SG. 3 - So Bad

116K 3.5K 558
                                    

                  


"Kuya, bakit hindi na lang dito sa backyard natin gawin mo iyong tree house namin ni Ica?"

Nginitian ko si Mikee habang busy ako sa paggawa ng plano ng tree house niya. Marami din namang puno sa back yard namin pero naisip ko na sa back yard na lang ng mga Consunji ko ilagay ang tree house ng kapatid ko at ng kalaro niya.

"Lalagyan din kita dito pero mas ideal doon kasi mas malalaki ang puno nila." Simpleng paliwanag ko.

"Eh paano kapag magalit si Ma'am Niki?" Tanong niya sa akin.

"Hindi magagalit si Ma'am Niki. Nagpaalaam na ako sa kanya pati na rink ay Sir Yto. Okay naman sa kanila. Gusto nga ni Sir Yto para daw may laruan si Nautica."

"Spoiled si Nautica kay Sir Yto no, Kuya. Buti pa siya may Daddy."

"Bakit? May daddy ka rin naman ah!" Ibinaba ko ang lapis na hawak ko at hinarap ang kapatid ko.

Twelve years old pa lang si Mikee pero hindi naman lingid sa kanya na kami ang ikatlong pamilya. Amerikano ang tatay namin. He has an American wife, tapos nang pumunta siya dito sa Pilipinas ay nakilala niya ang ikalawa niyang asawa, and the five years after being married to that woman, he met my mom and courted her too.

Pero hindi naman siya umuuwi sa amin, doon siya sa ikalawa niyang asawa. Puro babae ang mga kapatid ko, ako lang ang anak niyang lalaki. He gave us – Mikee and I his surname – kahit na kabuli-bully ang pangalan niya.

"Hmp, hindi naman siya nagpupunta dito. Kahit nga Christmas, wala siya dito eh." Sabi naman niya sa akin. Ginulo ko ang buhok niya. Hindi ko rin maintindihan si Mama, bakit siya nagtatyaga sa tatay namin samantalang hindi naman siya nito halos inuuwian. It's not about the money. My mom is pretty established. May-ari siya ng mga malls sa bansa at balak na rin niyang magtayo ng mall sa Dubai. She wanted to expand our business at para iyon sa aming magkapatid.

Lahat ng bunga ng business ni Mama ay nakapangalan sa aking dalawa ni Mikee. Mas maigi na rin daw iyong pinaghahandaan niya ang para sa aming dalawa para naman hindi kami makikitanghod sa una at ikalawang pamilya.

"Okay lang iyon, Mikee, nandito naman si Kuya at si Mama. Love ka namin." Hinalikan ko siya sa noon. Napangiti na siya.

"Pupunta ulit tayo kay Nautica? Magagawa ka na ulit doon?" Tanong niyang sunod-sunod. Tango na lang ag isinagot ko sa kanya. Tinawag ko ang yaya niya para sabihin na ayusan na si Mikee. Nagbihis na rin ako. Sinuot ko ang kulay gray kong t-shirt na may pulang stripes. Tinernuhan koi yon ng floral na board shorts.

Nagpunta na kami ni Mikee sa mansyon ng mga Consunji pero bago iyon ay dinaanan ko muna si Alyza, I promised her that we'll spend the day together. Nakaabang naman na agad siya sa labas ng bahay nila at may dala siyang mga freshly baked bread.

"Hello, Iggy." She greeted me. Hinalikan ko siya sa labi. Mabilis lang iyon dahil naroon si Mikee sa tabi ko. "Hi, Mikee. Bread?"

"No, thank you, Ate. Baka mamaya, kumain kasi ako ng pasta kanina. So glad you're here po. Bonding time!" Napahagikgik ang dalawa sa pinakaimportanteng babae sa buhay ko. Habang nagmamaneho ay sinusulyapan ko si Alyza na nagkekwento tungkol sa napanood niyang anime kay Mikee. Mikee likes her, I think. Buti at nagkakasundo silang dalawa.

I can see myself marrying Alyza. She's a good woman and I love her.

Narating namin ang bahay ng mga Consunji. Sabado noon kaya inaasahan kong naroon si Ma'am Nikita at si Sir Yto at hindi naman ako nagkamali. Si Ysmael ang sumalubong sa akin at tinulungan akong ibaba ang mga gamit sa paggawa ng tree house. Si Alyza naman ay hinawakan si Mikee sa kamay, ako naman ay lumapit sa mag-asawa para bumati at magmano. Ganoon din ang ginawa ni Mikee. Ipinakilala ko si Alyza pagkatapos.

Sweetest GoodbyeWhere stories live. Discover now