"Oh sya kumain na kayo para maalis na kayo." inilapag ni manang ang iba pang pagkain.

Hinila ko ang katabing upuan ko at tinap habang nakatingin kay maid. Naintindihan nya naman kaya agad syang tumabi sakin.

Pagkatapos namin kumain ay naligo si maid habang ako hinahanda ang extrang damit ko dahil panigurado pagpapawisan ako mamaya. Nang matapos si maid ay agad kaming pumunta ng farm na pinagmamaari namin.

"Ma'am Left! Napadalaw po kayo." sabi ni Manong Jun, isa sa nag-aalaga sa taniman namin.

"Oo nga po eh. Nasabi ni manang na pitasan ngayon ng mga prutas. Ano po bang mga prutas ang pipitasin ngayon?"

"Ay nako madami. Ang ganda kasi nga panahon na nagdaan kaya maganda ang tubo ng mga prutas. Gusto mo bang itry mamitas ma'am?"

"Sige po manong. Mag-uuwi din ako para kanila Mama."

"Sige, sige. Ah teka may kasama ka pala." napatingin kami kay maid.

"Ah opo maid ko po sya." nagulat din sya sa nalaman nya.

"May asawa na po ba kayo ma'am? May maid na kayo eh." hala asawa agad?

"Manong naman. Ang bata ko pa para mag-asawa. Sila Mama ang kumuha sya sa kanya pati nga po si Right may butler eh." sagot ko.

"Ay akala ko may asawa ka na. Mabuti naman dahil mas bagay kayo nito." napanganga ako sa sinabi ni manong. Kami ni maid? Bagay?

"Manong parehas kaming babae." sabi ko.

"Alam ko at alam kong kasalanan yon sa diyos pero sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko. Pero kung magkakagusto ka sa kapwa mo babae, okay lang yan. Wag mo isipin ang sasabihin ng iba, ang mahalaga mahal mo ang taong yon." lalo akong napanganga sa sinabi ni manong. Grabe hindi ko ine-expect na sasabihin ni manong iyon.

"Oh sya tara na? Nag-uumpisa na sila doon." sabi nya ulit. Tumango ako dahil hindi ako naka-move on don sa sinabi nya. Ako magkakagusto sa babae? Nailing na lamang ako.

"Tara na." hinawakan ko kamay ni maid at pumunta kay manong.

Magkasama kami ni maid sa pagpitas ng mangga. Halata sa mukha nya ang saya habang pinipitas ang mangga.

"Oy! Mag-iingat ka naman." sabi ko dahil muntik na sya mahulog kung hindi ko pa nahawakan. Nakaupo kami sa isang sanga at pumipitas ng mangga na malapit samin.

"Tara don naman tayo sa ubas." nauna akong bumaba at inalalayan syang makababa dahil baka mahulog na naman.

Hinawakan ko ang kamay nya at pumunta kami sa taniman ng ubas.

Tinanong ko ang nag-aalaga sa mga tanim ng ubas kung pwede na bang pitasan ang mga ubas. Sumagot naman ito ng pwede na kaya namitas na kami ni maid.

Pumitas ako ng isang ubas at isinubo kay maid.

"Matamis ba?" natawa ako dahil naasiman sya. Halata naman na maasim.

Pumitas ulit ako ng isa.

"Ito tikman mo." tinignan nya muna yung ubas at mukhang nagdadalawang isip kung kakainin. "Matamis na 'to promise." nginitian ko sya para i-sure na matamis talaga ang ubas na 'to. Kinain nya ang ubas at natawa ako ng mangasim ulit ang mukha nya. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya dahil baka sapakin ako.

"Ma'am nasaan po ang kasama nyo?" tanong ni manong Jun.

"Ah nandon po namimitas ng ubas." ngiting ngiting sabi ko.

"Nga pala ma'am nakahanda na po ang tanghalian. Kakain na po." sabi nito.

"Ah sige susunod na kami. Pakitawag na din yung ibang kasamahan natin para sabay sabay na tayong kumain." sabi ko.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon