"Sige po." pagkaalis ni manong Jun ay pinuntahan ko si maid.

Napangiti ako na nandon pa rin si maid at namimitas ng ubas. Lumapit ako sa kanya.

"Kakain na tayo. Tara na, mamaya na yan." tumingin sya sakin at sumimangot. Nginitian ko lang sya at hinawakan ang kamay nya. Ang sarap hawakan ang malambot nya kamay kaya gusto kong hinahawakan kamay nya.

"Sorry na po. Tara na, gutom na ako." pumunta kami kung saan sila manong.

May mga table na pinagdikit dikit lang tapos nagligay ng dahon ng saging at doon niligay ang kanin at mga ulam.

Nandito na halos lahat ng nag-aalaga ng farm. Bali dalawang mahabang table ang gagamitin namin.

"Tara na? Kainan na!" sigaw ko. At nagsimula namin kumain.

Ang ulam namin, inihaw na bangus, sinigang na isda at baboy tapos may mangga at alamang.

"Here, tikman mo." sinubuan ko sya ng mangga na may alamang. "Masarap?" tumango tango sya kaya napangiti ako.

Sinubuan nya din ako at natatawa na lang kami tuwing may naiiwan na dumi sa gilid ng bibig namin.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami ni maid sa isang treehouse dito at doon kami nagpahinga.

"Maid gusto kong matulog. Upo ka dito." turo sa tabi ko. Umupo sya sa tabi ko kaya humiga ako at umunan sa lap nya. Kinuha ko ang kamay nya at hinawakan.

Naramdaman kong hinaplusan nya ang buhok ko kaya nakaramdam ako ng pagkaantok. Bago pa ako makatulog na tuluyan ay naramdaman kong may dumampi sa noo ko. Napangiti ako at tuluyan ng makatulog.

Nagising ako at napadilat. Tumingin ako kay maid, natutulog sya at pabagsak-bagsak ang ulo nya kaya napangiti ako at umupo. Isinandal ko ang ulo nya sa balikat ko at hinawakan ang kamay nyang napakalambot tsaka pinaglaruan ang mga daliri nya.

"Ma'am!" rinig kong tawag ni Manong Jun. Naalimpungatan si maid.

"Stay here." sabi ko at tumayo. Dumungaw ako sa ibaba ng puno.

"Ma'am nandito po si Sir Luke! Gusto nya po daw kayo makita!" nandito sya?

"Sige Manong susunod na kami." tumango si Manong at umalis. Tumingin ako kay maid na gising na. "Let's go." tumango at tumayo sya.

Bumaba kami ng treehouse tsaka pumunta kay Luke. Pinsan ko si Luke, mas matanda sya sakin ng dalawang taon pero hindi ko sya tinatawag na Kuya dahil trip ko lang. Minsan sya ang taga-alaga ng mansion dahil malapit lang kasi yung bahay nya dito kaya sya minsan ang nag-aasikaso sa mansion lalo na sa mga tanim na ibebenta sa bayan.

"Left!" inirapan ko sya. "Sungit hindi mo man lang ba ako namiss?" nagtatampong sabi nya.

"Mandiri ka nga." tinawanan nya lang ako. Bwisit.

"Balita ko may maid ka na daw? Ang saklap naman. Ang tanda na, may maid pa." sinamaan ko sya ng tingin. Nakalimutan kong sabihin na sya ang pinsan ko na walang ginawa kundi asarin ako simula pagkabata.

"Shut up, you idiot." nginisian nya lang ako at napabaling ang tingin kay maid. Tila nakakita sya ng magandang babae at nakanganga pa sya. Tumingin ako kay maid at halatang naiilang sya sa titig ng pinsan kong baliw.

"Laway mo tumutulo." sabi ko at nagkunwaring may pinunasan sa gilid ng bibig nya. Natauhan sya at namula. Natawa ako. Shet hindi bagay mamula ang mukha nya!

"Left ang ganda nya." bulong nya. Tinaas ko ang kilay ko. "Hi, I'm Luke." inilahad ni Luke ang kamay nya.

Nagtaka sya nung imbis na magpakilala si maid, nagsulat sya sa whiteboard nya.

"She's mute." Sabi ko. Napatingin sakin si Luke at napa-what sya. Nakitbitbalikat lang ako.

Hello, ako naman si Nissan.

"Nice name Nissan, ang cute parang yung may nagmamay ari." napairap ako sa kacornyhan ng pinsan ko. Iniwan ko muna sila don dahil tinawag ako ni manong Jun.

May kinausap lang ako isa sa nag-aalaga ng farm pagkatapos nagplastic ako ng iuuwi kong prutas. Medyo madami dahil hindi lang sila Mama ang bibigyan ko pati yung mga kapatid ko at yung mga gagong kong bestfriend. Nag-uwi din ako ng para sakin.

Pagkatapos kong magplastic ng mga prutas ay tumingin ako kanila Luke. Napataas kilay ko nung makita kong nagtatawanan yung dalawa. Wow huh close na agad sila. Bigla akong nainis nung hawakan ni Luke si maid sa kamay at parang okay lang kay maid na hawakan sya ni Luke.

Ganon ba sya sa lahat ng hahawak sa kanya? Kaya ba hindi sya nagrereklamo kapag hinahawakan ko kamay nya? Siguro pati kabitbahay ko hinahayaan nya lang na hawakan kamay nya. Nakakainis! Gusto ko ako lang pwede humawak sa kamay nya pero dahil may iba ng humahawak sa kanya bigla ako nandiri.

Nakakaasar dapat hindi ko na hinawakan kamay nya!



-----------------

Mi Amore Series#1 My Mute MaidWhere stories live. Discover now