"Kasama ko sila Yoona kanina kaso kakaalis lang nila. I'm waiting for the result eh . Atsaka si Yuri baka hindi pa yun natapos sa audition. "sagot ko. Ngumisi naman siya. Grabe talaga! Ang lalim nang dimples.

"I'm sure makakapasok ka pati si Yuri."mahina niyang sagot na sakto lang para marinig ko.

"Aalis kana?"tanong ko nang bigla siyang tumayo.

"Yup! Kailangan kong bumalik sa audition eh."umalis na siya nang tuluyan.

Kung hindi niyo naitatanong si Lay  ang ex ko. Ang taong nanloko sakin. Yung kanina syempre dapat mabait ako sa kanya. Hello? Ako kaya ang nakaisip nang plano namin na yun. 

Pero si Lay ang tipong mahirap mafall. Syempre dahil medyo nay pagkacold siya. Emotionless at palaging nakaJPG mode. Pero susubukan ko. I'll try my very best.

Lay's POV

"Wala na bang mag-o-audition?"tanong ko. Nakakapagod kaya, kanina pa ako nakaupo dito.

"Last na yung kanina Lay."sagot ni Kai. Kasama ko siya sa dance club at syempre sa pagiging judge kanina. Kasama din namin bilang judge si Hyorin. Apat kaming judge ako, si Hyorin, si Kai at si Mark.

"So may result na ba tayo? Madami dami bang nakapasok?"sakto namang binigay ni Mr. Santiago ang head namin.

"Actually madami dami ding nakapasok. Pero ang mas nagustuhan ko ay yung Hyoyeon. Right? She's great! Ang galing sumayaw. Pati na rin yung Yuri"sabi ni Mr. Santiago.

"Yup pre! Magaling nga sila. Yung Yuri super sexy. At yung Hyoyeon hanep kung sumayaw. "sabi ni Mark sakin.Mukhang interesado siya kay Hyoyeon.

Magaling naman talaga si Hyoyeon eh. Tinignan ko naman si Kai naparang walang kaemosyon emosyon. Ano to nahawa na sakin?

Naalala ko before, walang confidence pagdating sa sayaw si Hyoyeon. But I encouraged her. Kaya natry niyang sumali sa mga competitions before.

"Then let's post this. I'm sure marami nang naghihintay dito at nang makauwi na tayo."sabi ni Kai.

Lumabas na ako sa room para ipost ang resulta. Ang daming tumingin sa kani-kanilang pangalan. No doubt, maganda kasi talaga ang dance club. If member ka nito may chance na ipasali ka sa mga bigatin na competition o kaya gawin kang representative nang school sa national dance competitions pwede ding maging international.

Si Yuri tuwang tuwa sa result. Nakapasok eh. Nakita ko naman si Hyoyeon na nasa may di kalayuan naglalakad. She's drinking her cola. Pinuntahan siya ni Yuri at base sa mukha niya alam na niyang pasok siya.  Hindi naman siya dapat kabahan. Comment pa nga lang kanina, pasok na pasok na siya. And she's really in.

"Congratulations!"masaya kong bati sa kanya. Nakita na kasi niya ang result at sobrang tuwa niya.

"Thank you!"nakangiti niyang sagot.

Iniwan ko na siya dun at dumiretso na sa barkada ko. Mukhang madalas ko ata siyang makakasalamuha ha. Well,maganda naman ang pakikitungo niya sakin. Siguro mabuti na rin yun, para pwede kaming maging kaibigan.

Xiumin's POV

Katatapos lang nang auditions sa iba't-ibang clubs. Hindi na ako kailangan pang mag-audition. Para lang yun sa mga first year college or transferees. I'm part of the Glee Club. Kasama ko sina Baekhyun,Chen,Luhan, Suho and DO.

Nasa canteen ako ngayon. Wala kasing mabibiling murang siopao sa cafeteria kaya sa canteen nalang ako. Hindi ako kuripot ah, nagtitipid lang.

"Miss dalawang siopao."napatingin nalang ako sa katabi ko.

"Sunny?"syempre nagulat ako.

"Miss yung isa pakilagyan nang ketchup. Yung isa huwag naman. Pakibigay sa kanya yung may ketchup."dagdag niya sa tindera. Alam niya parin ang gusto ko. Gusto ko kasi may ketchup pero siya, ayaw niya.

