"Tae naman to. Nakakatakot." bulong ko kay ashton na katabi ko lamang.



"Galingan nalang natin." sabi niya naman sabay ngiti sakin



Tumango naman ako. Atsaka tumayo, kasi kami na nga ang next in line. So dahil nga sapilitan silang pinalabas kailangan kami na ang sumalang.



"Kung ayaw niyo magaya dun sa dalawa ayusin niyo." sabi ni Ms. Alvarez samin



Hindi na naman kami sumagot pa at inayos na namin ang pwesto namin. Sana lang maging maayos. Ayokong mapahiya sa 1st day of training ko. Whoooh!



Huminga ako ng malalim.



Nagsimula ng tumugtog ang kanta. Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba o hindi. Sobrang kinakabahan ako eh.



Pero hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko. Kakayanin ko to. Ayokong mapahiya.



Dinama ko lang ang pagsasayaw ko at hindi ko inisip na nandito ako at katapat ko ang instructor namin. Kasi pag inisip ko na may ibang nanonood sakin mas nahihiya ako na magsayaw. Kinakain ako ng hiya.



Sa wakas natapos na rin ang kanta. Kinakabahan ako sa kung anong sasabihin ni Ms. Alvarez.



"Okay naman ang pagsasayaw niyo. Nakuha niyo yung steps. But miss, you need to practice more. Ang lamya ng sayaw mo and parang walang pitik. And for you mister, you did great but you need to practice more and more, halatang kinakabahan ka sa pagsasayaw and hindi pwede yun."



Okay na rin kahit ganun ang comment niya samin. Atleast hindi kami napalabas ng room. Umupo na muna kami sa ibang pwesto ni Ashton. Iniiintay namin matapos yung apat eh.



[Brent's POV]



"Pre, kinakabahan ako. Nakita mo ba kung pano nagalit kanina si Ms. Alvarez? Tae. Nakakatakot." bulong ko kay Pau. Kasi naman, nakakatakot talaga. Tinaasan nga ako ng balahibo eh.



"Wag ka nga diyan pre. Kaya yan." sagot niya naman sakin. Kami na kasi ang next pagkatapos nitong pair na nagsasayaw. And inaamin kong naiihi ako sa kaba ngayon. Hindi naman kasi ako magaling sumayaw. Kaya nga drama ang ginamit ko sa audition eh.



Mas kinabahan ako ng nakita kong paalis na sa harap yung pair na nauna samin. It means tapos na sila. Pero kahit na kinakabahan ako ay tumayo pa rin ako at naglakad papunta sa harap.

Let's do this!Where stories live. Discover now