SG. 21 - Hate

96.3K 3.1K 325
                                    

"Pa, Iggy and I got back together. I know you have a lot to say to me but I don't really want to hear it, but I have no choice but to listen, just bear in mind that I'm looking at you, but I'm not really listening."

I was inside Papa's private office that Sunday morning in our house. Nagpunta ako doon dahil birthday ni Rael at magsisimaba kaming buong pamilya. Pagdating ko pa lang ay nagtuloy na ako sa office niya para na rin ipakita sa kanya ang monthly financial report ng Consunji Hotels.

"Gaano pa lang ba katagal iyang Ignacio na iyan dito at nakipagbalikan ka na kaagad? Aba, Hya! 'Wag mong sabihin na magli-live in na naman kayo? Why do you keep on hanging around that man if you have no intentions of marrying him?" Galit na galit na naman ang tatay ko. I just looked at him while singing inside my head. I know how much he repels my boyfriend. And, he was right, wala akong balak pakasalan si Ignacio and he seems fine about it. Wala naman siyang magagawa. Subukan niya ulit, hindi naman magbabago ang reaksyon at sagot ko.

"Papa, tapos ka na ba? Male-late na kasi tayo sa mass. Kanina pa tayo niwe-wait ni Mama."

"I'm going to disown you, Hyacinth." Mariing wika niya. I rolled my eyes.

"If you do that, who will manage the Company? Hindi rin naman kaya ni Apollo mag-isa plus, he's young at wala sa trabaho ang isip niya. Yael's busy doing his own thing while Rael is kind off busy travelling the world. Nautica has no interest on the family business, so who's gonna manage, Papa?" I smiled at my father. "I love you, Pa, I will always be your little girl, but you have to see that I'm a grown up now and I have my own life. Or do I have to call Aunt Hera to tell you that herself?"

Hindi na sumagot si Papa. Napapailing na lang siya. Tumayo na siya kaagad at sumabay sa akin na lumabas ng office niya. Habang bumababa kaming dalawa ay nagkekwentuhan lang kami na para bang walang nangyaring sagutan sa amin sa itaas kanina. Ganoon lang naman kaming dalawa.

"Oh, nandito na si Papa at Ate Hya ninyo. Let's go na."

Agad na pumalupot si Mama kay Papa. Sinabayan ko naman si Nautica sa paglalakad. Nagkanya-kanya kami ng sasakyan. Siyempre si Mama at Papa ang magkasama sa kotse at kaming magkakapatid naman sa kabila. Si Rael ang nagmamaneho, ako ang nasa passenger's seat habang si Nautica ang nasa back seat.

"Is it true you're with Ignacio again?" Tanong ni birthday boy sa akin. I grinned back at him pero tinitingnan ko ang reaksyon ng mukha ni Nautica. She seemed restless. Panay siyang nakatingin sa phone niya.

"Ica, okay ka lang?" Tanong ko.

"Yeah. May iniisip lang ako. By the way, I'm happy you're back with Kuya Iggy, you two are perfect for each other." Dama ko naman ang sincerity ng kapatid ko kaya napapaisip talaga ako kung anong nangyari nang gabing umiiyak siya sa akin.

Dumating kami sa simbahan. Agad kong natanaw si Alyza at si Yael na karga naman si Yohan na nagkakawag pa. Ang laki-laki ng anak ni Yael pero kinakarga niya pa rin. Napapailing na lang ako.

"Hi,Pa, Ma." Bati ni Yael. Nagmano naman si Alyza sa mga magulang ko. My mom looked at Aly and shook her head. Still she repels her presence. Minsan ay naawa talaga ako kay puncher girl. Ang tanging dahilan lang kasi kung bakit nandito siya ay dahil sa bata. Kung pwede lang kunin si  Yohan, siguro ay matagal na siyang wala sa buhay namin.

"Hi,Hya." Bati niya sa akin. I nodded at her. Tumabi ako kay Yael para makipaglaro kay Yohan. He was giggling like a maniac all throughout the mass. Ilang beses siyang binawalan ni Yael hanggang sa kunin na siya ni Papa pero pati si Papa ay tumawa rin nang tumawa habang nakakarga ang apo.

After the mass, we ate out. Masaya ako dahil buo naman ang family namin. Nakakalungkot nga lang dahil nakikita ko na naman ang isang bagay na sinisira ng kasal – iyon nga si Yael at Alyza. Halata naman na pareho silang hindi masaya sa pangyayaring iyon sa buhay nila.

Sweetest GoodbyeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora