SG. 19 - Console

108K 3.6K 685
                                    



"The Roothes are back in town."

I know that my father was looking at me and he was trying to get something out of my face pero wala akong reaksyon. I have perfected the resting bitch face. Kaya kahit na naghuhurementado ang puso ko at buong pagkatao ko dahil lamg sa nagkita kami kanina sa Sweet tooth, kalmado pa rin ang hitsura ko.

"Oo nga, Daddy. Tinawagan ako ni Mikee kanina. Magkikita na kami after almost five years." Masayang-masaya ang kapatid ko. Nakatingin ako sa kanya. Iba ang kislap ng mga mata niya kapag si Mikee Roothe ang pinag-uusapan.

"Really? You miss your best fried?" Ako naman ang nagtanong. Tumango lang si Nautica noon. Nakangiti pa rin siya at masayang -masaya. Nakangiti na rin ako, napatingin ako kay Daddy na nakangisi lang sa akin. I rolled my eyes.

"I'm not affected if that's what you want to know."

"Wala naman akong sinasabi." Ngumisi na naman si Daddy. Siniko siya ni Mommy tapos ay tiningnan ako.

"Tinawagan ako ni Mrs. Roothe. Gusto niyang maglagay ng mga stores sa hotel natin and that's where you'll come in. May meeting ka bukas kasama si Mrs. Roothe, Hya. I hope that's okay with you."

Napanguso ako. It's okay. Si Mrs. Roothe naman ang kausap ko, hindi si Ignacio. I could just imagine how awkward it will be for me. Hindi pa ko handang makipagkita sa kanya. Naroon pa rin kasi iyonb unwanted feeling sa dibdib ko kapag naaalala ko siya.

"What time tomorrow, Mama?" Tanong ko sa kanya. She smiled at me tapos ay tumingin kay Papa na para bang tinutudyo nila ang isa't isa.

"Ten am. Pupunta na lang siya sa office mo. She's very excited to see you. Na-miss ka daw niya."

"And why would she miss her? Hindi naman sila close ni Hyacinth." Nakunot ang noo ni Papa habang nakatingin kay Mama. Tumawa lang siya.

"Minsan kasi nanghihinayang pa rin kami ni Alicia dahil hindi kao nakatuluyan ni Ignacio."

I rolled my eyes. Hindi nakakatuwa ang mga sinasabi ni Mama sa akin. Kung ako nga hindi ako nakakaramdam ng panghihinayang, sila pa kaya? Isa pa, hindi naman nila alam kung ano ang tunay na nangyari sa aming dalawa. Wala naman kasing kahit na sinong nakakaalam. Walang may ganang magtanong sa akin. It's not that I want ro be comforted but I just want these things to be out of my chest.

Natapos ang dinner namin. Nagpaalam na ako kay Mama at Papa na uuwi na ako. I have my own place now. Doon kami nakatira ni Chuchay. Ang nakatira na lang kina Mama ay si Rael at Nautica. Yael and Alyza lives at the Skyline towers. May saili silang unit doon na regalo ng mga Vejar nang magpakasal silang dalawa.

I, on the other hand, lives at the pent house inside the Consunji Hotels. Hiningi ko kay Papa ang lugar na iyon pero hindi niya ibinigay sa akin. Ayaw kasi niyang umalis ako sa bahay. Ipinaliwanag ko sa kanya na may edad na ako at kailangan ko na nang sarili kong buhay, pero matigas si Papa, ayaw niya akong umalis talaga. Kaya umisip ako ng paraan. I talked to he Queen of Consunji, herself and she agreed to me. By the end of the day, nasa akin na ang pent house at walang nagawa si Papa.

Kung minsan nga ay natatawa na lang ako. Uuwi ako sa pent house at matatagpuan ko si Yael na narroon at katabi si Chuchay sa sofa. Ang sabi niya sa akin ay mas gusto niyang tabihan ang aso ko kaysa kay Alyza. Hindi ko rin naman siya masisisi, hindi naman talaga siya masaya. He was being truthful when he said that if it weren't for Aly's father, hindi sila mapapakasal. Ayaw rin naman ni Mama kay Alyza, ayaw din ni Papa. The only reason why the family ws puttig up with her was because of Yohan.

I came home that night. Sinalubong ako ni Chuchay at ng maid ko. Nagtatahol siya habang nakatingala sa akin. I kneeled in front of her and caressed her neck.

Sweetest GoodbyeKde žijí příběhy. Začni objevovat