakad palayo sa akin.  “Magsimula ka diyan at ako sa kabila.” 

            Sinimangutan ko siya at hindi ko na nakuhang magsalita.  Siraulong lalaki ‘to a!  Tama bang first time kong gagawin ‘to, harassin na kaagad ako?!  Aish!  Isusumbong ko talaga siya kay papa! 

           

            At kahit pa inis akong nagsimula, surprisingly, habang tumatagal parang na-enjoy ko naman na.  Madali lang naman pala.  Iyon nga lang, bukod sa nakakangawit na nakaupo, nakabilad talaga kami sa araw.  Sayang naman 'yung gluta na iniinom ko.  Kainis!  Kailangan ko talagang makausap si papa para padalhan niya ako ng pera pati na rin n'ung pampapaputi na 'yun.  Ayokong tuluyang maging baluga dahil sa kagagawan ng pangit na 'yun.

            Nang medyo maramdaman kong manhid na ang tuhod ko, naupo muna ako at nagpahinga.  Inuna ko lahat nang medyo nasa lilim habang si pangit ang nakabilad.  Akala niya papaisa ako sa kanya!  No way!

            Nang makaramdam na rin siguro nang pagod si pangit, lumapit siya sa kinalalagyan ko at lumilim din.  Tinanggal niya ang malaking sombrero at naupo nang hindi kalayuan sa akin.  Bakit ba parang hindi man lang siya umitim kahit na siya itong palaging nakabilad sa araw?  Actually, parang ang ganda pa ng effect ng araw sa mistiso niyang balat at ang pula pa ng pisngi. At 'yung lips na humalik sa akin, ang pula pa rin.  Mas maganda pa siyang nilalang kaysa sa akin.

            “Stop staring.”  Nakangiting saway pa niya at agad naman akong nagbawi nang tingin.  Ano ba, Katie?! 

            “Feeling!”  Umirap ako at wari ay sumimangot.  Tama bang matulala ako sa kanya?  What is going on with you, Katie?! 

            Ngumisi lang siya sabay uminom lang ng dala niyang tubig.  And once again, I can’t help but stare.  Umiinom lang siya and yet he’s too sexy while doing that.

          “Want some?”  Alok pa niya sa akin at bahagya pa akong napapitlag sa gulat.  Nawawala talaga ako sa sarili ko. This is not good.

            “I don’t want to share.  Nasaan ang sa akin?”  Kumunot ako at sinilip kung mayroon pa ngang extra.

            “I am not here to babysit.  Dapat nagdala ka ng sa’yo.  Pero I am more than willing to share kung gusto mo lang.  If not, bahala ka na sa buhay mo.”  Masungit pang sabi niya at inilagay 'yung old water bottle sa may tagiliran ko.  Ngayon ko lang napansin, natural na natural ang dating nang page-english niya.  Hindi trying hard.  Or siguro nga, influence na rin ng mga sosyal naming kaklase sa school.  Pero gan'on pa man ay  hindi niya kailanman ikinaila ang estado niya sa buhay.  Siya nga lang ang natatanging scholar d'un na nagtatrabaho sa canteen.  Mukhang wala rin siyang masyadong friends d'un at siguro nga ay naiilag din siya.

            Nang bumalik na ulit siya d'un sa puwesto niya ay pasimple kong kinuha ang tubig.  I am so thirsty.  Nang masiguro kong hindi siya nakatingin sa akin at tsaka ako uminom sa water bottle niya.  It’s weird. Pero feeling ko ba, nag-kiss ulit kami dahil uminom ako sa bottle na dinampian ng labi niya.  Get a grip on yourself, Katie!  I shook my head and go back to work.  This is not good.  Not good.

           

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon