SG. 7 - Let's get this over with

108K 3.3K 383
                                    

It's been weeks and my cloud 9 hasn't faded away yet. Walang-wala ang mga naging ka-date ko sa kanya. I was always shaking my head kapag naaalala ko iyong mga naughty things na ginawa ko sa aking mga naka-date. Ibang-iba kasi si Iggy sa kanila.

Ignacio is quite rough at the edges but he can be sweet. He's silent but every time we're together, nagiging madaldal siya. Sabi niya comfortable naman na daw siya sa akin. I asked him about his stuttering problems and he told me that it was because he was intimidated by me.

Hindi ko naman siya masisisi, hello, anak ako ni Yto Consunji!

That Monday afternoon, I was just inside our massion, chilling. Wala si Mama at Papa, nagpunta sila ng Bahamas. I have no idea what they were doing there but as long as they're happy.

Nasa poolside ako at nakahiga sa duyan na gawa sa rattan na nasa ilalim ng tree house nila Nautica. My phone vibrated and I got so excited kasi alam kong si Iggy iyon at hindi naman ako nagkamali. He texted me. Kanina pa naman kami magkausap kaya lang, he needed to go to class at may long quiz daw siya sa isang major subject. Mamaya ay sa bahay niya ako matutulog – doon sa pad niya. Excited ako talaga!

Binuksan ko ang message ni Iggy.

Iggy Unggoy: Hya, can we just meet at the coffee shop near my place? Nag-text kasi si Alyza sa akin. She asked if we could talk. For closure. I'll meet her. I owe her this. See you.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko.

"Aba putang inang malanding babaeng iyon!" Napasigaw ako. Nakita ko namang napatingin sa akin ang mga maids na nag-aayos sa may gazebo pati na rin ang hardinero namin. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Ang pagkalandi-landi naman ng babaeng iyon! Nakipag-break na nga si Iggy sa kanya! Aba! Tang ina lang!"

Agad akong tumayo. Hindi pwede ito! Kung mag-uusap sila kailangan makita ko silang dalawa dahil baka mamaya, biglang agawin sa akin ng babaeng iyon ang akin!

I don't like my things being touched by someone else. I don't like sharing. What's mine is mine!

Sa pagkakaalam ko hanggang five pa ang klase ni Iggy. Twelve thirty pa lang at ayon sa pagkakatanda ko, twelve thirty ang isa niyang major subject at tatagal iyon ng tatlong oras.

Pumunta ako sa school nila at tinawagan ko si Yael. Ang alam ko kaklase niya si Alyza Landi. Kailangan kong supalpalin ang babaeng iyon! Naiinis ako.

"Ate ano ba iyon, nasa klase ako. Taxation."

"Nasaang building ka?!" I hissed. Naglalakad ako sa hallway ng university.

"Sa Washington building, Ate. Ano ba iyon?"

"Nandyan ba iyong Alyza?" Tanong ko na kinakagat ang daliri habang naglalakad. Sumakay ako ng elevator papunta sa bridge ng second floor kung saan mas malapit puntahan iyong building kung nasaan si Yael.

"Oo. Nag-e-exam kami. Ate ano ba?"

"Stay the fucking there!" I hang up. Naha-high blood talaga ako. The thought of her talking to him makes me want to drink blood – yes, drink blood!

Narating ko ang building nila. Ang sabi sa akin ni Yael sa text ay nasa room 307 daw sila. Naikuyom ko ang mga palad ko.

Noong lumalaki ako, sinabi sa akin ni Mama na kapag ako ang tama ay ipaglaban ko. Kapag nasa lugar ako, ipaglaban ko. My father told me once that if I wanted something, I should go out of my box and get it. Sabi naman ni Lolo, kung ano ang akin ay akin lang at walang dapat makakaagaw noon dahil ang akin ay akin!

And it just so happen na akin si Ignacio.

Akin siya!

Narating ko ang room 307 at kumatok ako doon. Ni-check ko muna ang sarili ko sa salamin, I was wearing a gray shirt and a black skirt. Naka-sandals akong flat at nakalugay ang buhok ko.

Sweetest Goodbyeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن