Nameywang si Karina . “Napaka antipatiko mo talaga ! Gusto ko lang naman dalawin si Ice ah ! Bat ang damot mo ? Ha ? Nakakainit ka ng ulo e !” Dinuro pa nito si Sir Greg . Syitibeans !

“Karina !” hinila ko si Karina palayo sa umuusok ang ilong na si Sir Greg .

“Ice ! Diba sinabi ko na sayo na bawal kang dalawin ng babaeng yan dito ? Paalisin mo yan kundi ikaw ang lalayas dito !” sabi ni Sir Greg .

Tumango ako at hinila palabas si Karina .

“Karina ! Ano ba ! Kakainis ka naman e ! Gusto mo bang mawalan ako ng trabaho ha ?” sabi ko sa kanya pag labas namin . Nanginginig ako sa inis kaya kinuha ko sa back pocket ang natirang Marlboro Lights at sinindihan ang isa .

“Ice , mas maige pa nga yatang umalis ka na sa kompanyang ito ! Napaka walang modo ng boss mo !”

Bumuga ako ng usok . “ Bakit ba kasi parati mong iniinis si Sir Greg ? Alam mo namang napaka pikunin nun e .”

“Yun na nga kakaasar eh . Kala mo kung sino maka asta . Pikon naman .” sabi nito na nakapameywang .

Napabuntunghininga ako . Ang totoo kasi , simula ng magtrabaho ako dito , lagi na akong dinadalaw ni Karina . Unang kita nya pa lang kay Sir Greg ay deads na deads na sya sa boss ko . Ang problema , hindi sya pinapansin nito dahil hindi naman sya type . Kaya nung hindi umubra ang pagpapacute nya , lagi nya na lang itong binubwisit . Para lang mapansin sya . Pero tatlong taon na ang bangayan nilang dalawa e . Ang OA na . Ang sarap nila itapon sa kabilang ibayo ng mundo . Tsk !

“Karina , dumalaw ka na lang sa unit ko , utang na loob wag lang dito . Please ?” pakiusap ko .

“Hmp kapagtampo naman ! Sige na nga ! Alam ko naman kasing mahal na mahal mo yang trabaho mo e . Sige na , aalis na ako . Text text na lang .” sabi nito at hinalikan ako sa pisngi .

“Bye !”

Tumango ako at kumaway sa kanya . “Bye .”

Itinapon ko ang stick ng yosi sa basurahan sa gilid ko .

“Buti itinatapon mo na ang yosi mo sa tamang lalagyan .”

Nakita ko si Prof Royce na nakangiti sa akin at mukhang fresh na fresh .

“Bakit nandito  ka ?” tanong ko sa kanya . Ano kayang ginagawa nito dito ?

“Gusto ko lang mag apologize at mag thank you na rin personally . Nakakahiya ako kagabi . Sorry talaga . Salamat na rin sa pagpapatulog sakin sa unit ni Chester .”

Nagkibit balikat ako . “Kay Chester ka magpasalamat . Saka no big deal sakin yun . Isa pa , alangan namang basta na lang kita iwan sa bar .”

Ngumiti ito . “Concerned ka sakin ?” sabi nito .

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now