"No need. Ako na ang bibili para sakin."sabi ko sa kanya.

"Ako na. Tsaka libre ko na to para sayo."saad niya sabay abot nang bayad sa tindera.

"Thank you!"yan lang ang nasabi ko dahil gusto ko na talaga kumain nang siopao.

"Welcome! Yan nga pala ay libre ko dahil nakapasok ako sa Glee Club."sabi niya sakin.

"Ganun ba? Salamat pa rin!"

"Mauna na ako ha. Hinihintay na ako nang mga kaibigan ko eh."tumango nalang ako. Umalis na siya at ako dumiretso sa usapan naming magkakaibigan.

"Dude!"bati ko sa kanila nang makarating na ako sa mini house nila Tao.

"Oh! Ayan na pala si Umin hyung eh."sabi ni Chen na tumatawa. Nung tinignan ko silang lahat pansin kong tumatawa sila. Bakit?

"Di uso sayo magpahid nang ketchup?"nakatawang tanong ni Luhan sakin. Nang pinahid ko naman ang daliri ko ay may ketchup nga. Kinuha ko ang panyo ko at pinahid ito.

"Bumili ka nang siopao hindi mo man lang kami binilhan."reklamo ni Suho.

"Oo nga hyung! Sama mo talaga."singit ni Chanyeol.

"Hindi naman ako ang bumili nito eh."sagot ko at umupo na sa tabi ni Chen.

"Eh sino naman?"pag-uusisa ni Lay.

"Si Sunny."mahina kong sagot.

"What? Really?"sabay sabay na tanong nila. Kailangan talaga in chorus? I nodded.

"Whoah! Ano yun? May date ba kayo? Or nagdate na kayo?"panunukso ni Kai.

"Of course not. Nilibre niya lang ako dahil nakapasok siya sa Glee Club. At nagkataon na ako lang ang nakita niya sa canteen."direkta kong sagot sa kanila.

"Nga pala. Sino-sinong nakapasok sa Glee Club?"tanong ni Sehun.

"Marami rami din namin. Actually mas marami siguro ngayon kesa last year. Ang malala pre, pasok sina Taayeon,Jessica,Seohyun,Tiffany at Sunny."sagot ni Baekhyun.

"Talaga?"tanong ni Tao. "Good for them!"dagdag pa niya.

"Eh sa Rap Org. Kumusta naman?"tanong ko.

"Okay naman. Wala namang nagaudition na kasama ni  Taeyeon eh."sagot ni Chanyeol. Si Chanyeol,Tai at Kris ang nasa Rap Organization.

"Sa Dance Club?"tanong ko ulit at tinignan si Kai na kanina pa tahimik. May napapansin talaga ako sa kanya. He's been so quiet this past few days.

"Okay lang! Pasok sina Hyoyeon at Yuri."matamlay niyang sagot. Parang mas lalong tumamlay nang banggitin niya ang pangalan ni Yuri..

"Eh ito. Paano naman ang Drama Club Sehunnie?"tanong ni Luhan.

"Actually magagaling lahat nang nagaudition. Marami ring bago. Nakapasok nga sina Yoona at Sooyoung. "sagot ni Sehun.

"Talaga? So palagi kayong magkakaeksena ni Yoona niyan?"pang-aasar ni Luhan sa kanya.

"Parang kayo hindi."sabi ni Sehun

"You know what. Wala naman dapat tayong ikatakot eh. Hindi na naman sila galit satin. Maayos nga ang pakikitungo nila satin eh. Kaya mabuti na rin yun."sabi ni DO.

Mabuti nga siguro yun. Ang makasama ko ang ex ko, si Sunny. Makikita mo naman sa mukha kung galit ang isang tao sa iyo pero wala akong nakitang galit sa mukha ni Sunny. Ang mabuti pa kalimutan na yun. Magsimula muli.

----

Second update of the day at last for today. Mag-iisip pa ako nang magandang idagdag sa story. Thank you po! Hindi po akong nagsasawang magpasalamat sa inyo. Vote and Comment po kung gusto niyo. Hehehehe.

madamedamin

The Love That Got Away (EXOSHIDAE)Where stories live. Discover now