Chapter 59 (October 15, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumigil ng sandali ang dalawa. Hindi na sila nanunuod, inaaninag na lang ni Jhone at ni Elisa ang isa't isa.

"Alam mo Elisa, humanda ka talaga... Ihanda mo na buhay mo kasi---"

"Wag ka nang magsimula!!!"

"WAG NA NGA KAYONG MAINGAY PLEASE!" impit na sabi ni Kent. "Shut up both of you.... okay???" nilagay na ni Kent ang dalawang kamay sa mukha.

"I'm not the one who started this Kent, nagtanong lang ako na---"

"Elisa please..." sagot agad ni Kent at seryosong itinuloy ang panunuod.

Naiinis na napasandal na lang si Elisa at nanuod na din.

Sabi ko nga ehhh. Tatahimik na rin ako eh... Naisip ni Jhone at hindi na nagsalita pa. Nagdasal na lang siya na walang gulo o pagaaway na maganap, sa pagitan ng mag-asawa. Baby... kumapit ka may mommy engot ahh! Kahit hindi pa alam ni daddy Kent, nandito naman si Tita Ganda para bantayan ka laban kay Witch Elisa! Fighting!

"Aiii teka naiiihi na ako.... Kaloka! Nawiwiwi na tuloy ako. Wait ahh." Paalam ni Jhone kay Kent.

'Di naman ito nagsalita.

***

Sa script ng play, inakala ni Buttercup na namatay na si Westley matapos itong dakpin ni Prince Humperdinck. Minadali ang kasal nila ng prinsipe na hindi man lang siya nakapagsabi ng "I do" sa sobrang pagmamadali nito na dalhin na siya sa honeymoon suite.

Naglalakad na siya ngayon papunta sa set na kunwari'y honeymoon suite nila ng prinsipe at binabalak niya nang magpakamatay. Kinuha niya ang punyal at itinapat sa dibdib. Handan g mmagpakamatay.

"Meron ng kakapusan ng perpektong didbdib sa mundo, wag mo nang sayangin ang sa iyo."

Ayon na rin sa script na para kay Westley, si Harley ang nagsabi noon na nakahiga sa kama ng dapat ay honeymoon suite ni Buttercup at Prince Humperdinck.

"Ohhhh Westley!" binitiwan na ni Phoebe ang punyal at tumakbo sa nakahigang si Harley. Hinalikan niya ito. "Westley!" halik pa ulit. "Mahal kong Westley!" isa pang halik. "Ohh Westley! Akala ko napano ka na!!"

Ang totoo kasi ay paralisado pa rin ang katawan ni Wetley dahil sa torture na ginawa ni Prince Humperdinck.

Binigyan ni Phoebe ng maliliit na halik si Harley. "Paano na... nagpakasal na ako??" tanong niya.

"Sinabi mo ba na ba ang 'I do'??" sagot ni Harley

"Oh!!!" Hinalikan ulit ni Phoebe si Harley.

***

This time. Hindi na talaga makaya ni Kent. Tumayo siya.

"Saan ka punta???" tanong naman ni Elisa.

Hindi siya sumagot. Hahanapin niya ang fire exit at doon na lang dadaan palabas dahil ayaw niya ring gumawa ng eksena kung doon siya lalabas sa likuran. Dahil madalas din siya sa auditorium. Mabilis naman siyang nakalabas.

"Wait up!" sumunod pala sa kanya si Elisa.

"Tsk... Bakit ka sumunod?" tanong niya pero sinimulan niyang maglakad palabas ng school.

"Ehhh. Naiwan na ako magisa doon. Ayoko naman bumalik yung freak na  na katabi mo kanina baka awayin lang ulit ako nun! Saan ka pupunta???"

"Uuwi" maikling sagot niya sa tonong 'matter-of-fact'

"Uuwi???" nakasunod pa rin ito sa kanya.

"Bakit? Bumalik ka na nga doon? Di ba ikaw naman yung gustong manuod niyan?"

"Ehh ayoko na pala. Pero diba sabi mo susunduin mo si Phoebe. Kala mo masusorpresa mo siya nuh??? Ikaw pala ang surprise."

Di nakaimik si Kent.

"Sumabay ka na sa akin. I have a car! Tinawagan ko si manong" pagaalok ni Elisa.

"No..." pagtanggi niya.

"Maglalakad ka? Ganyan? Sa labas? I doubt kung di ka pagkaguluhan." Sabi nito na nagpatigil sa kanya sa paglalakad.

"Aiiish!!! Hwag na please! Hindi na nga muna ako uuwi. Hwag ka na sumunod."

***

Nauwi si Kent sa malapit na bar. VIP naman siya doon kaya hindi problema ang tao.

Ayaw niya pa rin umuwi dahil kkuwetyunin din siya ni manang Lourdes at baka nandoon pa ang papa niya. Malalagot siya na hindi niya kasama si Phoebe.

"Tama na yan uyyy!!!" sabi ni Elisa. Sumunod pa rin ito sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit siya umiinom. Nung una nagpapalipas lang siya ng oras. Pero ngayon napaparami na ang inom niya.

"Kent tumigil ka na nga diyan. We should go home. I'll drive you home." Sabi na naman nito.

"Ayoko sa bahaaay!" sabi niya. Pero maya-maya binawi niya rin ang sinabi niya. Wala na siya sa sarili. "No... it's just that... ayaw ko muna umuwi. Mamaya na lang."

"Tsk Tsk. My Kent is hurt... Well that's unsurprising. Ang galing ba naman ni Phoebe umarte eh. Ang gandang salubong sa--"

"I'm not yours... I'm Phoebe's okay? Phoebe's"

***

Natigilan si Elisa.

Kanina pa talaga siya naiinis kay Kent. Medyo lasing na ito.

Napakabipolar mo! Kanina ka pa! Naiinis ka kamo kay Phoebe tapos biglang ipagtatanggol mo tapos loyal ka na naman. Nakakaninis!

"But I can be yours..." lumapit siya dito. Dreamy eyes na si Kent at hindi naman pinapansin ang pagtayo niya sa tabi ng kinauupuan nito. Parang may suminding light bulb na naman sa itaas ng ulo niya. Ngumti siya.

She locked her lips with Kent. Ilang beses niya na bang nahalikan ang labi nito. Pero hindi pa rin siya magsasawa. At ngayon ang unang beses na wala sila sa set na nagawa niya yun.

"Ouch!" sabi niya ng bigla siyang tinulak ni Kent. Na-out of balance siya at napaupo. Tumalsik ang celphone niya.

"What are you doing!!" sabi pa ni Kent at lumabas ng VIP room.

Hindi na siya nag-abalang hanapin pa ito. Lumapit siya sa tumilapong cellphone.

"Phoney Phone... I love you... I find you very very useful..."

*later*

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon